Kabanata XLIX

39 8 13
                                    

Bumawi kami ng pahinga ni Ryder at Marty. Pagkagising namin nagdesisyon na kami maglakad papunta sa pinakamalapit na bus station upang makasakay na pabalik sa dorm.

Habang kami ay naglalakad nakarinig kami ng sasakyan sa aming likuran na panay ang busina, hindi namin ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad; walang magawa sa buhay ganitong bitin pa kami sa pahinga makakasigaw talaga ako ng walang modong driver.

Nang hindi ko na matiis lumingon ako sa aming likuran at nagulat sa aking nakita; si Jaxon ba iyon?

"Mapapaos na yung busina ng sasakyan namin, ayaw niyo pang lumingon" sambit ni Jaxon na nakadungaw sa bintana na halos kalahati na ng katawan ang nakalabas.

Masaya akong makita sila pero hindi ko maiwasan makaramdam ng pangamba, hindi pa ko handa makita si Ronan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Nagpaiwan si Ronan, mukhang nabigla din sa nangyari," turan ni Cameron.

"Ano ang aarte, ayaw pa sumakay?" banat ni Marco habang nakahawak sa kamay ni Cameron. Napansin nitong nakatingin ako sa kamay nila kaya agad naman niya itong binitawan at tumingin sa malayo na tila walang nangyari.

Sumakay na kami at ipinakilala si Marty sa barkada. Hindi sila makapaniwala na hindi magaaral ng unibersidad si Marty, kinulit pa nila ito ng kinulit hanggang sa umamin na kumuha lang ito ng training para sa cinematography. Tapos daw naisipan niya mag tour sa isla dahil minsan lang naman daw siya nandito; medyo weirdo talaga itong si Marty pero may napakabuting puso.

Gusto ko sana magtanong anong nangyari sakanila nung umalis ako pero pakiramdam ko mas mabuting kalimutan na lang iyon at mag move-on.

Bigla ko tuloy naalala yung kuwento ni Ryder tungkol sa aming dalawa, na kilala ako ng tatlong mokong bago ko pa sila maging kaibigan.

"Umamin nga kayo saking tatlo bakit nagpanggap kayo na hindi niyo ko kilala nung unang beses niyo ko nilapitan?" paguusisa ko.

"Hindi ka ba nagiisip?" pasinghal na tugon ni Marco, "sa tingin mo ba kakaibiganin mo kami kung sabihin namin sayo na kilala ka na namin noon pa dahil nabading sayo yung tropa namin?"

"Tsaka bro, we like to meet you as yourself. No pretenses, kaya namin iyon nagawa, I hope you can find it in your heart to forgive us," madramang dagdag ni Cameron.

Natawa ako pero deep inside na-touch ako sa sinabi nila, iba pa rin talaga kung sakanila nanggaling.

"Hindi pa ba tapos ang primetime drama?" Pabirong banat ni Jaxon.

Nagtawanan ang lahat at ipinaliwanag sa kanila na wala na sakin iyon at gusto ko lang manggaling sakanila ang dahilan kung bakit; ang sarap pala talaga magkaroon ng totoo at tunay na kaibigan.

Hinatid namin si Marty sa airport at pagkatapos kami naman ang inihatid ni Cameron isa isa sa aming kanya-kanyang dorm at doon natapos ang mala-rollercoaster ride naming bakasyon.

Dumating na ang araw ng pasok at excited na ko makita ang mga kaibigan ko pati siyempre si Ryder. Iba din kasi yung pagod na naidulot sa amin ng bakasyon na iyon kaya nagbawi kami ng lakas pagkauwi namin.

Medyo masakit pa nga ang katawan ko ngayon sa totoo lang bukod pa doon, hindi ko pa rin maiwasang maisip kung ano ang nangyari kay Ronan.

Alam kong mali iyong mga ginawa ni Ronan pero kahit papaano naging kaibigan na rin namin siya kaya nakakalungkot lang isipin na palabas lang ang lahat. Aaminin ko ayoko talaga sakanya pero may mga oras at pagkakataon naman din na ayos siya sa akin.

Nakarating ako sa gate ng unibersidad ng hindi ko namamalayan, doon nakita ko si RJ at Jaxon na nagtatawanan; malamang nagkukulitan na naman itong dalawa.

Napansin ako ni RJ palapit, umirit ito ng napakalakas.

"Hayop, ano ka sirena ng bumbero?" banat ni Jaxon.

"Magandang umaga!" pagsinget ko.

"Hello mader, kamusta ang beauty sleep?" tanong ni RJ.

Humirit kaagad si Jaxon bago pa man ako maka sagot, "beaty rest kasi iyon, bakla."

Nagtawanan kaming tatlo at sakto naman na nakita namin sila Cameron at Marco na papalapit sa amin. Mapapansin na abot langit ang ngiti ni Cameron mukhang maganda ang gising ng loko.

Sa astang ganito ni Marco na parang ayaw tumingin sa aming tatlo malamang may ginawa na namang kababalaghan ang dalawang ito.

"Care to share, mga sis?" paguusisa ni RJ.

"Huh?" tugon ni Marco na tila hindi narinig ang tanong ni RJ.

"Huwag niyo ko artehan, ako barbie dito oh, aarte pa kayo?!" pabirong sambit ni RJ habang ngumunguso-nguso pa.

Magsasalita na sana si Cameron pero siningitan siya ni Marco at tinanong kung nakita na namin si Ryder; oo nga noh? Nasan kaya si Ryder?

Wala naman sigurong nangyari sakanya, hinatid naman kami lahat ni Cameron sa kanya kanya naming dorm. Hindi ko lang sure kung saang dorm umuwi si Cameron at Marco, mukhang magakasama buong gabi ang dalawa.

"Camie?" sambit ng isang boses mula sa bandang gilid namin.

Sabay sabay kaming lumingon at nakita ang isang sopistikadang matanda na naglalakad papalapit sa amin. Lola siguro ito ni Cameron kasi mukhang sakanya nakatingin si lola.

"Oh shoot, mamita!" tugon ni Cameron habang may ngiti sa kanyang mga labi, "kamusta po, kelan pa po kayo dumating?"

"I knew it from a far, that you are Camie. I'm doing great. I got here since yesterday and I'll be staying here for a while," tugon nito ng puno ng galak at elegante.

Napatingin si Cameron samin at napansin na kasama niya kami kaya naman isa isa niya kaming pinakilala sa lola niya at sa huli nilinaw nito na hindi na siya tinatawag na Camie ngayon kung hindi Cameron na.

Hindi ko maiwasan makaramdam ng nerbyos at pagkailang sa presensya ng lola ni Cameron kasi naman anlayo layo sa typical na lola bukod pa doon ang bango bango niya parang amoy powder yung balat niya.

"Pansin ko lumalaki na ang circle of friends niyo, kamusta naman ang pagaaral ninyo?" paguusisa ni mamita.

Agad naman ako binida ni Cameron na akala mo henyo ako. Tumingin lang sa gawin ko si mamita at ngumiti; na acknowledge ako ni mamita, nakakatuwa naman.

"Mamita pasensya na po pero hindi pa namin nakikita si Ryder, medyo nahuli ata ng gising" pagpapaliwanag ni Cameron kay mamita; ay kilala ng lola ni Cameron si Ryder? Sabagay magkababata nga pala silang dalawa tapos si Jaxon at Marco naman naging close na nila nung junior high.

"Actually, nagpunta ako dito to take a look at the university my husband and I established decades ago and as for Ryder, I saw him last night. He was burning so I told him to rest for today," tugon ni mamita.

Teka galing siya sa dorm ni Ryder? Mas una niya pang pinuntahan yung kaibigan ng apo niya? Ay, naloko na. Mali ako, lola siya ni Ryder. Siya ang founder ng unibersidad. Kilala niya si Cameron kasi magkababata sila ni Ryder.

Hala nakakahiya sa lola ni Ryder, mas lalo tuloy ako kinakabahan. Mabango ba ko? Maayos naman siguro itsura ko.

Ano raw ulit yung huli niyang sinabi? May sakit si Ryder? Bakit hindi niya sakin sinabi? Naku, ayaw na naman siguro ako magalala nun.

Para tuloy gusto ko puntahan si Ryder ngayon para alagaan kaso nakakahiya naman iwan silang lahat ngayon lalo na't nandito pa yung lola ni Ryder.

Pakiramdam ko tuloy ang sama ko kasi gusto ko na siya umalis para makaalis na rin ako at mapuntahan si Ryder habang hindi pa natunog ang school bell.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon