Bahagyang gumalaw si Ryder at dahan dahang minulat ang kanyang mga mata. Inangat na nito ang kanyang ulo sa aking balikat at tumingin sakin habang pupungas pungas.
Nang magising ito nang tuluyan agad itong umayos nang pagkakaupo "Tapos na laban mo, Dean ko?"
"Kanina pa tapos naabutan kitang mahimbing ang tulog kaya pinagpahinga na muna kita sa balikat ko, Ryder ko" tugon ko kay Ryder.
"Sorry po at nakatulog ako, Dean ko. Ang sabi ko papanoorin ko ang mga laro mo pero ayon, panay ang pag tulog ko" pag hingi nang tawad ni Ryder.
Nginitian ko naman siya at umiling bilang tugon. Naiintindihan ko ang pagod ni Ryder at tsaka masaya na ako sa effort nang paglaban niya sa antok niya. "Ayos lang po iyon, ang importante narito ka para sa akin, Ryder ko."
Sa hindi kalayuan nakita ko si RJ na may kasamang babae at sa likod nila, nakasunod ang buong cheerleading squad. Naka simangot si RJ at matatalas ang tingin sa babaeing kasama niya.
Hindi ko kasi gaano maaninag ang babae dahil nakatungo ito at natatakpan nang buhok ang mukha nito. Tila nakalimutan kong huminga nang hawiin nang babae ang buhok niya. Ang sama nang mga tingin nito sa akin na tila nais akong saktan.
Nagulat ako sa naging reaksyon ni Ryder. Gumapang ang kamay nito at hinanap ang kamay ko. Hinawakan ni Ryder ang kamay ko at pinisil pisil na tila sinasabi ng nandito lang ako sa tabi mo.
Pagkalapit sakin ni RJ at Krystal, agad naman kaming tumayong dalawa ni Ryder nang sabay. Bahagyang tinulak ni RJ si Krystal papunta sa aming harapan.
Tinignan ko si RJ at naghintay nang paliwanag sa kaganapang ito. Sa totoo lang hangga't maaring iwasan, nais ko na lang iwasan si Krystal para wala na lang gulo.
"Girl, nakita ko ang babaeng iyan sa locker mo" turan ni RJ sabay tingin nang masama kay Krystal. Agad namang umiwas nang tingin ang dalaga at lumingon sa lapag.
"Baka naman napadaan lang siya, RJ" pag dedepensa ko kay Krystal Kahit na, sa loob loob ko ang gusto ko ay sakalin ang babaeng ito.
Humarap sa akin si RJ at sumagot "at talagang pinagtatanggol mo pa yan, girl" muli itong lumingon kay Krystal "babae, sige ikaw ang magsabi anong ginagawa mo sa locker room."
Hindi ito umiimik na tila wala itong naririnig. Nakatitig pa rin tio sa sahig na para bang binabantayan niya ito at hindi pwede maalis sa kanyang paningin.
"Magsasalita ka o pagsasalitain kita?" Pagbabanta ni RJ. Lumingon sakanya si Krystal na tila minumura ito sa kanyang isipan. "Sagot!"
Dahan dahan na binaling ni Krystal ang mga tingin niya sa akin na tila nagdala nang kakaibang kaba sa aking dibdib. May iba sa kanyang mga titig, na para bang may ginagawa siya saking kahayopan sa kanyang isipan.
Ngumiti ito sa akin na parang isang demonyo, mabuti na lang hawak hawak pa rin ni Ryder ang kamay ko na nagbibigay sa akin nang lakas nang loob ngayon.
Huminga ako nang malalim at hinigpitan pa ang kapit sa kamay ni Ryder. Kailangan ko nang karagdagang lakas ngayon. Ayokong magpakita nang kahinaan sa babaeng ito.
"Bakit hindi ikaw ang mag kwento, tutal magaling ka naman" pabalang na sagot ni Krystal kay RJ.
Halatang nagpanting ang tenga ni RJ sa mapang ahas na sagot ni Krystal kaya naman naisipan ko agad sumingit para hindi na umabot sa dahas ang tagpo na ito.
"RJ, not worth it. She's toying with you para mabaliktad ka niya. Huwag ka papahulog sa bitag niya" turan ko na umaasang magpakalma kay RJ.
Tinitigan ako nang bahagya ni RJ at huminga nang napaka lalim na animo'y lulusong sa dagat para sumisid. Nang medyo kumalma na si RJ tsaka ko siya tinanong, kung ano ba ang nangyari.
Ipinaliwanag na ni RJ ang mga nasaksihan niya sa locker room. Inumpisahan niya ito sa parte na maagang natapos ang laban nila sa cheerdance competition.
Sakto naman daw na napadaan sila sa may locker room at napansin ang isang babae na tila may sinusungkit sa locker. Na curious daw si RJ kaya naman naglakad siya papalapit dito.
Laking gulat daw ni RJ nang makilala ang locker na pinupuwersa nang babaeng ito buksan. Nang mapansin daw siya nang babae, agad daw itong huminto at humarap sa kanya nang nakatungo.
Bigla daw itong tumakbo at inapakan ang paa niya. Mabuti na lang daw at nasa paligid ang buong cheerleading squad. Kaya naman daw sumigaw si RJ at pinahawakan ang babaeng tumapak nang paa niya.
Agad naman din daw nahuli nang isa sa mga cheerleader ang babaeng pinupwersang buksan ang locker ko, na siya ring tumpak sa paa ni RJ.
Kita daw sa mga mata nang babae ang galit habang nagpupumiglas ito. Wala daw bahid nang hiya o pagsisisi sa mukha nito kaya naisipan niyang dalhin ito dito samin.
"Hindi ko alam kung ano ang problema nang babaeng yan pero she's one crazy bitch" pagtatapos na kumento ni RJ tungkol kay Krystal.
Gusto ko sumagot at mag agree sa sinasabi ni RJ pero hindi ko alam kung paano mag react sa mga narinig at nalaman ko. Hindi ko maiwasang matakot sa mga kayang gawin nang babaeng ito para lang sirain ako.
Muli kong naramdaman ang pagpisil ni Ryder nang aking kamay, na hinila ako pabalik sa realidad. Na hindi ako nagiisa sa laban na ito. Na may mga kaibigan ako na handa akong tulungan at samahan.
Nilingon ko si Ryder at binigyan nang matamis na ngiti bilang pagtugon sa pagpisil niya nang aking kamay. Pansin sa mukha ni Ryder ang dismaya kay Krystal.
Marahil hindi niya inakala na aabot sa ganito ang sitwasyon. Nakakainin si Krystal nang emosyon niya at gagawa nang mga bagay na ikakapahamak nang ibang tao.
"At ikaw naman babae," pagbabanta ni RJ kay Krystal "sa susunod na mahuli ulit kita o may makarating sa akin na balita na sinasalbahe mo ang kaibigan kong si Dean, hindi na lang siya ang makakalaban mo. Kung hindi kami, ang buong cheerleading squad. We'll make you suffer more than you can imagine."
Makikita sa mukha ni Krystal ang pagtanggap sa kanyang pagkatalo sa pagkakataon na ito. Marahil ay tumigil na si Krystal sa pang gugulo sa amin matapos ang sportsfest na ito.
Inayos ni Krystal ang kanyang sarili at naglakad pasalubong sa akin. Binangga ako nito sa aking balikat nang hindi lumilingon.
Kitang kita nang lahat ang ginawa sa akin ni Krystal kaya naman bago pa nila pag kaisahan si Krystal, sumenyas ako nang huwag. Na huwag na nilang patulan at pagbigyan na lang nila ngayon si Krystal.
"Ayos ka lang ba Dean ko?" Tanong sakin ni Ryder.
"Medyo malakas," tugon ko "pero ayos lang ang importante titigilan na niya tayo, Ryder ko."
Napangiti si Ryder at hinalikan ako sa labi, na labis kong ikinagulat. Hindi ko inasahan ang paghalik sa akin nito sa public.
"Ako lang ito oh, kailangan ipamukha sakin na single ako?" banat ni RJ.
Inalis na ni Ryder ang mga labi niya sa labi ko at ngumiti. Humarap ito kay RJ "RJ, salamat ah. Sobrang malaking tulong ang nagawa mo."
"Wala iyon, sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo tayo lang din" sagot ni RJ.
Humarap ako kay RJ at bumitaw na sa kamay ni Ryder. Nilapitan ko si RJ at niyakap ito nang mahigpit.
Hindi ko kasi alam paano ko ipaparamdam kung gaano ako ka-thankful sakanya ngayon. Hindi ko inakala na magkakaroon ang nang isang tunay na kaibigan na tulad ni RJ. Nahandang makipag sabunutan para sa akin.
"Salamat, girl" ika ko nang bahagyang naluluha.
"Huwag ka umiyak girl, maiiyak din ako. Kainis toh" pagrereklamo ni RJ.
Natawa kaming dalawa at nagyakap pa nang mas mahigpit.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...