Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko sa likuran ko si Ryder. Lumabas ito mula sa banyo. Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa hubad at basa nitong katawan, wala itong suot na kahit na ano.
Nakaramdam ako ng pag-init ng aking mukha, malamang nangangamatis na ang mukha ko sa hiya. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na makakakita sa harapan ko ng hubad na katawan ng isang lalaki.
"Oh narito ka na pala, Dean ko. Kanina pa kita inaantay gutom na ko," ika nito na tila walang paki na nakahubo siya at nakikita ko ang buong pagkatao niya.
Patuloy lang ito sa pagpunas ng tuwalya sa basa niyang buhok. Napatingin ito sa bitbit kong mga inumin na ngayon naman ay nasa sahig na "para sa akin ba iyan?" pagtatanong nito na parang walang mali sa sitwasyon namin.
Napansin na nito na hindi ako sa mga mata niya nakatingin, kung hindi sa kung ano mang nasa gitna ng kanyang mga hita. "Gusto mo ba ang nakikita mo, dyan ka talaga sa ari ko naka focus ah."
Tinakpan ko ang mga mata ko ng aking mga kamay at tumingin palayo, "loko ka, hindi ko sinasadyang mapatingin diyan," sagot ko sa kanya bilang depensa.
"Huli na ang pagtakip mo sa mga mata mo. Sa titig mo kanina alam kong na-memorize mo na ang bawat sulok at kulubot ng ari ko," pang-aasar nito sa akin.
Nakaramdam ako ng kilabot ng bigla nitong hinipan ang aking tenga. Lumapit pala ito sa akin ng dahan dahan habang nakapikit ako at nakatingin sa malayo. Kahit kailan talaga tarantado itong ugok na ito. Napakalakas mang-asar.
Naisin ko man lumingon para tignan kung uulitin pa niya ang pag-ihip sa tenga ko, ayaw ko naman muling makita yung hubad nitong pagkatao. Haist, baka nga hindi ko na ito maalis sa isip ko tulad ng sinabi ng ugok na si Ryder.
"Pwede mo na pong tanggalin ang mga kamay mo sa mukha mo at tumingin dito sa akin, nakabihis na po ako," natatawang sambit nito.
Paano ako maniniwala sa sinasabi niya kung natatawa siya habang sinasabi ito. "Ah ewan, hindi ko alam kung dapat ba ko maniwala sayo. Paano ako makakasigurado na hindi mo na naman ako pinagtritripan," tugon ko na hindi pa rin inaalis ang mga kamay ko sa mukha ko.
Nagulat na lang ako ng kunin nito ang kamay ko at hinawak sa panloob niya sa ibaba. Naramdaman ko ng bahagya ang init ng kanyang ari, agad ko namang hinila pabalik ang kamay ko.
"Kung hindi ka naman ba talaga gagu," asar kong sambit sa ugok.
"Ayaw mo kasi maniwala sa akin, edi pinatunayan ko sayo na may suot na ko," natatawa na namang sagot nito. "Huwag ka na magalit, wala kasi akong ibang maisip na paraan para mapatunayan sayo. Bukod doon gutom na talaga ako, ang tagal tagal mo naman kasi umuwi."
Talaga naman. Nakuha pa akong sisihin. "Oh siya tara na, mag damit ka na. Alangan lumabas ka ng brief lang suot mo."
Ngumiti ito at basang basa ko sa kanyang mukha na may hindi na naman magandang naiisip ang ugok na ito. Parang alam ko na ang isasagot niya. Malamang aasarin na naman ako nito.
"Siyempre hindi, nakalaan lang ito para sa mga mata mo," sagot nito habang nagsusuot ng damit. Lecheng toh, hindi na ko tumama sa pagbabasa ng iniisip niya.
Nang makapagbihis na siya nauna pa itong lumabas sa akin at tinawag ako para magmadali. Ano bang nangyayari? Bakit parang ang kyut-kyut ni Ryder ngayon sa paningin ko?
Habang naglalakad kami at nahahanap ng makakainan, sinisilip silip ko ang mukha ni Ryder. Sini-sigurado ko yung nakita ko kanina pero si Ryder talaga itong kasama ko, eh bakit parang iba yung datingan niya sa akin ngayon?
Lumingon ito sa akin at dali dali akong umiwas ng tingin. Sana hindi niya napansin na tinitignan ko ang mukha niya. Kasi paniguradong aasarin na naman ako nito pagnagkataon.
Sa muli kong pagtingin kay Ryder, nakangiti na ito. Ano na naman kayang nginingiti-ngiti nito? Ano na naman kayang natakbo sa isipan nitong ugok na ito? Teka, bakit ba palagi na lang ako sobrang curious sa kung ano iniisip ng kumag na ito.
Nakakita na kami ng kakainan. Harabas na pumasok si Ryder at humanap na kaagad ito ng pwesto at umupo. Hindi pa nga ako nakakaupo, tinawag na nito kaagad yung kukuha ng order.
Hindi na ito nagsayang ng oras at inilahad na ang mga order niya. Pagkatapos ni Ryder umorder tsaka naman ako pumili ng makakain ko.
Pagkaalis ng kumuha ng order namin ni Ryder, nakaramdam ako ng pagkailang. Tinititigan kasi ni Ryder ang mukha ko ng nakangiti na para bang ang saya saya nito. Ano na naman kayang kabalastugan ang tumatakbo sa isip nito?
"Hindi ko akalain na makaka-date kita ngayong araw, Dean ko," sambit ni Ryder bilang pagbasag sa katahimikan.
Sinasabi ko na nga ba eh may katarantaduhan na naman siya ganap eh. Hindi ba nauubusan ng kalokohan sa katawan itong taong toh?
"Sino naman nagsabi sayo na date ito? Kakain lang tayo dahil hindi ka pa kumakain simula kagabi," sagot ko ng pabalang. Assuming hindi pa ito kumain kagabi kakatago sa mga alipores ni Raven.
"Sus, ganun na rin iyon. Nahiya ka pang aminin," aba'y kagaling talaga mambuwiset. Minsan gusto ko na talagang sapakin ito ulit.
Ayoko ng patulan ang pang-aasar niya kaya naman binago ko na lang ang topic at itinanong kung ano ba ang mga nangyari kagabi.
Sa una halatang nag-aalangan itong magkwento sa akin na tila ba nakakaramdam siya ng hiya. As if meron naman siya nun, tigil-tigilan niya ko. Wala iyon sa pagkatao niya.
Nung makaalis daw ako pauwi, sinubukan na rin niyang bumalik sa dorm niya. Ngunit mula pa lang daw sa malayo habang naglalakad siya, nakita na niyang napapalibutan na ang building ng dorm niya ng mga alipores ni Raven.
Kaya naman minabuti niyang umalis kaagad at magtagong muli. Naisipan daw niya na kila Marco, Jaxon o, Cameron pumunta pero, kinutuban siya na malaki ang posibilidad na may mga nakaabang na din doong mga alipores ni Raven.
Hindi daw niya namalayan na sa paglalakad niya ay dinala siya ng mga paa niya sa tapat ng pintuan ko. Medyo malalim na daw ang gabi ng mga oras na iyon kaya naman minabuti niyang hindi na lang ako istorbohin.
Labis labis na daw ang pagkapagod niya pero napagdesisyonan daw niya na magpahinga na lang muna ng bahagya at umalis din kaagad.
Pagkaupo daw niya sa sahig nakaramdam daw siya ng pagka-curious sa lagay ko kaya naman itinapat niya ang tenga niya sa pinto ko at pilit pinakikinggan kung anong ginagawa ko sa loob ng bahay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog siya sa sobrang pagod. Tapos kinabukasan naabutan ko na siyang natutulog sa may tapat ng pintuan ko.
Bahagya akong nakaramdam ng awa at pag-aalala sa kwento ni Ryder. Gusto ko magalit na bakit hindi na lang siya kumatok?
Nahirapan ako makatulog nun kakaisip sa kanya tapos all along naroon lang pala siya sa tapat ng pinto ko sa labas. Hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin kaya naman pinili ko na lang manahimik.
Pagkatapos niya magkwento nabalot ng katahimikan ang paligid at dumating na ang pagkain namin. Matahimik kaming kumain, wala sa aming naimik ng kahit ano. Pakiramdam ko tuloy nasa library kami.
Nang matapos kami kumain, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero gusto kong pagaanin yung mood.
"Ano bang klaseng date toh, hindi naimik yung ka-date ko," pang-aasar ko.
Tumingin ito sa akin na tila ba naguguluhan sa narinig niya o baka naman hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nag-makeface ako at tsaka siya napangiti. Mukhang alam niyang sinusubukan ko siyang pangitiin dahil napailing ito.
Tumayo na ito at ginulo ang buhok ko. "Hindi mo kailangan gawin yan para sa akin baka umasa ako niyan," pagbabanta nito sa akin.
"Ikaw kasi ang tahimik mo, hindi ako sanay," depensa ko.
"May iniisip lang ako. Pasensya na."
Ano daw, pasensya na? Jusko po may sanib ata itong si Ryder? Parang wala namang ganoon sa bokabularyo niya, saan niya kaya iyon natutunan?
Bigla akong napatayo sa naisip ko. "Ryder, siguro masmakabubuti kung sa dorm muna kita magpalibas ng gabi. Hindi natin masasabi kung safe na ba bumalik ngayon sa dorm mo." Pagsambulat ko ng suhestiyon ko.
Nakatingin lang naman sa akin si Ryder at hindi nasagot, nagulat ata sa aking sinambit. "Iyon ay kung gusto mo lang naman," pagbawi ko ng bahagya.

BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...