Nagmamadali akong binuksan ang pinto at nagulat sa taong sumambulat sa aking harapan. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at nagkatitigan kami nang ilang segundo bago ito nagsalita.
"Nagli live-in na kayo?" tanong ni Bea na bumasag sa katahimikan.
Hindi ko alam pano ako magpapaliwanag, saan ko uumpisahan? Ayoko namang pagisipan kami nang masama ni Bea.
"Relax, Dean. I already heard what happened yesterday. I'm just teasing" wika ni Bea nang natatawa at pumasok na sa loob nang dorm ni Ryder.
Oo nga pala magkapatid sila ni Ryder kaya normal lang na at ease siyang papasukin ang sarili niya sa loob. Nakakahiya na hindi ko man lang naisip papasukin siya at tumunganga lang sa labas.
Sumunod ako sa sala kay Bea. Umupo ito sa sofa at sumenyas na umupo din ako. Umupo ako at nagpasalamat kay Bea.
Napakaganda talaga niya tapos malalaman niya na jowa ko na ang kakambal niya. Nakakahiya. Ano na lang iisipin ni Bea sakin, na malandi ako?
"I guess Ryder is still asleep. So I'll get to my point, how's my brother?" paguusisa ni Bea. Hindi ko naintindihan yung how, ano ba yun, plain kamusta si Ryder o kamusta si Ryder as a boyfriend?
"Maayos naman siya, ginamot ko ang mga sugat niya after niya ako tulungan mag ayos nang mga gamit ko" tugon ko sa katanungan ni Bea.
Nginitian ako ni Bea at hinawakan ang aking kamay "I'm happy na my brother is happy tapos knowing you, mabuting tao ka kaya sobra ang supporta ko sa inyo ni Ryder."
Ang sarap naman sa tenga at pakiramdam nang mga sinasabi ni Bea. Sana lahat ganyan matanggap kami ni Ryder at suportahan kami sa relasyon namin.
Nagpasalamat ako kay Bea sa suportang pinapakita niya samin ni Ryder. Nagsorry din ako dahil muntik ko na siyang magamit na scapegoat sa nararamdaman ko para kay Ryder. Inamin ko na litong lito ako nung una kaya I tried flirting with her.
Umiling lang si Bea at nagsabi na naiintindihan niya at tsaka wala naman daw akong masamang intensyon sa mga ginawa ko. Grabe ang bait at mature talaga ni Bea.
Nagulat na lang ako nang sabihin sakin ni Bea na naikuwento na ni Ryder ako sa kanya noon pa. Hindi lang daw sinasabi ang pangalan, kaya hindi daw niya alam na ako pala iyong tinutukoy sa mga kwento ni Ryder.
Naikuwento na daw agad ako ni Ryder, noong unang kita pa lang daw nito sa akin. Nagmamadali daw kasi siya noon puntahan si Ryder nang mabalitaan niyang may nakaaway ito pagkarating dito sa unibersidad.
Hindi naman daw niya aakalain na iyong lalaki na nakausap niya papunta sa kakambal niya ay ang tao rin na sumapak sa kakambal niya.
Natawa ito at nagpatuloy pa sa pagkukuwento. Pagdating daw niya dito nun parang tanga daw na nakangiti si Ryder. Paulit ulit daw ito sa sinasabi niya na ang kyut talaga niya habang ginagamot niya yung sugat ni Ryder sa labi dahil sa sapak ko.
Humingi ako nang tawad sa pagsapak ko kay Ryder. Naiintindihan naman daw niya ito. Medyo agresibo naman daw talaga kasi minsan si Ryder, lalo na daw kapag gustong gusto nito ang isang bagay o tao.
Naramdaman ko ang pagakyat nang dugo ko sa aking pisngi, sigurado akong nangangamatis na ang mukha ko ngayon dulot nang hiya.
"You know what" sambit ni Bea nang may galak sa kanyang mukha "ang tindi nang influence mo sa kakambal ko. He stopped going to parties every single night ever since he met you."
Hindi ko naman sinabi kay Ryder na itigil niya ang mga nakagawian niya. Bukod pa doon, hindi ko naman alam na mahilig pala magpunta sa mga party itong si Ryder.
"Wala naman akong ginawa, Bea. He decided that on his own" pagpapaliwanag ko.
"Oo pero para sayo" wika ni Bea nang may halong pangaasar.
Hindi daw talaga makalimutan ni Bea yung hitsura at mga sinabi ni Ryder nang unang beses kami nagkita at nagkakilala.
Napakasaya daw ni Ryder na tila nanalo ito sa isang patimpalak tapos sinabi daw nito na 'nahanap ko na siya.' Noong una daw akala ni Bea, may hinahanap ang kakambal niya. Nito niya lang daw naintindihan na ang 'the one' pala ang tinutukoy nitong nahanap na niya.
Nakakainis nakakakilig naman yung mga tinuturan ni Bea sa akin. Sobrang sarap sa feeling. Ang pakiramdam ko tuloy napaka swerte ko na may isang tulad ni Ryder na nahulog sa akin.
"Ayiieee! Amininin mo Dean, kinikilig ka" pangaasar ni Bea sakin.
Totoo pala talaga ang love at first sight. Akala ko noon sa mga palabas at libro lang iyon nangyayari. Hindi ko aakalain na may tao palang makakaramdam noon para sa akin.
"Ang aga aga pinag chi-chismisan niyo ko ah" hirit ni Ryder na nakatayo sa may tapat nang kwarto at pupungas-pungas pa. "Good morning, Dean ko. Kamusta ang tulog mo?"
Nagkatinginan kami ni Bea at napansin na pinipigilan nito kiligin sa bati sa akin ni Ryder, "Hindi ah, we were just trying to get to know each other more" pagpapaliwanag ni Bea.
"Dean ko, wala ba kong good morning?"
"Good morning!" agaran kong sagot.
"Nahihiya ka ba kay Bea? Palalabasin ko yan dito" pagbabadya ni Ryder.
"Good morning, Ryder... ko" pahina nang pahina kong pagbati kay Ryder.
Nagulat ako sa biglang pagirit ni Bea. Ang sakit sa tenga parang naipit ang hinliliit nito sa paa. "Oh my gee!!! kayo na?!"
"Mismo kapatid, kaya wag mo na landiin ang Dean ko" sambit ni Ryder nang pabiro at humalik sa aking pisngi, na labis ko namang ikinagulat. "Ano bang ipinunta mo rito?"
Nagpaliwanag naman kaagad si Bea na gusto nito kamustahin ang kapatid niyang nasangkot na naman sa kasiraulohan ni Raven. Syempre pinatawag na naman daw si Bea nang papa nila at pinapuntahan si Ryder.
Ganoon pala ang nangyari nung unang beses ko nakilala si Ryder at Bea. Sinapak ko si Ryder kaya pinatawag si Bea sa opisina nang papa nila at inutusang puntahan si Ryder. Doon ko naman nasalubong si Bea na papunta sa kakambal nito tapos ako naman pupunta sa school director para ipalipat ako nang dorm.
Sumingit naman si Ryder na nagsabi naman ito kay Bea kagabi. Ipinaliwanag ang mga nangyari. Sinabi pa nga daw si Ryder na dito muna ako papatuluyin sa dorm niya.
"Syempre, I wanna see for myself at tsaka I want to talk to Dean din. To clear things up, I want to have a good relationship sa future brother in law ko" banat ni Bea.
Hindi ko alam kung ako lang pero mukhang yung last part lang nang sinabi ni Bea ang nag register sa kokote ni Ryder. Halatang tuwang tuwa ang Ryder sa brother in law na tinuran ni Bea.
"Okay. Who wants breakfast?" tanong ni Ryder.
Ganoon lang iyon, ang bilis kausap. Change topic agad.
Sabay kaming sumagot nang 'me' ni Bea. Agad namang nagtungo sa kusina si Ryder at naghanda nang almusal. Sayang naman plano ko pa naman sana na ako ang mag pre-prepare nang almusal kaso bigla namang dumating si Bea tapos nagkuwentuhan kami, hindi ko napansin ang tagal na pala naming naguusap.
Pagkatapos maghanda ni Ryder nang almusal kami naman ni Bea ang naghanda nang kakainan namin. Habang nagaayos naitanong ni Bea kung anong plano namin sa parating na sportsfest.
Agad namang sumagot si Ryder "depende pa sa Dean ko. May plano na ba tayo?"
"Hindi pa ako nakakapag plano pero... nais ko sanang sumali sa badminton" tugon ko.
"That settles it, manunood ako nang badminton match nang Dean ko"
"Hindi pa nga ako nakakapag try-out" depensa ko.
"Hindi na kailangan" mariin na tugon ni Ryder.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...