Pagpasok ko sa silid-aralan naabutan ko ang tatlong mokong na nag-uusap. Nang mapansin nila ako, sabay sabay itong lumingon sa akin at ngumiti. Ano kayang pinag-uusapan ng mga ito, bakit kaya ganyan sila sa akin makangiti?
"Lumapit ka nga ditong hayop ka" pagtawag sa akin ni Marco.
Napalunok naman ako at nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko sasabunin ako ni Marco pero bakit? May nagawa ba akong masama?
Lumapit ako sa kanila, "bakit Marco may problema ba?" pagtatanong ko na hindi pa rin mawari kung ano bang meron.
Mabilis namang inispeksyon ni Jaxon ang leeg ko na para bang may hinahanap ito. "Mukha namang wala siyang bakas," sigaw ni Jaxon kila Marco at Cameron.
Tinulak ko si Jaxon palayo at nagtanong kung ano ba ang meron, wala akong maisip na dahilan para magkaganyan sila. Tawa tawang lumapit muli sa akin si Jaxon at umakbay.
"Nakita ko kasi na sabay kayo pumasok ni Ryder, anong ginawa niyo kagabi? Bkit kayo magkasama kanina?" pang-aasar nito.
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding hiya. "Mga loko! Nakasabay ko lang siya pumasok, nagkataon lang. Binigyan niyo agad ng meaning."
Nakikita ko sa mata nila na hindi sila kumbinsido sa dahilan ko. Kahit naman ako, sa totoo lang pero hindi ko na alam paano ko ipapaliwanag ang mga nangyari kahapon. Siguradong lalo lang nila akong aasarin.
"Lumipat na pala ng dorm si Ryder, ano?!" sambit ni Marco.
Madalas talaga kapag hindi mo masyado kilala itong si Marco mao-offend ka. Napakapasmado ng bibig.
"Bros, Let Dean talk at tsaka hayaan na lang natin sila. Aamin din iyang mga yan." pagsinget ni Cameron.
Hindi ko matansya kung kinakampihan ba ko nito o lalo lang akong dinidiin. Hayop, pasimpleng tirada din itong si Cameron eh.
"Eh, ano nga kasi? Wala namang masama Dean kung may ginawa kayo," dagdag ni Jaxon.
Halatang nakaabang ang tatlo sa sasabihin ko. Tinititigan nila ako na parang wala na silang ibang nakikita kung hindi ako. Napaka-tsismoso talaga ng mga kaibigan ko.
"Ganito kasi iyon," huminga ako ng malalim bilang bwelo "Nakipagdate ako kahapon..."
Hindi pa ko natatapos sasabihin ko suminget si Jaxon ng "Sabi na eh, nag-date kayo ni Ryder tapos inuwi mo sa dorm mo."
"Itutuloy ko pa ba magkwento o ikaw na magtatapos?" pagmamataray ko habang nakatingin kay Jaxon.
"Bigyan niyo nga muna ng saging yan ng manahimik," ika ni Marco.
Sumenyas naman si Jaxon na parang izi-zipper niya ang mga labi niya. Akalain mo iyon si Marco lang pala makakapagpatahimik kay Jaxon.
Ipagpapatuloy ko na sana muli ang aking pagku-kwento ng tumunog ang schoolbell. Hulog talaga ng langit ang bell na ito. Napakagaling lagi tyumempo. Nakaligtas na naman ako sa mga awkward na tanungan.
"Pano ba yan mag-uumpisa na klase," ika ko sa kanila ng nakangiti.
"Hayop kasi itong si Jaxon eh," panghihinayang ni Marco sabay tingin sa akin. "wag ka mag-alala, mamayang lunch break ka magkukwentong kumag ka."
Umupo na ko sa upuan ko at dumating na ang professor namin. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot na matapos ang klase at mag lunchbreak. Sigurado din naman akong hindi ako titigilan ng mga ito.
Biglang napagtanto ko, ayos na rin palang sa akin sila nagtatanong. Kasi siguradong masmapapasama pa kung si Ryder ang magkukwento sa mga ito. Malamang may sariling bersyon na naman yung ugok na iyon.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomansaIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...