Wala na nga akong nagawa at pumayag na sa gusto ni Ryder na sa isang kwarto kami matulog, siya sa lapag at ako ang sa kama.
Nauna na itong maligo sa akin dahil ayokong pumayag na sabay kaming maligo. Napaka kulit talaga niya buti na lang kahit ganoon hindi siya mapilit.
Natigilan ako sa pagaayos nang mga gamit ko na inayos ko na nang makailang ulit nang makita ang bagong paligo na si Ryder.
Lumabas ito nang banyo na nakatapis lamang, tulad nung naabutan ko siyang naligo sa dorm ko. Ang seksi nang taong ito, maganda ang built nang dibdib, may kaunting pa-abs, may braso at parang walang taba ang katawan.
Nagmomodelo ba ito si Ryder?
Napansin kong ngumiti ito sa akin at tahasang hinubad ang tuwalya na kanyang tapis. Hindi ko alam kung saan titingin, nagpapanic ako.
Naramdaman kong dumikit sa ulo at mukha ko ang basang tuwalya na ginamit ni Ryder "maligo ka na, manyak."
Gusto ko sanang magreklamo kaso naiisip ko na walang suot na kahit ano si Ryder, kaya minabuti ko na lamang manahimik at magmadali pumasok sa banyo.
Tuwang tuwa na naman siguro ang ugok na iyon. Hindi mawala sa isip ko ang katawan ni Ryder para itong naka paskil sa utak ko.
Lumapit tuloy ako sa harapan nang salamin. Tinignan ko ang sarili ko. Bagamat maraming nakakapagsabing mukha akong babae, mapapansin na napaka average nang aking hitsura. Maganda rin naman ang pangangatawan ko bukod doon mas maputi ako kay Ryder.
Hala, bakit ko ina-assess ang sarili ko? Alam ko naman na hindi ako ang best para kay Ryder pero sapat naman na siguro na totoo ang nararamdaman ko para sa kanya.
Anong bang pinagsasasabi ko? Nakakahiya!
Naglakad na ako pabalik sa shower nang marinig ko ang katok sa pinto nang banyo "ano iyon?"
"Naiihi na kasi ako tapos kanina ka pa diyan sa banyo, maya mo na tapusin yang pagmimilagro mo Dean ko" tugon nito sa akin.
Sasagot na sana ako sa pakiusap ni Ryder pero hindi ko na ito nagawa. Sapagkat bigla na itong pumasok nang banyo at umihi. Maririnig mo ang tilamsik nang tubig sa inidoro habang naihi ito.
Hala pumasok talaga ang ugok sa banyo at umihi. Bakit ganun parang ako pa iyong nahihiya sa ginagawa niya? Dahil ba nakahubad ako ngayon? Nakita ko na nga siyang nakahubad tapos ako nasa likod naman nang frosted glass enclosure nag iinarte.
"Dean ko, gusto mo ba nang tulong diyan?" pang aasar ni Ryder.
"Kaya ko na ito..." tugon ko na nag aatubiling sabihin ang huling mga salita "Ryder ko."
Narinig kong nag rawr ang ugok at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan napangiti ako. Iba talaga ang epekto sakin nang taong ito. Pakiramdam ko ang saya saya parati nang puso ko.
Pagkatapos ko maligo, nag tungo ako sa lababo para mag sipilyo, nakalabas na ata nang banyo ang ugok. Aba't hinahanap ko pa talaga siya dito sa banyo, malamang lumabas na iyon pagkatapos umihi.
Nagsipilyo ako at nang matapos nag tungo na sa labas nang banyo, papunta sa kwarto ni Ryder. Doon naabutan ko itong nakahiga na sa lapag, sa nilatag niyang sapin sa sahig.
Tulog na ba siya? Nahihirapan ako para sa kanya. Lalo't alam kong hindi siya sanay matulog sa ganyan baka sumakit pa ang likod niya. Ang tigas din naman kasi nang ulo nito, nagpumilit na siya na lang ang hihiga sa lapag kung ayaw ko siyang katabi.
Hindi naman kasi iyon sa ayaw ko siyang katabi, syempre nahihiya ako at kinakabahan. Hindi ako sanay. Lahat nang ito bago sakin. Sana maunawaan iyon ni Ryder.
Gumalaw si Ryder at bumalikwas nang pagkakahiga. Bigla tuloy bumilis tibok nang puso ko. Ayokong mahuli niya akong nakatitig sa kanya habang natutulog. Agad naman akong lumingon sa kama at naglakad papunta rito.
Mukhang ang himbing na nang tulog ni Ryder. Sobrang tagal ko ba talagang maligo para maabutan ko siyang tulog, pagkatapos ko maligo?
Nahiga na ako sa kama ni Ryder.
Wow ang lambot naman nito, ang sarap pa sa balat nang mga kobre niya. In fairness mabango din. Kakainis naiwan sa kama at unan yung amoy ni Ryder na gustong gusto ko.
Muli kong sinilip si Ryder sa higaan nito sa lapag, nakita kong bumalikwas na naman ito. Mukhang hindi kumportable sa higaan niya ang ugok.
Ayan napaka kulit kasi eh.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko pero, kinuha ko yung comforter at ilang unan dito sa kama. Dinala ko sa tabi ni Ryder at nilatag ang comforter at nilagay ang mga unan.
Pagkahiga ko sakto naman ang pagbalikwas muli ni Ryder paharap sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero pinigilan kong huminga, pakiramdam ko makakatulong iyon para hindi mapansin na humiga ako sa tabi niya.
Nararamdaman nang mukha ko ang bawat hininga ni Ryder, napaka amo talaga nang mukha niya kapag tulog. Sobrang thankful talaga ako at hindi niya ako pinabayaan kanina.
Kapag naiisip ko ang mga nangyari kanina hindi ko maiwasan malungkot na ang lahat pala nang ipinakita sa akin ni Raven ay puro pagpapanggap.
Tapos ngayon sumosobra na yung nanggugulo sa akin. Noon pa liham liham lang, tapos naglagay nang patay na hayop sa tapat nang pinto ko sa dorm, tapos ngayon pinasok na loob nang dorm ko at pinagwawasak ang mga gamit ko. Ano bang motibo niya?
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Ryder habang natutulog.
Gising ba ito o nagtutulog tulugan? Kainis ang sarap nang yakap niya. Tapos amoy na amoy ko pa ngayon yung singaw nang katawan niya na gustong gusto ko. Wala naman sigurong masama yumapos pabalik sa jowa ko, hindi ba?
Ilang segundo rin kaming magkayapos at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nang magising ako nakatihaya si Ryder at nakayapos naman ako dito. Gusto ko sanang umalis sa pagkakayakp ko pero ang kumportable at ang sarap, bukod doon tulog pa naman si Ryder hindi naman siguro niya malalaman.
Teka teka, ayokong maabutan ako ni Ryder na natutulog sa tabi niya dito sa lapag, malamang aasarin na naman ako nito nang walang humpay. Kaya naman nagdesisyon akong bumangon na at ilipat ang mga unan at comforter na ginamit ko pabalik sa kama.
Dahan dahan at matulin ko itong ginawa. Kailangan bago siya magising maibalik ko na ang lahat sa kama. Natatawa ako pakiramdam ko para akong nag mi-mission impossible.
Nang maayos ko na ang lahat dumetso na ako sa banyo para magsipilyo at mag ayos. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti at sa puso ko naman ang saya na aking nadarama ngayon.
Makapag luto kaya nang almusal namin ni Ryder, ano naman kayang lulutuin ko?
Dumeretso na ako nang kusina at naghanap na nang puwede kong lutuin. Habang nagkakalkal sa fridge at mga kabinet ni Ryder nakarinig ako nang mga katok sa kanyang pintuan.
Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa kabila nang pinto. Hindi ko naman mawari kung ano ang mga sinasabi nito. Kaya naman itinigil ko na muna ang pagkalkal ko nang puwedeng makain ngayong almusal.
"Saglit lang!" tugon ko dito at nagtungo na sa pinto.
Nagmamadali akong binuksan ang pinto at sumambulat sakin ang isang pamilyar na tao "nagli live-in na kayo?"
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nakatingin lang kami sa isa't isa, walang kumikibo na tila naglalaro nang stop-dance.
Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot dito, anong sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...