Kabanata XLVI

49 9 27
                                    

Dali dali kong tinalikuran si Ryder at Ronan, ramdam kong nakatingin sila sa akin. Gusto ko lumapit sakanila at yumakap. Nais kong gisingin nila ako sa mala bangungot na tagpo na ito.

Sobrang sakit ng nadarama ko ngayon, tila paulit ulit sinasaksak ang puso ko ng walang tigil. Gusto ko ng sumuko sa sakit pero minabuti ko magpakatatag.

Alam kong mas matagal na nilang kaibigan si Ryder kaysa sakin kaya sigurado akong si Ryder ang kakampihan nila. Kaya naiisip ko na lumisan na lang ng tahimik at walang kinakausap.

Dere-derecho akong naglakad papasok sa kwarto ng hindi tinitignan si Ryder o si Ronan. Naririnig ko ang paghikbi ni Ryder pero ayokong magpadala dito. Alam kong naiyak lang siya ngayon dahil nahuli siya.

Nakakainis, pakiramdam ko ang tanga tanga ko. Nagpauto ako sa ka-sweetan ng ugok na ito. Alam ko naman na hindi totoo ang love at first sight pero naniwala pa rin ako sa kasinungalingan ni Ryder.

Ano bang iniisip ko? Na ako ang bida sa kwentong ito? Na magically may isang gwapo at may kayang lalaki na magkakagusto sakin sa unang araw ko pa lang makatungtong sa unibersidad?

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa kwarto. Naramdaman ko ang dahan-dahang paghawak ni Ryder sa akin na kaagad namang nagbigay ng kakaibang sakit na tila nakakapaso ang hawak nito.

Agad ko itong tinabig at tumayo. Kailangan kong gamitin ang buong lakas ko para iwasang tignan si Ryder. Feeling ko kasi madudurog ang puso ko kapag nakita ko si Ryder na umiiyak at bigla na lang akong magpakatanga at patawarin siya.

Paglabas ko ng kwarto sinubukan akong kausapin ni RJ, "Dean... samahan na kita, intayin mo ko baka..."

"Huwag na. Gusto ko mapagisa," tugon ko ng seryoso at dumerecho na sa paglalakad papunta sa hagdan.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan ako pupunta o kung saan ako pupulutin pag-alis ko dito pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Gusto kong makaalis dito, makalayo sakanilang lahat. Gusto ko muna mapag-isa.

Wala ng pumigil sakin at hinayaan na lang nila ako makababa at makaalis sa impyerno na iyon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng walang patutunguhan. Hindi pa rin nahinto ang mga luha ko sa pag agos na tila ba hindi na nito alam paano huminto.

Ayokong isipin kung anong ginagawa nila ngayon doon. Ayokong isipin na masaya sila na umalis ako, ayokong isipin na pinaguusapan nila ako ngayon.

"Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad. Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy. Nais kong luma~ngoy"

Tama ba ko, may naririnig akong kumakanta ng ganitong oras dito sa kalsada?

Niligid ko ang aking mga mata at nakita sa kabilang kalsada ang isang lalaki na hindi siguro nalalayo ang edad sa akin. Naglalakad din ito magisa sa dilim at may bitbit na mga bag; naglayas ba siya?

"Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay. Nais ko... nais ko... nais ko..." pagpapatuloy niya sa pagkanta niya na may kasama pang pagbirit sa huli.

Napansin nitong nakatingin ako sakanya at halata sa mukha niya ang pagkahiya, malamang hindi nito inakala na may tao ding maglalakad sa kalsada ng ganitong oras.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko, madilim naman kaya feeling ko hindi naman niya nakitang naiyak ako. Ayoko namang magmukhang timang sa harapan ng ibang tao.

Sabay kaming umiwas ng tingin sa isa't isa at nagpatuloy na sa paglalakad. Makatapos ng ilang hakbang napansin ko na panay na ang lingon ng lalaki sa akin.

Mukha naman siyang maayos at hindi mananakit pero nakakatakot pa rin, hindi ko pa rin masabi kung anong klaseng tao ba siya o kung katulad din ba siya ni Ryder.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon