Kabanata XLVIII

53 9 15
                                    

Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"Dean ko makinig ka, ito ang totoong umpisa ng love story natin," sambit ni Ryder at humalik sa aking labi.

Nanlaki ang aking mata sa gulat, bakit parang hindi ko matandaan ang version na ikukuwento ni Ryder? Pinagtritripan niya lang ba kami ni Marty? Mukha naman siyang seryoso.

Inumpisahan ni Ryder ang kwento noong bata pa siya. Medyo loner daw talaga siya noon, hindi daw siya pala labas ng bahay at madalas lang nakasilip sa bintana at pinapanood ang ibang bata na naglalaro.

Nandyan naman daw kasi si Bea kaya naman sapat na sakanya iyon at hindi na naghanap pa ng iba pang kaibigan at kalaro.

Bigla ko dito naalala ang kwento ni Cameron sa akin noon na noong maliit pa sila madalas nilang nahuhuli si Ryder na pinapanood silang maglaro mula sa malayo.

Pagkatapos ay nagbakasyon ang pamilya nito ng matagal at pagbalik nila parang naging ibang tao na si Ryder, mas naging confident at masiyahin.

Isang araw daw nagising na lang si Ryder na ipapadala daw ng magulang nila si Bea sa isang prestihiyosong ballet class. Labis daw ang lungkot ni Ryder nun kaya naman naisipan ng parents niya na magbakasyon sa malayong lugar kung saan daw puwedeng maging normal na bata si Ryder.

Ilang araw din daw ang lumipas ng dumating sila Ryder doon sa bahay bakasyonan nila sa isang maliit na bayan sa isang probinsya. Hindi pa rin daw siya lumalabas dahil wala daw siyang sapat na lakas ng loob para makipagkaibigan.

Hindi talaga ako makapaniwala na may punto ng buhay si Ryder na mahina ang loob niya parang ang layo kasi sa pagkatao niya.

Siguro daw napansin ito ng magulang niya kaya naman pinilit siyang lumabas ng bahay at makipaglaro sa ibang bata pero dahil medyo awkward siya, binully siya.

Pero hindi daw nagpatuloy ang pambubully sa kanya dahil may isang bata daw na medyo madungis ang lumapit at ipinagtanggol siya.

Simula noon madalas na sila naglalaro ng batang iyon, wala daw araw na lumipas nung nagbabakasyon sila na hindi niya kasama ang batang iyon.

Napakamasiyahin daw ng batang iyon, kung saan saan siya dinadala at pinapatakbo. Yung batang iyon daw ang unang nagparamdam sa kanya ng kalayaan.

Hanggang sa kinakailangan na nila Ryder bumalik at simula daw nun hindi niya na nakita yung batang savior niya, ni hindi na daw niya matandaan ang pangalan.

Nagumpisa ng pumatak muli ang aking mga luha, hindi ko na mapigilan ang pagbugso ng aking nararamdaman. Huminto si Ryder sa pagkukuwento. Umiling ako at sumenyas na ipagpatuloy niya lang ang pagkukuwento.

Lumipas daw ang mga taon at nabuo na ang samahan nila nila Jaxon, Marco at, Cameron. Kinaladkad daw ni Marco at Jaxon si Cameron at Ryder na pumunta at manood sa isang cheering competition na kinalalahukan ng kanilang school.

Huminto daw ang oras ni Ryder ng makita ang isang pamilyar na mukha na nasa harapan ng isang pep squad. Napakaganda ng ngiti nito at ng magumpisa ang tugtog nagback dive ito ng tatlong beses at lumundag huli habang nakabukaka,

Napansin daw nila Cameron ang pananahimik niya kaya naman daw hindi na nakatiis ang tatlo at tinanong kung anong nangyayari sakanya.

Sinabi daw niya na yung lalaki daw na nagback dive ay nakilala niya noong bata pa siya at yung batang iyon daw ang savior niya.

Dito na daw siya nagumpisa maging curious sa naging buhay ng savior niya, naging supportive naman daw ang mga kaibigan niya.

Tinulungan daw siyang alamin at kilalanin pa ang savior niya hanggang sa ang curiousity naging simple crush na. Haba daw kasi nakikilala niya ang savior niya mas lalo daw siya nagiging proud.

Tapos nagulat na lang daw siya ng parang pinagtatagpo daw sila ng tadhana ng savior niya. Kasi ba naman daw isipin nyo unang araw sa kolehiyo makikita mo sa hindi kalayuan ang savior at crush mo na parang naliligaw kaya naman ginamit na daw niya ang opportunidad na iyon para mapalapit dito.

"At oo Dean ko, ikaw iyon. Ikaw ang inspirasyon ko mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal kita at mas lalo pang minamahal habang nakikilala pa kita ng lubos."

Hindi ko na napigilan humagulgol kaya naman niyakap ako kaagad ni Ryder ng napakahigpit para pakalmahin ako. Ang hirap naman magreact sa rebelasyon ni Ryder, hindi ko akalain.

Nagflashback unti unti ang mga nangyari noon bata pa kami, kung paano ko pinagpapalo yung mga batang umaapi kay Ryder, kung paano ko pinipilit si Ryder maglaro ng mga larong kalye, kung paano ko siya kinakaladkad papunta doon sa magagandang spot samin sa probinsya.

Nakakainis bakit hindi ko siya agad naalala bakit parang nakalimutan ko ang lahat? Dito ko naalala na yung panahon na yun din nga pala nawala si papa.

Yung panahon na rin yun nagumpisang magbago ang buhay ko, kinailangan kong mag-mature kaagad at magdagdag ng responsibilidad para magpatuloy sa buhay.

Kaya sumali ako sa lahat ng extra curricular activities para pandagdag sa budget ko sa pagaaral hanggang sa nakuha ko ang scholarship ko para makapasok sa isa sa pinaka prestihiyong unibersidad sa bansa.

Hindi ko aakalain na ito papala ang magiging daan para makilala kong muli ang bata sa aking nakaraan. Mas konektado pa pala ang mga buhay namin ni Ryder higit pa sa inaakala ko.

"Salamat Ryder ko at nahanap mo ko."

Pumikit ito at hinalikan ako sa aking noo na puno ng emosyon. Napakasarap sa pakiramdam.

Natigilan kami ni Ryder ng makarinig kami ng humihikbi. Nagtinginan kami ni Ryder at napansin na hindi samin nagmumula ang naririnig namin na tunog.

Sabay kaming lumingon ni Ryder kung saan nagmumula ang tunog at doon namin nakita ang naiyak na si Marty. Muli kaming nagtinginan ni Ryder at natawa.

"Ang sweet naman pala sobra ng kwento niyo" ika ni Marty ng humihikbi, "parang ang ganda gawin movie."

Naalala ko aspiring writer nga pala itong si Marty kaya ambilis maapektuhan. Pinakalma na muna namin ng bahagya si Marty para tumahan na sa pagiyak. Nasasapawan na kami, dinaig pa ko, napaka drama queen.

Nang tumahan na si Marty biglang napaisip tuloy ako, ano na kaya nangyari sa bahay bakasyonan nila Ronan? Kamusta kaya sila RJ.

Sabi ni Ryder, dinala daw nila Marco si Ronan sa isang kwarto at ginamot ang mga natamong sugat nito ng sinuntok ito ni Ryder. Habang si Ryder naman daw ay nagaayos ng mga gamit niya sa kwarto.

Nang matapos daw niya ayusin ang gamit niya nilapitan daw siya ni RJ at sinabihan siya na sila RJ na daw ang bahala kay Ronan. Kapalit nun ay si Ryder naman na daw ang bahala sa paghahanap sakin.

Napaka considerate din ng mga yun, talagang naisip pa nila na magpapaiwan sila para kapag nahanap ako ni Ryder eh makapagusap kami ng masinsinan.

Naisip ko tuloy so noon pa man din kilala na ko ng tatlong mokong? kaya ba nila ako kinaibigan dahil alam nila na may gusto sa akin si Ryder?

"Ryder kinaibigan lang ba ko nila Jaxon dahil sayo?"

"Ang totoo niyan, hindi. Kinaibigan ka nila dahil hindi mo daw ako deserve, masyado ka daw mabuti para sa akin," tugon ni Ryder ng natatawa-tawa "kaya naisip ka nila bantayan para daw hindi kita harasin."

Choice daw nung tatlo na kaibganin ako at wala daw siya doong alam kahit daw siya nagulat ng malaman niyang kinaibigan ako nung tatlo.

Sobrang galak ng puso ko sa mga kwento na narinig ko mula kay Ryder at saktong pagtingin ko sa langit may nakita akong falling star. Pumikit kaagad ako at humiling.

Laking gulat ko biglang may dumampi sa aking mga labi at pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Ryder na nakapikit at nakalapat ang labi saking mga labi.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon