"Oh, shit! Mahuhuli na ko."
Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng aking sarili. Inimpake ko ang aking kaunting damit at gamit.
"Ma, handa na po ako. Kayo na po ang bahala dito sa bahay. Mami-miss ko po kayong lahat," turan ko.
"Sobra-sobra ka rin namin mami-miss tapos mag-iingat ka lalo't mag-isa ka lang doon. Lagi mong aalagaan ang sarili mo ha, nak? Mahal na mahal ka namin."
"Opo, ma. Tama na po ang drama dapat masaya tayo kasi nakuha ko ang scholarship at makakapag-aral sa isang kilalang unibersidad." Pilit akong ngumiti sa harapan ng aking pamilya at kinubli ang sakit na nadarama sa aking napipintong paglisan.
Sa totoo lang, hindi ako sanay mag-isa. Ngayon nga lang ako mahihiwalay sa pamilya ko ng ganito katagal at kalayo. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa pupuntahan ko pero kailangan ko magpakatatag para sa mga mahal ko sa buhay.
Pagkaalis ko ng bahay, kaagad namang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko kasi mapigilan ang aking mga luha, may pagkamadrama talaga ako minsan.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang aking mga luha. Pinilit kong ngumiti bago lumingon sa aking mga mahal sa buhay na matagal kong hindi makikita.
Nagpatuloy ako sa aking biyahe papunta sa pribadong unibersidad na aking papasukan. Medyo malayo ito kaya naman kinakailangan ko sumakay ng eroplano patungo rito.
Bahagya nga akong kinakabahan kasi ito ang unang pagkakataon na makasasakay ako sa eroplano.
Punong-puno nang kaba ang aking dibdib, kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Pilit kong iniwawaksi ang mga masasamang bagay na sumasagi sa aking isip tulad ng hi-jack o kaya naman ang mag-crash landing.
Dumaan muna ako ng 24seven, isang kilalang convenient store dito sa bansa. Nais ko kasing bumili ng tubig at candy. Sa loob ng store napansin ko ang isang babae na namimili habang naka-ipit sa mga daliri ang kanyang ticket. Mukhang parehas kami ng eroplanong sasakyan kaya naman nagdulot ito ng bahagyang ginhawa sa aking isipan.
Akala ko talaga late na ko, sobra-sobra pa naman akong nagmamadali samantalang ito si ate napaka-relax lang. I guess, di ko kailangan mag-panic, tutal mukhang mauuna naman ako sa kanya makapunta ng airport. Ako, nakapila na sa kahera para magbayad, si ate naman, taking all the time in the world mag-ikot dito sa store.
Pagkatapos ko magbayad nagtungo na ako kaagad sa airport. Narinig ko na tinatawag na ang lahat ng pasahero ng flight namin na sumakay na sa eroplano.
"Letse yun si ate, late na pala talaga kami!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa boarding para maabutan pa ang flight namin. Hingal na hingal akong nakasampa sa eroplano. Sinilip ko kung ano ang aking seat number sa ticket at doon ako naupo.
Tinulungan ako ng isang flight attendant ilagay ang bag ko sa kabinet sa may ulohan; para din pa lang bus toh. Ang pinagkaiba lang dito may mga attendant.
"This will be the 7th and final call for this flight," nadinig kong inaanunsyo sa radyo ng paliparan.
Tignan mo yun si ate, mukhang hindi nya ata alam na late na siya.
Nakita kong pumasok si ate sa eroplano at tulad nung nasa 24seven kami, relax pa rin siyang naglalakad at tila walang paki kung siya na lang ang hinihintay. Umupo ito at tinulungan ng mga attendant na ilagay ang bagahe niya sa ibabaw na shelf.
Shit! Ito na yun paalis na kami, kinakabahan ako at excited. Nagsuot ako ng headset at nagpakalunod sa music para hindi ko marinig ang malakas na pag-ugong ng makina ng eroplano. Hindi kalaunan ay nakatulog ako.
Nagising ako ng makaramdam ako ng mga taong nagtatayuan sa loob ng eroplano. Ayun na nga, nakatulog ako sa buong flight namin. Mas nanaig yung takot ko kaya naman itinulog ko na lamang ito. Mas gugustuhin ko pang magbyahe sa karagatan, ngunit tanging sa himpapawid lang daw ang daan patungo doon sa pribadong eskwelahang papasukan ko.
Pagbaba namin sa eroplano may mga nag-aabang na mga bus samin. Isa isa kaming binabati ng mga taong tila kanina pakami inaantay na dumating. Sila ata yung tinatawag na welcoming committee. Nagulat ako ng batiin nila si ateng late kanina.
"Welcome back , ma'am Bosch!"
Guro pala siya dito sa pribadong eskwelahang papasukan ko kaya naman pala ganoon na lang ito maka-asta.
Grabe talaga ang unibersidad na ito napaka-prestihiyoso. Private plane, bus ano pa kaya ang private dito? Bukod sa private island ito. Ayun na nga, isang malaking isla ito na pagmamayari ng eskwelahan, puro mga mayayaman at matatalinong tao lamang ang nakakapag-aral dito. Hindi ko nga rin sigurado paano ako nakapasa at nakapasok sa ganitong ka-prestihiyosong paaralan.
Sa loob ng bus hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko sa daan. Hindi ito nalalayo sa buhay sa labas ng isla. May mga mall, parke, restaurant, mga hotel at iba pa.
Pagkababa ko ng bus natigilan ako sa aking nakita, school ba ito o mall? Napakalaki, walang-wala sa pinasukan kong paaralan nung grade school ako.
Agad kong kinuha yung letter of acceptance ko, sa loob kasi ng envelop nakalagay yung keycard ko sa kwarto sa dorm at kung anong building at room number ko.
"Wala ba silang mapa na binibigay dito? Unang beses ko makapunta dito, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Napakarami kong gusto puntahan." Napahinto ako ng mapansin kong napatingin sa akin yung ibang mga mag-aaral. Nakaramdam ako ng pagkahiya. Shit naman, sa sobrang excited ko nasabi ko ng malakas yung mga nasa isip ko. Nakita ko yung ibang estudyante na umiling at nagpatuloy na sa kanilang paglalakad.
Gusto ko magmaskara sa hiya.
"Mukhang naliligaw ka ah" sabi ng isang boses na nanggagaling sa may bandang likuran ko. Napangiti ako at natigilan. Teka teka, baka naman hindi ako yung kausap niya. Dean relax ka lang, walang nakakakilala sayo dito. "Anong building mo ba?" Pagpapatuloy niya.
Dahan dahan akong lumingon upang tignan kung ako nga ba ang kinakausap nito. Laking gulat ko ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa likuran ko at nakangiti. Tinuro ko ang sarili ko bilang pagkumpirma kung ako nga ba ang kinakausap nito.
"Oo ikaw nga ang kausap ko, may nakikita ka ba na hindi ko nakikita? Dalawa na lang tayong nakatayo dito oh" turan nito.
Hala, ako nga ang kausap niya. Kilala niya ba ko? Kilala ko ba siya? Hindi ko siya matandaan, sino ba sya?
"Hoy, masyado ka atang nagwa-gwapuhan sa akin" turan nito habang nakangisi "tama na yan, baka malusaw ako sa titig mo."
Ano daw?! Eh loko naman pala toh eh papatulan ko toh! Pero so far siya palang may nais tumulong sa akin. Sakyan ko na lang muna, behave muna ako.
"Huh? Sorry, wala kasi akong kakilala dito kaya hindi sumagi sa isip ko na may kakausap kaagad sa akin sa unang araw ko dito. Ako nga pala si Dean."
"Ako naman si Ryder, ang taong magbibigay ng kulay sa buhay mo," tugon nito ng may ngiti sa kanya mga labi.
"Gagu ka ba?!" galit na sagot ko.
"Ako? Oo" turan nito sabay tawa "nagbibiro lang ako, huwag ka ngang masyadong seryoso. Halikan kita diyan eh"
Ayokong patulan mukhang nag-eenjoy siyang pagtripan ako. Bahala siya sa buhay niya, hindi niya makukuha ang satisfaction sa pantri-trip niya sa akin.
Tumalikod ako at naglakad palayo.
Mukhang masisira buhay ko dito sa eskwelahan na ito, lalo na sa Ryder na yan. Napakalakas ng trip. Namimiss ko natuloy kaagad ang bahay namin. Jusko tulungan niyo ko, tulungan niyo ko na hindi makapanakit ng may sira ang ulo.

BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...