Kabanata II

218 11 2
                                    

Hinabol ako ni Ryder habang natawa.

"Dean, saglit!" Sigaw nito. Naabutan ako nito at hinawakan ang aking balikat "teka, saglit lang Dean" muling turan nito habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Ano ba yun?" Singhal ko kasabay ng paglingon ko.

"Sauli mo naman yung puso ko, itinatakbo mo eh" tugon nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nandilim talaga ang paningin ko sa mga banat niya. Kaya naman hindi ko na napigilang lumipad ang aking kamao papunta sa mukha ni Ryder.

Halos matumba si Ryder sa suntok ko. Hindi ito kumibo na tila himinto ang mundo nito.

"Oh shit, sorry!" Naglakad ako palapit kay Ryder upang tignan kung gaano kalakas ang pagkakasuntok ko sa mukha niya. "Ayos ka lang ba? Pasensya na, hindi ako nakapagpigil para ka kasing tanga. Sorry talaga, patawarin mo na ko. Sabi mo tutulungan mo ko hanapin ang kwarto ko."

Lumingon si Ryder sakin nang dahan dahan. "Talaga? Pumapayag ka na nasamahan kita sa kwarto mo?" Sagot nito sabay tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong. Pinunasan niya ito at tumawa kunwari " tara, hatid na kita."

"Anong tara?! Dumudugo ilong mo dude. Sa infirmary muna tayo pupunta. Sorry ulit," sagot ko na guilty sa nagawa ko. Ano ba naman yan, bagong bago ako rito tapos gusto lang ako tulungan ng tao. Sinapak ko pa. Nice Dean.

"Concern ka?" Pang-aasar ni Ryder.

"Kung ayaw mong paduguin ko lalo yang ilong mo tigilan mo iyan" pagbabanta ko nang nakangiti.

"Eh bakit ka nakangiti? Nakakatawa na ba ang mukha ko?" Tanong nito.

"Hindi naman masyado" sagot ko. Oo na aaminin ko. Nagkamali akong patulan yung mga biro nito ni Ryder. Sino ba naman kasi matutuwa sa mga biro nito eh hindi ko pa naman siya ganoon kakilala para magbiro sa akin ng ganoon pero, aaminin ko mukhang mabait nga toh si Ryder. Medyo malakas lang ang sayad sa utak.

Sinamahan ko siya sa infirmary at ipinaliwanag sa nurse ang mga nangyari, napailing lang ito at napasabi ng "boys will be boys." Hindi ko matansya kung compliment ba iyon o ano. Pero ito ang sigurado ako, mukhang nakahanap na ako ng magiging mabuting kaibigan sa eskwelahang ito.

Nakangiti kami parehas na nilisan ang infirmary. Pinakita ko kay Ryder at ipinabasa yung liham kung saan nakasaad ang magiging kwarto ko. Binalik nito kaagad sa akin yung letter of acceptance ng may ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang alam na alam niya ang bawat sulok ng unibersidad.

Hindi ako nagkamali na sakyan ang kalokohan nito ni Ryder.

"Magka-building pala tayo. Saktong sakto madali kitang madadalaw araw araw," ika ni Ryder na tila umalingawngaw sa aking mga tenga.

Araw araw ba kanyo parang masusuka ako sa balitang iyan.

"Magkabuilding lang tayo at hindi magkatabing kwarto" pagsinghal ko dito.

"Sapat na iyon sakin kaysa nasa ibang building ka, mahihirapan akong mag-sneak in sa loob ng kwarto mo" pagbawi nito sa akin.

"Ewan ko sayo, Ryder. Puro ka talaga kalokohan. Halika na't gusto ko na makita ang magiging kwarto ko dito sa unibersidad"

Tumango lamang si Ryder na tila nagsasabi na tara na, tumango rin naman ako bilang tugon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang building ng dorm namin.

Kamangha-mangha para palang condo ang mga dormitoryo dito. Pagpasok namin sa loob bumungad saming harapan ang lounge.

Wow, parang ang sosyal ko naman. Dito ako titira?

"Dean, Dean!" rinig kong kinukuha ni Ryder ang attensyon ko.

"Sorry kakagulat lang na ganito kaganda ang dorm dito"

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon