Pagkaalis ni Krystal naging mas magaan at mabilis ang mga pangyayari sa sportsfest. Natapos na ang mga laban namin nang wala na masyadong aberyang naganap.
Patungo kami ngayon sa usual tambayan namin sa may cafeteria. Kasama ko siyempre, ang boyfriend ko si Ryder, ang savior ko kanina si RJ, si Jaxon at, ang dalawang hindi mapaghiwalay na si Marco at Cameron.
Inaalalayan pa rin ni Cameron si Marco habang naglalakad, si Jaxon naman inuunahan sila para hindi sila makita. Para na lang ako laging nanunood nang comedy show kapag nakikita ko ang tatlong mokong; nakakatuwa at makakapag bonding na kami ulit.
"Mabuti naman at tapos na ang sportsfest, hihintayin na lang natin ang announcement nang mga kampeon mamaya" sambit ni Ryder habang tinutulungan ako sa mga gamit ko, umupo na ako at tumabi na ito sa akin; napaka sweet talaga nito ni Ryder. No wonder at nababaliw si Krystal sa kanya.
Umupo sa may harapan ko si RJ, kasunod nito ay si Jaxon na tumabi rito. Nilingon ni Jaxon ang dalawa matapos maupo.
"Hoy, ano pinutol ba paa niyan?" sigaw ni Jaxon sa dalawa. Tumingin lang ang mga ito sa kanya at nag patuloy, na tila hindi narinig ang sinabi sa kanila ni Jaxon.
Nilingon na rin ni RJ ang dalawa "ano, ayaw pakabog kay Ryder at Dean?"
"Naabutan kasi namin nang Dean ko yang dalawa na yan na magkatabi sa kama" wika ni Ryder nang medyo malakas at nakatingin sa kanila, na tila tinatansya kung ano ang magiging reaksyon nang dalawa.
"Hoy, Ryder. Igaya mo pa sa inyo ni Dean na may ASG" sagot ni Marco habang matulin na naglakad papalapit kay Ryder.
Tumawa si Ryder at tinignan sila "una, mukhang okay na paa mo ah." Napatingin si Marco sa kinakatayuan niya, hindi namalayan nito na narating na niya ang harapan ni Ryder sa inis. "Pangalawa, boyfriend ko ang Dean ko, kayo ba ano bang meron sa inyo?"
Napahinto ni Ryder nang bahagya ang mundo naming magkakaibigan. Si Jaxon at RJ naman ay parang mga chismosang nag aabang nang isasagot ni Marco.
Hindi mapagkakaila ang pagkailang ni Marco sa binitawang tanong ni Ryder, namumula ang mukha nito na tila isang kamatis.
Mapapansin naman sa may bandang likuran ni Marco si Cameron na mukhang mas stress pa kaysa sa naka hotseat. Nakatayo lang ito at na para bang isang istatwa.
"Ryder, huwag mo ipilit. Ayokong masira ang tropa dahil lang dyan" tugon ni Marco nang seryoso kay Ryder. "Oh, ano tinatayo mo diyan, hindi ka na tatangkad kahit tumayo ka dyan magdamag," banat nito kay Cameron na nawawala sa kanyang sarili.
Lumakad ito palapit at tumabi kay Marco nang hindi umiimik. Sigurado akong nasaktan si Cameron sa narinig niya at ayaw niya na lang ito palakihin pa.
Minsan talaga kahit alam mo na yung sagot, masakit pa rin marinig ang katotohanan. Para pa rin itong mga patalim na hihiwa sa iyong damdamin.
Habang tulala si Cameron mapapansin mo si Ryder at Marco na naguusap sa kanilang mga mata. Nakakagulat at kahit papaano ay naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin.
Si Ryder sinasabihan niya si Marco na suyuin si Cameron samantalang sinasabi naman ni Marco na si Ryder na lang. Sa huli walang may nais sa kanilang sumuyo kay Cameron ngayon.
"Parang gusto ko nang makakain, ikaw ba Cameron?" tanong ko para mawala na sa isip niya yung mga sinabi kanina ni Marco.
Tumingin ito sakin at hindi kumikibo. Mukhang may lag sa utak ni Cameron ngayon tapos itong dalawang bugok ayaw mag take responsibility sa kalokohan nila.
"Ahh.. eh..." tanging naisagot ni Cameron.
"Tara, bili tayo nang makakain" pag aya ko at tumayo sa kinauupuan ko.
Napatingin sa akin ang dalawa na para akong isang anghel na bumaba sa lupa. Sigurado akong pinapasalamatan nila ako sa kanilang mga isipan.
Tumayo na rin si Cameron nang wala pa rin sa hulog kaya naman hinawakan ko ang braso nito at hinatak papunta sa mga tindahan.
Nang medyo makalayo na kami sa barkada, huminto ako at tinignan si Cameron. Wala pa rin ito sa kanyang sarili at parang tulog. Sinubukan ko kumaway kaway dito pero hindi pa rin ito umiimik.
Kaya naman naisipan ko na pumitik pitik sa harap nang mukha Cameron at, dito na siya mukhang nagising. Pumikit ito at pag mulat niya nang kanyang mga mata ay binaling ito sa akin.
Nginitian ko ito at tinanong kung anong pagkain ang gusto nitong kainin. Ngunit bago pa man ito sumagot, nagulat ako nang may biglang humila sa aking damit.
Tinignan ko ang kung sino mang humahatak sa aking kasuotan at nakita si Markie, ang batang kinausap ko noon dito sa cafeteria kaya nakilala ko ang tatlong mokong.
Nginitian ko ito at nginitian naman ako nito pabalik. Napaka aliwalas talaga nang ngiti nang isang bata. "Kuya Dean, bakit po tulala si Kuya Cameron, basted ba siya?" Paguusisa ang bata sabay tumingin kay Cameron.
Patay tayo diyan, nalintikan na. Saan naman kaya napulot ni Markie yung tanong niya?
Agad ko namang naisip na baguhin ang topic "Markie bakit ngayon ka lang ulit namin nakita?"
Lumingon na muli ito sa akin "Pina tutor ako ni mommy para daw handa na ko pagpasok ko nang school," tugon nito na halatang proud sa sinabi niya.
Nagulat ako nang biglang sumingit si Cameron "ang galing naman ni Markie, ang sipag mag aral."
Mapapansin ang pagaliwalas nang mukha ni Cameron habang nakikipag usap kay Markie. Hindi ko naisip na si Markie pala ang magiging taga pag ligtas sa tulalang Cameron.
Nagpaalam ako sa dalawa at hinayaan muna silang magusap. Ayoko namang balikan ang barkada na wala akong bitbit na kahit anong makakain.
Naparami ata ang binili kong pagkain at hindi ko na alam paano dadalhin ito pabalik sa aming mesa. Mabuti na lang natapos na atang kausapin ni Cameron si Markie at sinundan ako.
Binuhat nito ang ibang mga binili ko at biglang napalibutan nang static noise ang buong cafeteria. Nagpakilala ang announcer at sinabi na isa isa ang mga kampeon sa bawat larangan.
Nagkatinginan kami ni Cameron at nagmadali maglakad pabalik sa aming mesa. Nais ko sana siya kamustahin at tanongin kung anu ano ang mga napagusapan nila ni Markie ngunit mas interesado ako malaman ang resulta nang sportsfest na ito.
Tumabi ako kay Ryder at sumunod naman si Cameron sa tabi ko. Mukhang ayaw talaga ni Cameron nang issue kaya naiwas na lang siya.
Mapapansin na tinitignan siy ani Marco at tinatansya. Ang hindi ko naman kasi maintindihan kay Marco kung gusto niya din si Cameron bakit ayaw nilang subukan maging sila?
Tila biglang nabalot nang katahimikan ang paligid nang sinabi na nang announcer kung sino ang nag wagi sa larangan nang Badminton Singles - Male Division.
Ito na yata ang pinaka matagal na limang segundo ng buhay ko. Parang slow motion ang lahat. Nakakakaba parang umiikot ang aking sikmura.
Pakiramdam ko mahihimatay ako nang marinig ko ang buong pangalan ko. Napasigaw si Ryder at hinalikan ako sa noo. Sobrang saya at sobrang nakakagulat. Hindi ako makapaniwala.
At muli na naman kaming tumahimik nang banggitin na ang kampeon sa volleyball league - men division, mapapansin na hindi gaano masaya ang lahat dahil 3rd place lang ang nakuha nang kupunan nila Marco at Jaxon. Sa totoo lang kaya sana nila mag kampeon kung hindi lang nagka sprain si Marco.
Nanumbalik naman ang saya nang barkada nang banggitin ang grupo nila RJ na nagwagi sa cheerdance competition at lalaban sa inter-school na kumpetisyon.
"Ang ang mga pasok sa mythic five volleyball league - men division..." turan nang announcer na siya naman nagpatigil sa ingay namin.
Hindi namin lahat napigilang sumigaw at magtatalon sa tuwa nang mabanggit ang pangalan ni Jaxon at ni Marco na nakapasok sa mythic five.
Nagsasasayaw si RJ sa upuan niya sa sobrang saya, nababalot nang ngiti ang aming mga mukha. Sana parati kaming ganito kasaya.
"Shhh! hindi lang kayo ang tao dito!" sigaw nang isang estudyante samin. Tumahimik at nagtinginan kami bago muling nagtawanan.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...