Natigilan ako nang makita na sa ilalim nang pinto ang kamay na nais abutin ang raketa ko. Nang makabalik ako sa ulirat agad ko naman itong hinawakan nang mahigpit upang hindi makawala.
Pilit itong nagpupumiglas at laking gulat ko nang mapansin kong mahaba ang mga kuko nito at may nail polish; babae ang sumasabotahe sa akin?
Inabot ko ang lock nang pinto sa cubicle nang hindi binibitawan ang kamay na hawak hawak ko. Hindi ko ito papakawalan, pursigido na akong malaman kung sino ba talaga ito at kung bakit niya ito ginagawa sa akin.
Nang mabuksan ko ang lock nang pinto, struggle ang pagbubukas nito nang hindi binibitawan ang kamay nang nananabutahe sa akin.
Tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita kung sino ang nananabutahe sa akin. Nagkatitigan kami at halata sa mukha nito ang galit na nararamdaman nito tungo sa akin.
"Ikaw?" paguusisa ko.
"Oo nga, ako nga. Are you disappointed" pabalang na sagot nito.
"Pero bakit, ano bang nagawa ko sayo?"
Napangiti ito nang may halong inis at dismaya sa kanyang mukha, "hindi mo alam? hindi mo alam kung anong ginawa mo? Huwag mo akong patawanin, Dean."
Hinila nito ang kamay niya. Hinayaan ko naman siya kunin ito sapagkat halata naman hindi na ito tatakas, para saan pa, alam ko naman na kung sino siya.
Tinignan ako nito nang masama at nag umpisa nang magpaliwanag. Sinabi nito na simula nang dumating ako sa buhay nila Ryder at Raven, nagbago ang pakitungo nang mga ito sa kanya.
Parang unti-unti siyang naging invisible sa mga mata ni Ryder at Raven. Pakiramdam nito iniiwasan siya nang dalawa. Nag umpisang sa mawala ang atensyon ni Raven sa kanya tapos sumunod si Ryder na mas nawalan na nang oras sa kanya.
Bukas makalawa bigla daw niyang masasaksihan nang harapan ang pag amin nang dalawa na nagugustuhan na nila ako na isang lalaki.
Tapos bigla kong naalala yung video recording nila Jaxon na sinend nila sa akin noon.
Natatandaan kong izinoom ko ito at napansin ang isang pamilyar na babae. Hindi naman sumagi sa isip ko na si Krystal ito sapagkat hindi naman ako ganoon kapamilyar sa mukha niya.
Nandoon siya sa may hindi kalayuan, nakatayo at pinapanood si Ryder at Raven na mag away at magkasundo sa panliligaw sa akin.
"Hindi ko alam kung paano tayo umabot sa ganito pero nung una ang gusto ko lang takutin ka para lumayo kay Raven at Ryder" dagdag na turan ni Krystal. "Pero para kang linta na matindi ang kapit sa dalawa tapos pina kickout mo pa sa unibersidad si Raven at ngayon jinowa mo pa si Ryder."
Laking gulat ko nang sinubukan ako nitong kalmutin sa mukha nang mahahaba niyang kuko. Mabuti na lang, mabilis ang aking reflexes at agad kong na iharang ang aking braso sa aking mukha.
Bumwelo itong muli at yung kabilang kamay naman niya ang ginamit niya para kalmutin ang aking mukha. Kaya naman napilitan akong gamitan na siya nang lakas at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
Pilit itong pumipiglas sa aking pagkahawak sa kanya pero hindi ito sapat para siya ay makawala. Hindi ko alam kung dahil ba sa dismaya kaya naisip niyang gawin ang sumunod niyang atake sa akin.
Biglaan nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako. Mainit at malambot ang mga labi nito na tila may kuryenteng dala dala.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pagiinit sa halik ni Krystal kaya naman ginantihan ko pabalik ang halik nito. Siguro curious lang ako dahil ito ang unang beses na nakahalik ako sa isang babae.
Napahinto ako nang makita ko ang isang tao na nakatayo sa may pinto nang banyo. Tinulak ko naman agad si Krystal palayo sa akin habang hindi inaalis ang aking mga mata kay Ryder.
Humakbang ako palapit kay Ryder at kasunod nito ang paghakbang naman nito paatras "magpapaliwanag ako, Ryder ko" pagsusumamo ko.
Bigla akong nakaramdam nang paglapat nang palad sa aking mukha, "bastos, manyak!" sigaw ni Krystal at tumakbo papalapit kay Ryder. Yumakap ito dito na tila humihingi nang saklolo.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon; galit, selos at, pagkadismaya. Sobrang sakit nang puso ko ngayon na parang napagkaisahan ako.
Sa huli napaikot na naman ni Krystal ang nangyari, sino na ngayon ang maniniwala sa kwento? Ang iisipin lang nila gawa gawa ako nang kuwento para pagtakpan ang kahalayan na ginawa ko kay Krystal.
Kung alam lang sana nila ang totoo. Oo, nagkamali din ako dahil naging mahina ako pero hindi ko naman talaga iyon intensyon o ginusto. Lahat nang iyon ay pakana lang ni Krystal.
Tinulak nang bahagya ni Ryder si Krystal palayo sa kanya at naglakad na palayo. Humarap at lumingon naman sakin si Krystal, ngumiti ito bago umalis at sumunod kay Ryder.
Nakakainis na nagumpisang maganda ang araw na ito, sino mag aakala na hahantong sa ganito ang araw na ito. Nadudurog ang aking puso; sobrang sakit.
Unti unting naubos ang lakas nang aking mga binti. Napaluhod ako at tila walang lakas tumayo o kumilos. Ang gusto ko lang naman mahuli kung sino ang sumasabutahe sakin.
Bakit ganoon? Sobrang unfair naman. Sa isang iglap parang nawala sa akin ang lahat. Naramdaman kong kusa umagos ang mga luha sa aking mukha.
Ito na ba iyon? Ending na ba nang kuwento namin ni Ryder? kung kailan mas tanggap ko na kung sino at ano kami, kung kelan mas mahal ko na siya?
Ilang minuto din siguro akong nagiiiyak sa banyo nang nakarinig ako nang katok mula sa pinto. Nakita kong nakatayo si Bea sa may pinto, bakas sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa akin.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako "anong nangyari, Dean?" pagaalala nito.
Lalo naman akong umiyak nang maramdaman ko ang concern ni Bea sa akin. Hindi ko alam paano uumpisahan ang kuwento pero kailangan ko nang mapaglalabasan nang sama nang loon ngayon. Pakiramdam ko punong puno na ako at malapit nang sumabog.
Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Bea at naramdaman ang paghaplos nito sa aking likuran. Hinayaan lang muna ako nito umiyak at ilabas ang bigat nang nararamdaman ko.
Inumpisahan ko na ang pag kuwento kay Bea nang mga nangyari, inumpisahan ko sa araw na nakita ko sila magkasama ni Ryder at sinapak ni Ryder si Raven nang nagtangkang halikan ako.
Matiyaga ito sa aking nakinig at walang halong pang huhusga at pagdududa. Hinayaan lang ako nito magkuwento nang magkuwento nang mga nangyari.
"Hindi ko na alam Bea. Alam kong nagkamali ako, at sa pamamagitan nun napatunayan ko lang kung gaano ko kamahal ang kambal mo."
"Alam ko at nakikita ko Dean," tugon nito sa tinuran ko "Anong plano mong gawin?"
Alam ko na mahihirapan akong makausap si Ryder pagkatapos nang mga nangyari, siguradong sobrang sama nang loob niya sa akin ngayon. Pero ito lang ang naiisip ko na paraan para magkaayos kami. Kailangan namin magusap at re-respetuhin ko kahit ano pa mang maging desisyon niya pagkatapos namin magusap.
"Gusto kong makapag usap kami, kailangan niya marinig side ko at kung ano man maging desisyon niya, tatanggapin ko" tugon ko sa tanong ni Bea.
Nagporma nang isang linya ang mga labi ni Bea at muli akong niyakap.
Sa totoo lang hindi ko alam kung kakayanin ko kung biglang magdesisyon si Ryder na iwan ako dahil sa nagawa ko. bakit naman kasi ang tanga tanga ko, hindi na ako nagisip.
At muli, hindi ko na naman napigilang lumuha.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...