Ilang araw na rin ang lumipas na hindi kami nagpapansinan ni Ryder pagkatapos ng insidente sa dorm ni Raven. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko na mapagsalitaan si Ryder ng mga oras na iyon. Nadala na rin siguro ako ng personal na galit ko sa kanya at kay Bea.
Ano bang problema niya? Bakit ba kailangan niyang puntahan niya pa ko sa dorm ni Raven. Tapos sasapakin niya pa yung taong nakikiramay sa akin. Hindi nakakapagtaka na malalim ang galit sa kanya ni Raven, ugok kasi siya.
Hindi ko malimutan yung paglipad sa ere ni Raven ng sinapak ito ni Ryder. Pagkabukas na pagkabukas ni Raven ng pintuan ay bigla na lang ito sinapak ni Ryder.
Agad agad akong tumakbo at pumagitna sa kanilang dalawa. Kitang kita ko sa mga mata ni Ryder ang galit habang nakaharang ako sa kanya.
Nang papalapit na ito ulit kay Raven. Hindi ko na nakontrol ang akingg emosyon at sinigawan si Ryder upang tumigil.
Pinaalis ko siya at hindi na pinagpaliwanag pa. Pansin sa mga mata nito ang halu-halong emosyon na lungkot at galit. Halatang dismayado siya pero bakit, kasi hindi niya na ko mapaglalaruan? Kasi nalaman ko kaagad ang mga katarantaduhan niya at nasira ang mga plano niya?
Makikita sa mukha nito ang pagtanggap nito sa kanyang pagkatalo. Tumalikod na ito at umalis ng tahimik.
Nilapitan ko naman si Raven na nakahandusay sa sahig, dumudugo ang mga labi nito dahil sa sapak ni Ryder.
Tila nawalang bigla ang hangover ko sa mga kaganapan sa dorm ni Raven, inalagaan ko ito bilang utang na loob sa pag-alaga nito sa akin noong natagpuan niya akong lasing na lasing sa lansangan.
Simula nun nagkaroon na ng pader sa pagitan namin ni Ryder. Hindi na kami tulad ng dati. Habang tumatagal nararamdaman kong napapalayo na ang loob namin sa isa't isa.
Hindi naman maiiwasang magkausap at kausapin pa rin ako ng tatlong mokong sapagkat magkakaklase kami. Ngunit ramdam ko sa kanila na tila ilang din sila na napapalapit ako kay Raven.
Tumunog ang school bell bilang hudyat ng pagtatapos ng klase. Inayos ko ang mga gamit ko at lumapit sa tatlong mokong. Ayoko namang isipin nilang apektado ang barkadahan namin sa alitan namin ni Ryder.
Ilang beses din humingi ng tawad sa akin si Cameron ng malaman niya ang mga nangyari. Hindi niya daw kasi alam paano sasagutin ng mangamusta si Ryder.
Hinahanap daw ako nito. Wala naman daw sana siyang balak magsalita pero pinilit daw siya Ryder kaya naman wala siyang nagawa kung hindi sabihin ang totoo.
Nagmadali siguro siyang puntahan ako sa dorm ni Raven para mapigilang masmakilala pa si Raven at malaman kung gaano kabait ito.
Na si Ryder lamang ang nagpapalabas na masama si Raven sa harap ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at nalaman ko ng maaga.
Nginitian ko ang tatlong mokong habang naglalakad papalapit sa kanila. "Ano na naman iyang pinag-uusapan niyo?"
"Sige, Jaxon kung matapang kang hayop ka. Ulitin mo yung sinasabi mo sa amin kanina," paghahamon ni Marco.
Halata sa mga mata ni Cameron na nag-aalangan siya sa magiging reaksyon ko sa sasabihin ni Jaxon.
"Si Raven gusto si Krystal. Si Krystal si Ryder ang gusto. Si Ryder naman si Dean ang gusto. Si Dean naman may gusto kay mystery girl."
"Oh, tapos?" hirit ko sa sinasabi ni Jaxon.
"Mag-orgy na kayo. Kbye, exit!" pagpapatuloy ni Jaxon.
"Hayop!" tumatawang reaksyon ni Marco.
"Mga baliw!" tugon ko. Sa mga ganitong pagkakataon pansamantala kong nalilimutan yung mga pangit na nangyari nung nakaraan.
Makalipas ang ilang saglit natapos ang munti naming kasiyahan. Dumating si Raven para sunduin ako at sumabay sa mga alipores niyang kumain.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
Любовные романыIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...