Kabanata XL

48 6 5
                                    

Sa hindi ko mawaring dahilan, pakiramdam ko isa akong bulkang nais sumabog at ilabas ang nag iinit kong laba. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito na parang nais kong sapakin itong taong nasa harapan ko.

Pangiti ngiti ka pang loko ka, sapakin kaya kita para mag tigil ka. Akala naman niya makukuha niya ko sa mga pa-kyut niya.

Tinignan ko ng masama si Ryder para tumigil sa pag ngiti niya na parang timang dito sa Ronan na ito; Ano bang ka ngiti-ngiti dito? Hindi naman mukhang espesyal.

Napansin na ni Ryder ang tingin ko sa kanya kaya naman tinigil nito agad ang pag ngiti at gumawa nang excuse para pumasok sa loob.

"Ito pala, Dean" sambit ni Ronan habang may inaabot sakin na isang bagay na nakakahon. Tinitigan ko ito at hindi agad inabot para kunin. Kaya naman ipinaliwanag nito na keyk ang laman nito, bilang paghingi nang tawad sa nagawa niya nung unang beses namin siya nakilala.

Gusto ko sana kunin at ilamukos sa mukha niya ang keyk na dala niya pero mukhang wala naman siyang ginawa na masama para gawin ko sa kanya iyon. Kaya naman ngumiti na lang ako ng sapilitan at inabot na ang box na may lamang keyk sa loob.

"Salamat dito, Ronan. Gusto mo pumasok sa loob at kainin itong dala mo?"

Mapapansin ang gulat sa mukha ni Ronan sa akin tinuran kaya naman naisipan ko ngumiti para ikubli ang katotohanang napilitan lang ako sabihin iyon.

Tinignan naman ako nito na tila sinusuri kung bukal nga ba talaga sa loob ko ang pagalok ko sa kanya na pumasok sa loob.

Umiwas na ito ng tingin at ibinaling sa paligid at sa loob ang kanyang mga mata. Pansin ko na panandaliang tumigil ang mga mata nito sa nakahigang si Ryder.

Hindi ko maintindihan pero tila nais kong kaladkarin palayo si Ronan at tusukin ang mga mata nito na parang nakapako kay Ryder.

Lumingon na ito pabalik sa akin at ngumiti "hindi na Dean, may gagawin pa ko."

Hindi ko inaasahan ang sagot niya pero nagdala ito ng kakaibang ginhawa sa aking puso kaya naman nginitian ko ito pabalik.

Pansamantalang nagbago ang ngiti nito na parang nakakainsulto bago ito tumalikod sa akin at naglakad palayo.

Hindi ko malaman kung namalikmata lamang ba ako at kung anu ano ang iniisip laban sakanya o talagang may hindi siya magandang pinaplano.

"Dean ko, anong tinatayo mo diyan? Halika't pumasok ka na rito" sambit ni Ryder mula sa loob.

Pilit ko iniwaglit sa isip ko ang sa tingin ko ay nakita ko bago ko sinara ang pinto at lumapit kay Ryder. Habang papalapit ako makikita ang mga ngiti ni Ryder sakin.

"O anong nginingiti-ngiti mo dyan Ryder ko?"

"Wala naman, proud lang ako sa Dean ko. Tsaka sobrang saya na kasama siya buong magdamag" tugon ni Ryder na tila kumikinang ang mga mata.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sagot sa akin ni Ryder; napakahusay talaga magpakilig. Alam na alam ang kiliti ko, samantalang ako tila walang alam sa kung ano ba ang gusto niya.

Nagpatuloy na ako sa pag tabi kay Ryder at yumakap dito; hindi ko aakalain na aabot ako sa point na ganito. Namamahalin ko ng tuluyan ang taong ito.

Mabilis na lumipas ang oras at naghanda na para muling pumasok sa aming klase, dahil tapos na ang sportsfest resume na ulit ang normal class schedule.

As usual sabay kami pumasok ni Ryder. Habang tumatagal nakakasanayan ko na ang presensya ni Ryder sa tabi na tila may kulang kapag wala siya sa piling ko.

Sa hindi kalayuan napansin ko ang tatlong mokong na para bang kanina pa nila ako hinihintay. Bago pa man makalapit sa akin ang tatlo ay, biglang hinawi sila ni RJ at dumaan sa kanilang gitna. Napaka dramatic nang entrance nito na tila nasa catwalk ito.

"GHORL!" Tili nito na tila naapakan ang paa nito.

Ngumiti si Ryder at nagpaalam na mauuna na siya sa klase niya ngunit pakiwari ko nais lang takasan ni Ryder ang kaharutan ni RJ.

"Girl, I think magkaka love life na din ako" sambit ni RJ na tila kilig na kilig; ano naman kayang nangyari dito kay RJ?

Napansin siguro ni RJ na naguguluhan ako at nais ko pa ng karagdagang paliwanag mula sa kanya kaya naman nag umpisa na itong magpaliwanag.

Inumpisahan pa nito ang pagkukuwento niya mula sa pag gising niya kaninang umaga na para daw nararamdaman niyang mag magandang magaganap sa kanya ngayong araw.

Matyaga akong nag intay sa climax sa kuwento ni RJ at gayon din ang tatlong mokong pero tila wala atang patutunguhan ang kwentong ito.

Pero parang nagising ako sa aking diwa ng banggitin ni RJ ang pangalan ni Ronan.

"Ano ulit yun, RJ?" Pagpapaulit ko sa sinambit ni RJ.

"Ayan ah, di ka nakikinig girl. Sabi ko balak ata ako ligawan ni Ronan kasi pinadalhan niya ko ng keyk."

Magre-react na sana ako na kami din ni Ryder ay naka receive nang keyk galing kay Ronan nang biglang sumingit si Cameron "ikaw din naka receive nang keyk galing sa Ronan na iyon?"

Halata naman ang pagkagulat ni RJ na tila biglang naging karibal niya si Cameron kay Ronan kaya naman naisipan kong sumingit at sinabi na nakareceive din kami ni Ryder.

Ikinuwento ko pa ang pagpunta nito sa dorm ko na labis na ikinagulat nang apat. Sapagkat ayon sakanila, pina-delivery lamang ito ni Ronan sa kanilang mga dorm.

"Hayop talaga, iba ang ganda nang tropa natin. May pangatlo ng lalaki sa buhay niya" banat ni Marco.

"Girl, baka naman gusto mo i-share sakin ang beauty secrets mo. Baka lang naman. May Ryder ka na oh, sana ako din" hirit ni RJ.

Gusto ko sana sabihin na mali ang kanilang hinala sapagkat si Ryder ata ang tipo nang Ronan na iyon. Nakakainis kapag naaalala ko yung mga malalagkit na pagtitig nito kay Ryder. Ang sarap dukutin nang mata.

"Mga pasaway, hindi ganoon iyon. Hindi naman niya kaya ihatid yung mga keyk sa ating lahat personally, kaya huwag niyo ng lagyan nang meaning" pagdepensa ko.

"Ano ba yan, akala ko pa naman madidiligan na ko. Baka puro agiw na ito, Marco silipin mo nga" pagbibiro ni RJ.

Agad namang lumingon sakanya si Cameron na tila may nais sabihin pero hindi maituloy tuloy. Ang ending wala itong sinabi at huminga na lamang ng malalim; Nakakainis naman itong si Marco at Cameron, nagkakailangan at iwasan pa rin.

"Marco huwag!" Ika ni Jaxon ng may pagaalala sa kanyang mukha "baka mahigop ka niyan at dalhin ka sa ibang dimensyon" dagdag pa nito; hindi ko napigilang matawa kahit kailan talaga hindi nawawalan nang banat si Jaxon.

Tinignan siya nang masama ni RJ at hinampas ang kanyang braso. Hinimas naman agad ni Jaxon ang parte nang braso niya na hinampas ni RJ at hinihipan hiapan na tila sobrang sakit nang palo nito.

"Arte arte mong unggoy ka!" asar na sambit ni RJ.

"Hindi mo na ba ako mahal, mommy?" tugon ni Jaxon.

"Good Morning!" sambit nang isang boses sa hindi kalayuan. Nagulat ako ng makita si Ronan na papalapit na sa amin; anong ginagawa niya dito?

Nakangiti ito sa amin na tila matagal na niya kaming kaibigan, halata naman sa mukha nang apat na naguguluhan din sila sa nangyayari.

"Good morning din sayo" pabebeng sambit ni RJ kay Ronan.

"Anong atin?" tanong nito sa amin, naiisip ko sana sumagot nang pabalang na walang atin pero wala naman siyang masamang ginawa.

"Pulong lang para itaas ang morale ng tropa" sagot ni Jaxon ng seryoso bago ito bumanat "crush ka daw ni RJ.

Pinigilan kong matawa dahil pansin sa mukha ni RJ na nahihiya siya sa ginawa ni Jaxon.

"Ayon, hayop. Mapanirang puri" banat ni Marco.

Natawa naman si Ronan at humarap kay RJ, "salamat" sambit nito ng nakangiti.

Suhol pala yung keyk para tropahin namin siya. Sorry siya hindi ganoon kababaw ang tatlong mokong at si sis RJ.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon