Kabanata V

109 12 8
                                    

Tinititigan ko ang maamong mukha ni Ryder habang ito'y natutulog sa aking tabi. Habang hindi ko matandaan kung ano ang nangyari kagabi.

Bakit nakahubad ang ugok na ito? Wag mo sabihin sa akin na may nangyari sa amin kagabi habang lasing na lasing ako.

Hindi naman siguro ako pagsasamantalahan ni Ryder, mabait naman siya at tsaka mukha namang wala sa personalidad niya ang manamantala ng lasing.

Natigilan ako at hindi na nakakibo ng biglang minulat ni Ryder ang kanyang mga mata. Nahuli nitong nakatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng bahagya na tila ba tinatansya niya kung paano siya mag re-react.

Ngumiti ito sa akin "good morning, Dean ko," ika nito habang nag-uunat."Ikaw ah, tinititigan mo ko habang natutulog baka lalo kang ma-inlove sa akin niyan" pang-aasar nito.

"Dean ko?! Huwag mo ko ma-Dean ko, Dean ko dyan. Anong ginagawa mo sa dorm ko, bakit dito ka natulog?" Galit na pagtatanong ko sa kanya.

"Dean ko, kung hindi ka lumipat may guest room ka sana at pwede ako doon matulog. Tsaka ikaw kaya ang sumunggab sa akin kagabi," tugon nito ng may nakakalokong mga ngiti sa kanyang mga labi.

Hala! Ako? Bakit? Kahit anong isip ko hindi ko talaga matandaan yung mga nangyari kagabi. Ang huli ko lang natatandaan, sinakay ako ni Ryder sa likod niya dahil hindi ko na kayang maglakad pa kagabi.

Tapos habang naglalakad inaamoy ko si Ryder kasi napakabango niya. Oh, shit! Bakit ko ginawa yun?! Anong pumasok sa isip ko?! Hindi kaya totoo yung sinasabi niya na sinunggaban ko siya kagabi?

"Sa itsura mo ngayon sigurado akong hindi mo matandaan yung mga ginawa mo sa akin kagabi, tama ba ko?" tanong niya sa akin habang nagapang papalapit sa akin na tila ba hahalikan niya ko. Hindi ko alam anong gagawin ko. Pumikit na lang ako at narinig ang alingawngaw ng tawa ni Ryder sa buong kwarto.

Minulat ko ang mga mata ko at galit na tumingin sa kanya "tigilan mo ang pangaasar mo hindi ako natutuwa," pag singhal ko sa kanya.

Huminto si Ryder sa pagtawa at ngumiti "bakit ka ba nagagalit kasi hindi ko tinuloy yung halik? Hindi ka natutuwa? Eh, bakit parang ligayang ligaya ka naman sa akin kagabi"

"Asa!" yun na lang nasabi ko. Hindi ko mapagsalita ang ugok na ito puro pang-aasar lang ang alam. Ang nakakainis pa dito medyo naniniwala ako na ako sa mga sinasabi niya.

Natatandaan kong mahigpit ang yakap ko sa kanya sa likod nung binuhat niya ko papunta dito sa bahay. Bukod pa dun natatandaan kong nagustuhan ko ang singaw ng katawan ni Ryder.

"Ryder, seryoso. Please, ano bang nangyari kagabi?"

"Dean ko," banggit nito ng seryoso. "Hindi ko sayo sasabihin, akin na lang ang magandang alaalang iyon."

"Tigilan mo nga iyang pagtawag sa akin niyan."

"Dalawa lang naman tayong nandito, wala namang ibang nakakarinig, Dean ko," patuloy na pang-aasar nito sa akin. "Wag ka mag-alala Dean ko, kapag tayong dalawa lang ang makakarinig kita tatawaging ganyan."

"Ah ewan ko sayo, makaligo na nga at makapasok ng maaga bago pa ko makapanakit ng BWISITA," ika ko sabay tayo at kuha ng tuwalya. Nagmamadali ding tumayo si Ryder at sumunod sa akin.

"Dean ko, sabay na ko sayo maligo para tipid sa tubig."

"In your dreams!" sagot ko.

"Sus, nakita ko naman na yan at nakita mo na rin naman ang lahat sa akin" pang-aasar muli nito sa akin.

TInignan ko lang siya ng masama at pumasok na ng banyo mag-isa. Ni-lock ko ang pintuan sa takot na baka sumunod nga ang ugok na si Ryder sa loob.

Bakit kaya ang lakas ng trip nun? At bakit ako pinagtritripan niya ng ganito? Jusko naman, akala ko magiging peaceful na ang buhay ko dito sa paaralang ito.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon