Kabanata XLVII

35 8 14
                                    

Nagpatuloy ang pangangaral sakin ni Marty at wala naman akong ibang magawa kung hindi ang makinig at sumangayon dahil may punto naman siya sa kanyang mga sinasabi.

Napahinto ako.

Nagumpisa na namang umagos ang aking mga luha ng makita ko sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na lalaki, tinititigan ako nito at bakas sa mukha nito ang labis na pagaalala.

Tumakbo si Ryder palapit sa akin habang pinupunasan nito ang kanyang mga luha. Huminto ito na may sapat na layo mula sa akin para kami ay magkarinigan. Marahil nais nito irespeto ang personal space ko.

Tumayo si Marty at lumapit sakin, tinapik nito ng ilang beses ang aking balikat na tila sinasabing magpakatatag ako. Tinignan ko siya at tumingin din siya sakin pabalik bago tumango at naglakad palayo.

The best talaga si Marty kahit ngayon ko pa lang siya nakilala. Nakakatuwa yung lakas ng pakiramdam niya. Yung tipong parang alam na alam niya kaagad kung saan siya lulugar at kung ano ba ang dapat niyang gawin o ikilos.

Mapapansin sa mukha ni Ryder na parang napakarami niyang nais sabihin, bakas din dito ang kalungkutang bumabalot dito. Hindi rin mapagkakaila sa maga ng mata ni Ryder na magdamag na rin itong umiiyak.

Ngayon na nasa harapan ko si Ryder parang gusto ko na lang siya patawarin at kalimutan ang lahat. Totoo, ang sakit sakit ng puso ko pero parang mas hindi ko ata kakayanin ang sakit kapag mawala si Ryder.

Bukod pa dito tama si Marty dapat pakinggan ko muna ang sasabihin ni Ryder, subukan alamin kung ano ang totoong nangyari. Hindi yung inakusahan ko na siya kaagad.

"Dean ko," sambit ni Ryder ng may pagsusumamo. "Alam kong nasasaktan ka dahil sa nakita mo kanina pero sana pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko."

Hindi ako makasagot, wala akong sapat na lakas para magsalita. Ginagamit ko ang buong lakas ko ngayon para pigilan ang sarili ko na magwala at sumabog.

Patuloy na nagpaliwanag si Ryder. Inumpisahan nito sa nangyari nung nagiinuman ang barkada sa may tapat ng bonfire sa labas ng bahay bakasyonan nila Ronan, pumasok ako nun sa loob upang pumunta sa palikuran. Napakatagal ko daw bumalik at parang nakakarami na siya ng nainom kaka-cheers ni Ronan sa kanya.

Hanggang sa nakaramdam na daw siya ng lasing at antok. Medyo nakaidlip pa nga daw siya sa kinauupuan niya kaya naisip niya na daw mas mabuting mauna na siyang bumalik sa kwarto at doon na lang ako hintayin.

Tumayo daw siya at sinubukang pumunta sa kwarto, laking gulat na lang daw niya ng tulungan siya ni Ronan at inakay patungo sa kwarto.

Pagkatapos daw nun nangyari na ang mga dapat hindi nangyari. Kasabay nito ang pag blackout niya kaya naman hindi na daw niya namalayan ang mga sunod na nangyari.

Sumunod na ulirat daw niya ay ng makarinig na lamang siya ng isang malakas na kalabog sa sahig. Tapos pagmulat daw niya ng mata niya nakita niyang nasa harapan niya si Ronan na walang pang-itaas.

Bigla kong naalala ang pagungol ni Ryder habang nasa ibabaw niya si Ronan pati na rin yung sinabi ni Ronan na ituloy na lang nila yung naudlot nilang ginagawa nung hapon kaya naman hindi na ako nagatubili itinanong kung paano niya ipapaliwanag ang pagungol at yung sinabi ni Ronan.

"Dean ko hindi ko alam paano niya nasabi iyon pero natatandaan ko nanaginip ako kahapon na hinahalikan mo ko habang hinuhubad ang damit ko tapos nagmamadali ka ding umalis paggising ko wala talaga akong damit at nakita kita sa pintuan ng kwarto kaya naman naisip ko na totoo yung panaginip ko."

Bigla akong nakaramdam ng labis na galit at muhi. Napakamapansamantala ng ahas na iyon. "Ang problema hindi ako iyon, si Ronan iyon, nasa baba ako ng mga oras na iyan, inutusan niya ko mag igib ng tubig."

Pansin ang pagpapalit ng mukha ni Ryder mula sa lungkot papunta sa galit. Mukhang plano lahat ito ni Ronan. Pinaikot niya kami sakanyang palad na parang mga tao-tauhan sa kanyang munting palabas.

Bago ko pa man itanong muli ang tungkol sa pagungol, bigla kong naalala na malakas humilik si Ryder lalo na kapag pagod at bukod pa dito madalas din itong managinip tulad ng kwento niya kanina lang.

Mukhang simula't sapul ito na talaga ang plano ni Ronan, ang paghiwalayin kami ni Ryder.

"Dean ko, nais sana kitang sundan at pigilan bago ka pa makalabas ng bahay pero hindi ko na nagawa kasi kinain na ko ng aking galit. Nanaig ang poot sa aking puso at nasaktan ko si Ronan. Pinigilan ako ni Jaxon at Cameron habang tinutulungan ni RJ at Marco si Ronan makatayo at makalayo sa akin."

Walang tigil pa rin ang pagiyak ni Ryder na parang isang batang panay ang hagulgol, paulit ulit itong nagso-sorry na tila inaako niya ang panloloko sa amin ni Ronan.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at naglakad na papalapit kay Ryder. Niyakap ko ito ng napakahigpit na tila hindi ko ito nakita at nayakap ng matagal na panahon.

Sa oras na ito pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa mundo at wala ng iba pang mas importante pa kaysa sa aming dalawa.

Ang init ng bisig at katawan ni Ryder na parang bumabalot sa aking espiritu, ang bawat tibok ng aming puso na tila sabay na pumipintig. Unti-unti kong naramdaman na muling nabubuo ang aking mundo.

Hanggang sa bumitaw sa pagkayakap si Ryder at hinawakan ang aking mga pisngi ng kanyang mga kamay. Inilapit niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi.

Kakaibang sarap at saya ang aking naramdaman ng lumapat ang aking labi sa mga labi ni Ryder, nag-isa ang aming mga laway at hininga kasabay nito ay parang may kuryenteng dumadaloy sa aming buong katawan.

"I Love You Dean Ko."

"I Love You Too Ryder Ko."

Doon natapos ang drama ng madaling araw na iyon. Pinakilala ko si Ryder kay Marty at mukhang nagkasundo naman sila agad.

Kaagad na nagkwento ang Marty ng mga nangyari sa amin kanina na tila nagpapaliwanag ito para hindi siya pagselosan ni Ryder.

Hawak hawak ko ang kamay ni Ryder habang nakikipagusap siya kay Marty, ayoko na munang bitawan ang kamay na ito at baka kung ano na naman ang mangyari.

Panay din naman ang halik ni Ryder sa noo ko na tila binibigyan niya ako ng assurance na wala akong dapat ipagalala at na hindi na niya hahayaan mangyaring muli ang mga nangyari kanina.

"Pero alam niyo, hindi ako naniniwala sa love at first sight kaya hindi ako naniniwala sa kwento ni Dean sakin na iyon ang umpisa ng love story niyo," mariing giit ni Marty.

Ay naku Marty, are you saying na hindi talaga ako mahal ni Ryder? kakabati lang namin pagaawayin mo na naman kami.

"Siguro hindi sa lahat pero samin oo" pagpapaliwanag ko sabay tingin kay Ryder at halik sa labi nito.

Bakit ganoon parang kinakabahan ako sa reaksyon ni Ryder?

"Tama ka Marty kahit ako hindi naniniwala sa love at first sight, sa mga palabas lang iyon nangyayari," sambit ni Ryder ng seryoso.

Natigilan kami parehas ni Marty at nagkatinginan.

Tila huminto ang oras sa pagkakataon na iyon. Hindi tumutugma ang mga tinuran ni Ryder sa kung anong meron kami ngayon.

Nagumpisa nanaman bumilis ang tibok ng puso ko at napupuno ang isipan ko ng mga agam agam. Kung anu-ano na ang naiisip ko.

Nagtangka akong bitawan ang kamay ni Ryder na parang bumibigat at nakakapaso pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Ryder.

Hindi ako makapiglas.

Tinignan ko ang mga mata ni Ryder at nakita dito na seryoso talaga siya, bigla akong nakaramdam ng takot ng ngumiti si Ryder sakin.

Anong nangyayari, bakit ganito?

Palabas lang ba ni Ryder ang lahat?

Simula umpisa ba pinaglalaruan lang ako ni Ryder?

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon