Napalunok ako nang laway habang dahan dahan kong binuksan ang aking pinto. Napatulala ako at tila na nanaginip sa aking nakita.
Nagkatitigan kami nang ilang minuto, parehas naming ninanamnam ang bawat sandali na magkaharap kami ngayon.
"Wait lang," hinahapo nitong sinabi.
Kinurot ko naman ang aking pisngi para magising na sa panaginip na ito, "aray!" sambit ko.
Natatawa napatingin sa akin si Ryder, "anong ginagawa mo po?"
Ay, walang Dean ko, ang sakit pala nun kahit ganoon lang iyon ka-simple.
"Baka kasi nananaginip lang ako, na nandito ka ngayon sa harapan ko" tugon ko na hindi pa rin makapaniwala.
Hindi ito kumibo at walang ka rea-reaksyon sa kanyang mukha, na tila wala itong narinig.
Mas lalo akong nalungkot sa nakikita ko, pakiramdam ko pailiit nang paliit ang tyansa na maayos pa ito. Mukhang ayaw na niya, pakiramdam ko tuloy nagpunta siya dito para sabihin na iiwan niya na ko.
"Saan ka ba papunta?" mahinahong tanong ni Ryder.
"Sayo... kaya laking gulat ko na nandito ka ngayon sa harapan ko," hindi ko pa rin mabasa ang reaksyon sa mukha nito; nakakainis naman iyong ganito.
Tumingin ito sa aking mga mata, na tila may sinasabi ito sa akin sa kanyang isipan. Napansin ko na lang na nangilid ang kanyang mga luha at biglang yumakap sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam maramdamang muli ang mainit na yakap ni Ryder, sa totoo lang naguguluhan ako sa mga nangyari. Ayos lang kaya na, yumakap din ako pabalik?
Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking mukha nang dalawa niyang kamay. Tumingala ito at huminga nang malalim halatang kumukuha siya nang lakas nang loob para sa nais niyang sabihin.
Tumingin na ito sa aking mga mata at na gulat sa mga katagang lumisan sa kanyang bibig, "Sorry, Dean Ko."
Para itong isang malaking bato na bumagsak sa akin, hindi ko alam anong dapat maging reaksyon. Bakit siya ang nagsosorry sa akin? Naguguluhan na ako.
Umiling ako sa paghingi niya nang tawad, alam ko na ako ang may may ako dapat ang nahingi nang tawad, "hindi mo kailangan sa akin humingi nang tawad, ako ang nagkamali kaya, Ryder ko, patawarin mo ko sa aking pagkakamali, naging mahina ako."
Umagos na rin ang aking mga luha parehas na kaming umiiyak. Parehas humihingi nang kanya kanya naming bersyon nang kapatawaran.
Ipinaliwanag ko na kay Ryder kung ano ang nangyari. Sinimulan ko sa mga liham, hanggang sa pagsira nang raketa. Kaya naisipan kong hulihin ang salarin ngunit nabaliktad nito ang sitwasyon nang bigla akong halikan.
"Sorry, Ryder ko kung naging mahina ako at hindi ko napigilan si Krystal gawin ang binabalak niya," pagsusumamo ko.
"Naiintindihan ko po, Dean ko pero... hindi ibig sabihin nun hindi na ako masasaktan. Hindi mo pa rin ma-aalis sa isip ko ang mga nasaksihan ko" tugon ni Ryder sa akin.
Tama naman siya, yung pagpunta pa lang niya dito ngayon ay sobrang nakakabilib na. Hindi ko aakalain na willing siyang isa walang bahala iyong nararamdaman niya magkausap lang kami; sobrang sarap naman magmahal nang tao na ito.
"Salamat po, Ryder ko sa pagunawa" tanging tugon ko sa sinambit ni Ryder.
Nagumpisa naman na si Ryder ipaliwanag ang panig niya. Totoong nakita niya na magkahalikan kami ni Krystal, pero napansin din daw niya na si Krystal din ang nakalapit ang mukha sa akin, ibig sabihin daw nun, ito ang humalik sa akin.
Gusto ko sana mag reklamo na bakit hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko. Natatandaan ko na humakbang ako palapit sakanya tapos umatras naman siya; ano iyon nag cha-chacha kami?
Nais daw niya kasi sana na tumakbo palayo, sobrang sakit nang kanyang mga nasaksihan. Ngunit mas nais daw nitong marinig ang aking panig, kaya pinilit niya ang kanyang sarili na manatili.
Pero nang makumbinsi niya ang sarili niya na pakinggan ang panig ko, ako naman na daw itong natulala at hindi na kumikibo, na para bang ayoko na daw pang magpaliwanag sakanya.
Nabigla daw si Ryder nang sampalin at tawagin akong manyak ni Krystal, tapos wala daw akong ginawang paraan ipagtanggol ang sarili ko. Kaya lalo lang daw siyang naguluhan.
Tapos nang yakapin siya ni Krystal, nakaramdam siya nang inis kaya naman itinulak niya ito. Napilitan daw tuloy siyang umalis nang dahil dito.
Gusto pa sana ni Ryder manatili pero naisip daw niya na baka mas makakabuti samin na makapagisip isip muna bago kami magusap, kaya hinayaan niya muna ako at binigyan nang space.
Pero nang makita daw niya ako na parang walang nangyari at patuloy lang sa sportsfest, nakaramdam daw siya nang lungkot at sakit.
Pakiramdam daw ni Ryder wala lang sa akin ang mga nangyari at wala akong paki, kung ano ang nararamdaman niya.
"Pasensya na, Ryder ko kung yan ang naparamdam ko sa iyo. Sa totoo lang Ryder ko, ganyan din ang naramdaman ko. Akala ko wala lang sayo ang lahat, na handa mo na akong iwan" naiiyak kong sambit kay Ryder.
"Pasensya ka na din, Dean ko. Kung anu ano kasing inisip ko, lumala pa tuloy nang ganito," malungkot na turan ni Ryder. "Tapos medyo late na ako nakauwi kasi nabalitaan ko ang nangyari kay Marco, dali dali akong nagpunta sa ospital."
Ikinuwento nito ang sitwasyon ni Marco at Cameron doon sa ospital. Pagkarating na pagkarating niya daw sa ospital, naabutan niya ang dalawa na nanunuod sa telebisyon sa kwarto ni Marco na para daw nagde-date.
Natigilan daw ang dalawa at nag ayos nang makita si Ryder na nakasilip sa may pinto. Hindi daw niya napigilang matawa nang biglang itinaboy ni Marco si Cameron.
Hindi daw makakalimutan ang mga sinabi ni Marco nun, para daw kasing naka on-repeat sa utak niya 'hoy biik ka, ang lawak lawak panay ang siksik mo.'
Akala daw niya hihikain na siya kakatawa. Napakagago naman kasi ni Marco, sa kwento pa nga lang ni Ryder natatawa na ako edi lalo na siguro kung nandoon din ako, nung sinabi iyon ni Marco kay Cameron.
Bahagyang napalitan nang mga tawa ang lungkot na kanina ay bumabalot sa amin. Panandalian naming nakalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman namin kanina.
Nang matapos na kaming tumawa nagpatuloy na ito mag kuwento. Hindi na daw siya masyado nagtagal sa ospital at mukhang nakakaistorbo lang siya. Bukod pa dito ang sabi naman daw nang mga nurse ay makakalabas na din nang ospital si Marco kinabukasan.
Tapos nang makauwi daw siya hindi daw niya aakalain na wala na siyang maabutan sa dorm niya, hindi daw niya naisip na aalis ako kaagad nang bahay nang ganoon lang.
Pagkadating na pagkadating daw niya sa dorm, naramdaman niya ang matinding lumbay dito. Tila daw napaka tahimik nang buong dorm pagkapasok niya dito.
Sinilip niya daw kaagad ang kwarto nang makita nito ang note ko na iniwan para sa kanya. Nadurog daw ang kanyang puso sa liham ko kaya naman di na daw siya nag atubiling pumunta dito ngayon sa dorm ko.
Hindi ko napigilang kiligin at mapangiti sa kinuwento ni Ryder. Hindi ko aakalain na ganoon din pala ang nararamdaman ni Ryder para sa akin. Kung anu ano pa kasi ang pinagiisip namin, nagkaroon lang tuloy kami nang hindi pagkakaunawaan.
"Mahal na mahal kita, Dean ko" malambing na sambit ni Ryder.
"Mahal na mahal din kita, Ryder ko" pagtugon ko.
Nagngitian kaming dalawa at nagyakap nang mahigpit. Napakasarap talaga nang mga yakap na ito. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ito.
"Hindi ko kakayanin ang mawalay sayo, Dean ko"
"Gayon din ako" at nilapit ko ang aking mga labi, sa mga labi ni Ryder.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...