Tama ba ako nang nakikita, si Ryder nga ba itong nasa harapan ko ngayon?
"Nagugutom na rin ako. Puwede bang makimesa sainyo, Dean ko?" Tanong ni Ryder habang naghahanap na nang extrang upuan para makatabi samin ni Raven.
Alam kong kanina sinasabi ko na namimiss ko na si Ryder at heto na nga siya sa harapan ko ngayon. Nangungulit na naman, hindi niya ba naisip anong mararamdaman ni Raven na nandito siya? Baliw talaga ito kahit kailan.
"Hindi mo ba nakikitang masikip na dito sa mesa namin, humanap ka na lang nang ibang mesa" pagsabat ni Raven.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nagtititigan na naman yung dalawa na tila nagrarambulan sila sa kanilang isipan. Kung wala lang siguro kami dito sa loob nang restaurant baka nag suntukan na itong dalawa.
Bumitaw nang tingen si Ryder at naglakad nang bahagya palayo at umupo sa katabi naming table. Napangiti si Raven, halatang masaya sa takbo nang pangyayari.
Sa kabilang banda nakikita ko na ang sama nang mga tingin sakin ni Ryder. Hindi ko na lang pinapansin para hindi na lumaki ang gulo. Ayokong umeksena sa restaurant na family business nila Raven. Ang gusto ko lang matapos na ang dinner date na ito at makauwi na nang matiwasay.
Sa kabilang banda hindi pa pala doon nagtapos ang panggugulo ni Ryder. Hindi ito tumitigil sa pagsabat sa kahit anong pagusapan namin ni Raven. Kung hindi naman eh bigla itong tatawa nang malakas para mawala kami sa pinag uusapan namin. Napaka childish nang inaasta ngayon ni Ryder.
Hanggang umabot na sa punto na hindi ko inaasahan. Bigla na lang tumayo si Raven, hinanap ko agad ang mga mata nito. Kitang kita ang galit na nararamdaman niya ngayon.
Naglakad na ito palapit ka Ryder at napansin ko na binuo nito ang kamao niya. Bago pa man niya masuntok si Ryder, nagsusumigaw na ko. Pinahinto ko si Raven sa balak niyang pagsuntok kay Ryder.
"Tumigil na nga kayong dalawa" sambit ko habang nakatayo sa gitna nila Ryder at Raven. "Nakakadisapoint kayo, para kayong mga bata."
Nang mukhang hindi na nila itutuloy ang pagaaway nila tinalikuran ko na sila at naglakad palayo.
"Hatid na kita" sabay nilang turan.
"Walang maghahatid sakin, kaya ko umuwi mag-isa kung gusto niyo kayo na lang mag date" galit kong sambit at nagtungo na palabas nang restaurant.
Ayoko na muna sumakay, nais ko na muna maglakad lakad at magpahangin sa labas.
Ano ba naman kasing problema nito ni Ryder, ayaw pa kasi tumigil. Nakakahiya na masyado kay Raven pero bakit ganun hindi ko maiwasang mapangiti sa mga kalokohan ni Ryder?
"Dean ko, antayin mo naman ako" pagsusumamo ni Ryder.
Nakikita ko si Ryder na natakbo palapit sa akin habang sa bandang likuran naman nito kasunod niya si Raven.
"Hindi niyo na ko kailangang samahan kaya ko ang sarili ko" pagmamatigas ko sa dalawa.
Nagulat ako nang biglang umakbay si Raven kay Ryder nang maabutan niya ito. Ano na namang pakulo nitong dalawang toh? "Oh anong meron?"
Ipinaliwanag sa akin ni Ryder na willing sila magkaroon nang peace treaty tonight ni Raven, just to make me happy. Ayaw naman daw nila matapos ang araw ko na masama ang loob ko sakanilang dalawa.
Kaya ayun pumayag naman ako sa gusto nilang dalawa. Bakas sa mukha nilang dalawa na masaya sila na pumayag akong sumama sakanila. Saan kaya nila ako dadalhin?
Hindi ko alam pero for some reason, masaya akong makitang nagkakasundo ngayon si Ryder at Raven kahit ngayong gabi lang.
"Saan niyo ba ako balak dalhin?" Paguusisa ko sakanilang dalawa.
Nakangiti naman ang dalawa na tila ba napakatalik nilang magkaibigan. Nakalimutan na ata nilang magkaaway sila bukod pa rito mukhang mas excited pa sila sa pupuntahan namin kaysa sa akin.
Kung sinasabi na nila kung saan kami pupunta edi sana tatlo kaming nasasabik. Hindi iyong silang dalawa lang. Paguuntugin ko na itong dalawa para matauhan.
Napahinto kaming tatlo sa tapat nang isang night carnival. Kitang kita naman ang mga bituin sa mga mata nang dalawang kasama ko kaya malamang dito talaga ang destinasyon namin.
"Welcome, Dean Ko dito sa night carnival!" Pagbati ni Ryder.
"Welcome sa akin o welcome sa inyo? Mukhang mas excited pa kayong dalawa sa akin eh" natatawa kong pangaasar sa dalawa.
Nagtinginan naman sila at sabay humarap sakin para tumanggi "hindi ah!"
Natawa ako at napailing sa nasaksihan ko.
Pumasok na kami sa loob nang night carnival at namangha sa ganda nang mga ilaw dito ngayong gabi. Buhay na buhay ang lugar at tila napakasaya nang lahat. Mukhang tama sila Ryder at Raven na dito nila ako dinala.
Hindi ko alam kung mae-excite ako nang sabihin nilang gusto nila sumakay sa rollercoaster. Natatakot akong masuka o mapahiya sa harap nilang dalawa.
Sa pila hindi ko maiwasang mapansin na tuwang tuwa ang dalawa at nagkukwentuhan pa. Konti na lang mararamdaman ko nang sabit lang ako sa date nilang dalawa.
Nang marating na namin ang dulo nang pila naguunahan sila na makasama ako sa upuan dahil ito'y pang dalawahan lamang. Kaya naman nakapag desisyon ako na magsolo na lang ako at silang dalawa na lang ang magsama sa upuan. Sa ganitong paraan hindi nila makikita ang takot ko at hindi ako mapapahiya sa kanila.
Win-win situation!
Nang matapos ang ride. Nanginginig akong bumaba sa rollercoaster samantalang parang gusto pang umulit nang dalawa. Nakakahalata na ako ah baka magkadevelopan na itong dalawang ito.
Lumingon sila sa akin para pagusapan ang experience ko sa rollercoaster. Gusto ko sabihin ang totoo pero ayokong mapagtawanan ni Ryder at Raven kaya naman nagpanggap ako na nag enjoy ako sa ride na iyon.
"Kung gayon ulitin natin!" Sigaw ni Ryder.
Mabuti na lang at naisip ko na sayang ang panahon para umulit sa isang ride dapat ang i-target namin ay ang masakyan ang halos lahat ng rides sa night carnival.
Sumangayon naman ang dalawa sa opinyon ko kaya naman nagtungo na kami sa sunod na ride. Napaka saya nang gabi na ito. Panandalian kong nakalimutan na kailangan kong mamili sa kanilang dalawa.
Sa totoo lang madali lang naman piliin kung sino sakanila. Alam ko sa puso ko na si Ryder ang gusto ko pero hindi ko alam kung handa na ba ko, kaya ko bang tanggapin ang sarili ko?
Nakakaguilty rin na naiipit ngayon si Raven sa sitwasyon na ito dahil sa akin. Nang dahil lang hindi ko maamin ang totoo ginamit ko si Raven na dahilan para hindi ko sagutin si Ryder.
Mabilis na lumipas ang oras at malapit na maghating gabi kaya naman niyaya ko na ang dalawa na umuwi. Akala ko hindi pa sila papayag na umuwi na kami kasi mukhang galak na galak pa sila sumakay sa mga rides, akala mo mga bata.
Nais nilang dalawa na ihatid ako sa dorm ko pero minabuti ko na lang na umuwi magisa. Masyado narin kasing late at bukod doon ayoko naman na silang istorbohin pa. Hindi naman ako babae para ihatid pa nila pauwi.
Nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi na sa kanya kanya naming dorm. Pagkaalis nang dalawa nakaramdam ako nang katahimikan. Sumakay na ako nang taxi papunta sa dorm.
Sa daan pauwi hindi ko maiwasang makaramdam nang saya sa mga nangyari ngayong araw, para tuloy ayoko na lang pumili para hindi sila parehas mawala sa akin.
Napahinto ako nang makaamoy ako nang tila nabubulok sa hallway. Nakakadiri naman ito, sino kayang hindi nag tapon nang basura niya nang ilang araw.
Nagpatuloy na akong maglakad at tumambad sa harapan ko ang isang kahindikhindik at nakakarimarim na eksena.
Bigla ko tuloy na alala yung liham.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...
![Serendipity [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/195245828-64-k790594.jpg)