Napatingin ako kila Jaxon, Marco at Cameron bilang paghingi ng paliwanag kung sino ang babaeng lumapit kay Ryder.
"Wag mo nalang sila pansinin, makulit talaga yang si Krystal," pagpapaliwanag ni Cameron. Dami ko pa sanang tanong pero halatang ayaw at iniiwasan nila magkwento. "Huwag mo na lang masamain Dean ah pero hindi rin kasi namin talaga alam kung anong meron sa dalawang yan," pagpapatuloy nito.
"Ano ka ba? Wala iyon, nagulat lang ako at na-curious," depensa ko.
Hindi naman sa may paki ako kung sino iyang babaeng yan sa buhay ni Ryder, sa totoo lang wala akong paki sadyang may nararamdaman lang akong kaunting inis. Dikit ng dikit sa akin itong si Ryder at tinatawag akong Dean ko tapos biglang may girlfriend naman pala.
Parang nakaramdam ako ng pagkabalisa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may problema na ata sa akin. Bakit parang affected ako masyado sa nangyayari ngayon?
"Natandaan ko may hihiramin pa nga pala akong libro sa library, mauna na ako sa inyo," ika ko sabay tayo at alis. Hindi na ako lumingon sa kanila upang maghintay ng tugon dali dali na lang akong lumisan.
Mabagal ang paglakad ko palayo sa kanila na tila ba nag-aabang ako na pigilan o mapansin man lang ni Ryder na paalis ako. Pero wala, wala akong narinig na Ryder.
"Sus, anong libro naman hihiramin mo, baka naman may kikitain ka lang?" pang-aasar ni Jaxon.
Kahit kailan talaga kung anu-ano ang naiisip nitong si Jaxon. Kumaway na lang ako nang nakatalikod habang naglalakad, palayo sa kanila. Ayoko ng patulan ang mga tinuran ni Jaxon at baka humaba pa.
Pagkarating ko sa silid aklatan, napahinga ako ng malalim. Ano nga ba ginagawa ko dito? Wala naman talaga akong hihiraming libro. Mukhang nasisiraan na talaga ako ng ulo. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko yung pagtawag ni Krystal kay Ryder ng love na para bang isang sirang plaka.
Sabagay wala namang masama kung magjowa si Krystal at Ryder. May itsura naman talaga ang ugok na iyon at gayon din naman si Krystal. Sa totoo lang cute at charming si Krystal tapos mukhang sweet at mabait pa. Mukhang sobra niyang na i-spoil si Ryder kaya lakas ng topak ng ugok na iyon.
"Anong tinatayo mo dito sa labas ng silid aklatan?" tanong ng isang pamilyar na tinig.
Paglingon ko parang huminto ang mundo ko. Nakakita ako ng isang anghel.
"Dean, right?" Pagtatanong nito.
"Ah... Eh... Ako nga" sagot ko. Natawa naman si Bea at sabay hampas ng palambing sa aking braso.
"Ikaw talaga, patawa ka parati para kang nakakita ng multo," pagbibirong tugon nito sa akin.
"Anghel kamo," sagot ko ng hindi nag-iisip.
"Puro ka kalokohan, Dean. Gaano katagal mo ba plano tumayo dito sa harap ng pinto ng silid aklatan?"
"Enough lang para abangan ka, ngayon pwede na ako pumasok para samahan ka. Tara, ano bang gagawin natin dito?"
Natatawang sumagot si Bea "Basta ako narito para isauli yung mga librong hiniram ko, eh ikaw ba ano bang ginagawa mo talaga dito?"
Naglakad na kami papasok sa loob ng silid aklatan. Sinusundan ko si Bea papunta sa librarian upang isauli ang mga hiniram niyang libro.
"Ang totoo niyan, gusto ko lang sana tignan kung ano pwede kong mahiram na libro. Nais ko sanang mag-advance reading," pagpapalusot ko.
Tumango naman si Bea na mukhang kuntento na sa sagot ko. Napakaganda talaga ni Bea at ang bango bango pa. Napakaswerte ng magiging boyfriend nito, maganda na mabait pa.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomansaIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...