Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Pinunasan ko ito at sinubukang tumahan. Tumalikod ako kay Ryder at Bea na mukhang sobrang sayang magkayakap. Napakabigat ng kada hakbang ko na tila pasan ko ang mundo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta hinayaan ko ang mga paa ko na maglakad ng kusa.
Sa paglalakad hindi ko pa rin maiwaglit sa isipan ko ang mga mukha nilang napakasaya habang magkayakap. Pinagtatawanan siguro nila ako. Bakit nila nagawa sa akin iyon? Bakit nila pinaglaruan ang damdamin ko?
Nag-umpisa na namang maging parang gripo ang aking mga mata. Napansin kong pinagtitinginan na ko ng ibang mga estudyante pero wala akong pake. Sobrang sakit ng nararamdaman ko para intindihin pa sila.
Narating ko ang parte ng school na bihira kong mapuntahan, ang football field. Walang naglalaro ngayon dito kaya naman wala masyadong estudyante. Umupo ako sa isa sa mga bleachers.
Nagsawa na ata ang mga mata ko kakaluha kusa na itong huminto. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan, napakapayapa nito. Hindi katulad ng puso ko ngayon.
Gulong-gulo pa rin ako sa nararamdaman ko, nasasaktan ba ko kasi nakita ko si Bea na kayakap si Ryder o baka dahil nakita ko si Ryder na kayakap si Bea.
Nakakainis. Hindi ko maalis yung bigat ng pakiramdam ko.
"Bro, I was looking for you sa buong school. Nandito ka lang pala" sambit ng isang pamilyar na boses. Kung hindi ako nagkakamali si Cameron ito.
Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses at nakita nga si Cameron. Tinititigan ako nito na may halong pag-aalala sa kanyang mukha.
Pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa. "Bakit nag-skip ka din ng klase?" tanong ko dito.
"Bro, I guess I said too much. I'm sorry kung na-offend kita. I didn't thought na masasaktan ka doon sa observation ko patungkol sa inyo ni Ryder," tugon ni Cameron.
May parang kung anong bumaon sa puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Ryder. Sa totoo lang wala namang kasalanan si Cameron pero narito siya ngayon para damayan ako. Hindi niya alam dahil ito doon sa nakita ko sa ilalim ng puno.
"Guilty ka kaya dinadamayan mo ko ngayon," mahinahon kong sambit.
"Bukod dun, ako ang representative ng barkada. Napagusapan naming tatlo na dapat may pumasok pa rin sa atin para hindi tayo pare-parehas mahuli sa klase," pagpapaliwanag nito sa akin.
Kahit papano napagaan nito ang nadarama ko ngayon. Masasabi kong napakaswerte ko at nakilala ko ang tatlong mokong.
"Salamat," tanging sagot ko kay Cameron.
Halata naman na marami pa itong gusto itanong sa akin pero hindi niya ginagawa. Bukod doon hindi pa rin ako handang magkwento.
Wala rin naman kasi silang magagawa kahit sabihin ko pa sa kanila. Makakadagdag lang ako sa mga isipin nila at stress. Sapat na naperwisyo ko sila ngayon.
"Bro, iinom na lang natin yan," suhestyon ni Cameron.
Tumango naman ako bilang tugon.
Sa daan patungo sa pupuntahan namin, never inopen ni Cameron ang topic bilang respeto sa pananahimik ko. Mabuti na lang talaga at hindi si Jaxon o si Marco ang pinasama nila sa akin. Panigurado na hotseat na ako sa mga mokong na iyon.
Pagdating namin sa loob. Umorder na kami ni Cameron. Ngayon ko lang napagtanto na ang awkward pala kapag kaming dalawa lang, wala sa aming masyadong naimik. Sa mga ganitong pagkakataon mamimiss mo rin ang ingay nung dalawa.
Nagulat kami ni Cameron ng may kumatok sa mesa namin. Dumating na agad ang order namin?
Tinignan ko kung sino ang kumatok at nagulat sa aking nakita. "At your service," ika ni Jaxon.
"Mga hayop, ano kayo kayo lang?" banat ni Marco mula sa likuran.
Napangiti ako ng makita ko na buo ang tropa ngayon para damayan ako. Agad agad tumayo si Cameron para paupuin si Marco. Si Jaxon naman ay nagkusa na lang tumabi sa akin "salamat dude," banat nito.
Nag-abang ako na magtanong sila, nag-isip na rin ako ng mangilan-ngilan na mga palusot pero wala sa kanilangnagtangkang nagtanong. Nanahimik sila tungkol sa nangyari. Hinahayaan nila ako kung kailan ako magkukusa na magkwento sa kanila.
Dumating na ang order namin. Hindi na ito sapat ngayon sa aming apat kaya naman nagdagdag si Marco ng mga order.
"Ouch! Ang init pa," daing ni Cameron ng mapaso ng kakalapag palang na freshly fried fish crackers.
"Patay gutom ka ba? Hinay-hinay kasi," singhal kaagad ni Marco.
Pagkatapos ay kinuha ni Marco ang kamay ni Cameron at hinipan ang napasong daliri nito.
"Kiss!" biglang pag-udyok ni Jaxon mula sa tabi ko, kahit kailan walang kupas mga banat ng mokong na ito.
Bigla namang hinatak ni Cameron ang kamay niya mula kay Marco, namula ang mga pisngi nito na parang kamatis. Kahit sino naman ata mahihiya sa mga pinagsasasabi nito ni Jaxon.
"Balakadyan," tanging sagot ni Marco kay Jaxon.
Hala, tama ba ko ng nakikita? May something si Marco at Cameron? Akala ko sweet at maasikaso lang si Cameron pero ngayon ko lang napagtanto na kay Marco lang siya ganoon.
Sila ba? Sabagay sino ba ako para mangusisa sa kanila. Ako nga mismo hindi nagkukwento sa kanila.
Nagkatinginan kami ni Marco, "anong tinitingin-tingin mo dyan, gusto mo bang ma-hotseat?!" pagbabanta nito sa akin.
Tignan mo itong mokong na ito, makaiwas lang sa topic willing na i-open yung problema ko, "thankful lang ako kasi nag-cutting class din kayo para samahan ako," depensa ko.
"Huwag ka mag-feeling, boring kasi ang klase," banat ni Marco.
"Salamat sa libre, dude," pagsingit ni Jaxon.
Ay, libre ko pala ito. Mga walangya talaga. Mukhang sapilitan na talaga ito. Hindi ko tuloy alam kung masaya pa rin ba ako na narito sila para samahan ako. Pwede naman silang pumasok na lang. Wala namang kaso sa akin, masgusto ko ngang mapag-isa eh.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Napaparami na naman ata ako ng inom pero bakit ganoon parang napakasarap ng alak ngayon?
"Cheers!" sigaw ni Jaxon.
"Bottom's up!" dagdag ni Marco.
Naramdaman kong may dumamping malamig na bagay sa balat ko. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling. Nagulat ako ng makita ko si Cameron na nakangiti.
Anong problema nito? Lasing na ata ito.
Nakita kong kumuha ito ng yelo at muling initsa patungo sa akin. "Bro, ang lamig ba?"
"Malamang yelo yan, lakas trip mo ah," tugon ko.
"Bakit hindi mo na lang tanggapin, mali ba ang magmahal?" pagtatanong nito.
Natameme ako sa tanong ni Cameron. Hindi ko alam paano ko sasagutin ang tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya nang naka-tanga.
"SAGOT!" pamimilit ni Cameron.
Napansin naman ni Marco na lasing na si Cameron kaya pinatigil na niya ito sa pag-iinom. Nagpasya na kaming tapusin na ang inuman session na ito bago pa mapunta sa kung ano.
Nagpaalam na si Jaxon para umuwi mag-isa, samantalang si Marco naman nagprisinta na ihatid ang lasing na si Cameron.
Nang makaalis na silang lahat naglakad na muna ako ng bahagya, naisipan ko kasing maglakad lakad muna bago bumalik sa dorm. Magpapahulas muna ako ng alak sa katawan.
Hindi ko maiwasang makaramdam muli ng lungkot ng maalala ko ang yakapan ni Rider at Bea. Akala ko kanina okay na ako, hindi pa pala.
"KAINIS!" sigaw ko sabay biglang pag-ikot ng mundo ko.
"Katuwa," rinig ko mula sa may likuran ko, hanggang sa unti-unting dumilim ang paningin ko.

BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
Любовные романыIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...