Kukumbinsihin ko na sana si Cameron na wala namang kaso na magkasama sila ni Marco sa isang kwarto ng biglang "Hoy, ang dami mong arte pumasok ka na dito sa kwarto" pagsigaw ni Marco mula sa isang kwarto na pandalawahan.
Hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin ko kay Cameron sa pagkakataon na ito kaya naman nginitian ko na lang siya at ngumiti naman siya sa akin pabalik.
Sa hindi mawaring dahilan parang bahagyang umaliwalas ang mukha ni Cameron o baka ako lang iyon.
Tumungo si Cameron at dumaan sa amin ni Ryder. Dere-derecho ito na parang bata na tinawag ng kanyang magulang.
Nang makapasok na sa loob ng kwarto nila si Cameron, nagkatinginan kami ni Ryder na tila parehas naguguluhan sa nangyari. Napailing kaming dalawa at nagtungo na sa aming kwarto.
Agad agad kong nilapag ang dala-dala kong gamit at nahiga sa kama na parang ito ang unang beses na makakahiga ako dito.
Sobrang sarap at kumportable, pakiramdam ko ay niyayapos ako nito at nagdudulot para ako'y makaramdam ng pagkaantok.
Kaya naman naisipan kong pumikit panandalian.
Narinig kong nilapag na ni Ryder ang gamit na bitbit niya, naramdaman kong kasunod ang paglubog ng kama sa may tabi ko. Sinyales na tumabi ito sa akin.
Nais kong silipin si Ryder at tignan kung anong ginagawa ngunit masyadong mabigat ang pakiramdam ng aking mga mata kaya hindi ko ito nagawa.
Nakaramdam ako ng kuryente sa aking buong katawan ng maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Ryder sa aking mga labi.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang maamo na mukha ni Ryder na nakatapat sa aking mukha. Nakangiti ito sa akin na naghatid ng init sa aking mga pisngi.
"Mahal na mahal kita, Dean ko. Lagi mo iyan tatandaan" sambit nito sa akin na halos pabulong.
Niyakap niya ko ng napakahigpit na tila yakap niya ang isang sanggol na natatakot siyang mahulog.
Sa mga simpleng pagkakataon na ganito, hindi ko maiwasan maisip na walang duda ang pagmamahal sa akin ni Ryder.
"Mahal na mahal din po kita, Ryder ko" tugon ko sa tinuran sa akin ni Ryder at muli ako nitong hinalikan pero ngayon sa noo ko naman.
"Ay, jusko ang aga aga pa. Mamaya na kayo ghorl mag chukchakchenes at magkumembular ni Ryder" banat ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto.
Bumangon ako ng bahagya upang silipin ang bumanat, nakita kong nakapamewang si RJ sa may pintuan ng aming kuwarto. Kasunod nito ay si Jaxon na handang handa na maligo sa dagat.
Nakatrunks na ito at topless. May dala-dala din itong salbabida at naka sunglasses pa; hindi naman masyado prepared ang kaibigan ko.
"Ano pang tina-tanga niyo dyan? Tara na at maligo sa dagat!" pagsigaw ni Jaxon na halatang sabik na sabik na magtampisaw.
"Oo na susunod na kami ni Ryder, magpapalit lang din kami muna"
"Bilisan niyo ah, baka mag quick silver pa kayo, panood ako. Charot" sambit ni RJ bago ito sumunod sa tumatakbong si Jaxon.
Napaisip tuloy ako nasaan na kaya yung dalawa? Nasaan si Cameron at Marco, bakit hindi nila kasama sila Jaxon? Tawagin na lang siguro namin after namin magbihis.
Nagpalit na ko ng pang beach OOTD (Outfit of the day) ko at gayon din si Ryder. Napaka kyut naming tignan dalawa. Kasi naman naisipan ni Ryder bumili kami ng ternong beach shorts, trunks, summer polo at sandals. Mukha kaming kambal.
Lalo na si Ryder, ang kyut niya sa suot niya lalo na yung nahihiya siya at hindi kumportable sa suot niya. Naiilang daw siya at medyo bumabakat yung junior niya sa shorts.
"Dean ko, magpalit kaya ako?"
"Maganda naman ah, ayaw mo lang atang terno tayo."
"Hindi sa ganoon Dean ko pero kasi nahihiya talaga ako."
"Okay lang yan, hayaan mo silang magsawa kakatitig diyan ang importante sa akin lang yan."
Nakita kong napangiti si Ryder sa mga tinuran ko "ayan ah, tuwang tuwa."
"I Love You, Dean ko."
"I Love You too."
Nagngitian kami at nagtungo na papunta sa kwarto nila Marco at Cameron. Nang malapit na kami napansin namin na medyo tahimik sila; nakatulog siguro sila.
Nagulat kami ni Ryder ng marinig namin ng napakahina mula sa loob ang paguusap nila na halos pabulong.
"Hindi ba pwedeng bumalik tayo sa dati?" pagtatanong ng isang boses.
"Pagkatapos mong umamin na may gusto ka sakin, nais mo tayong bumalik sa dati ng ganun-ganon lang?"
Nagkatinginan kami ni Ryder mukhang alam na namin bakit hindi sila niyaya nila RJ at Jaxon na magpunta sa tabing dagat para magtampisaw.
"Ngayon pa na parang satingin ko mahal na din kita..." pagpapatuloy ng isang boses mula sa loob ng kwarto na marahil ay si Marco.
Mukhang may mabubuong relasyon ngayon sa outing namin na ito ah. Nakakakilig naman ang dalawang ito. Nakakainis kasi napaka in denial kasi nito ni Marco eh.
Nagpasya na kami umalis at baka kung ano pa ang sunod naming marinig ni Ryder. Bumaba na kami kaagad at nagtungo sa pinaroroonan nila Jaxon at RJ.
Hindi ko maiwasan mapa-WOW sa suot ni RJ. Hindi ko akalain na sa likod ng suot niya kanina eh naka kubli ang pulang two piece bathing suit niya.
Pero ang pinaka nakakamangha dito eh nasan napunta ang ibong pitpit? Wala itong ka-bakas bakas.
Napalingon sa amin si RJ at nagpo-pose na parang isang modelo. Napahinto kami ni Ryder at hindi namin alam ang gagawin.
Huminto ito at tinignan kami ng masama "sayang ang mga pose ko sainyo, picturan niyo naman ako."
"Kambal kayo?" banat ni Jaxon mula sa may dagat habang nagtatampisaw.
"Hoy shokoy, di ka namin kausap" pabalang na sagot ni Ryder kay Jaxon.
Minsan napapaisip ako kung magkaibang tao ba yung Ryder na sweet sakin at yung Ryder na matalim magsalita sa mga kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at hindi napipikon masyado sa kanya ang tatlong mokong.
"Guys, would you like to drink alcohol later?" Pasigaw na tanong ni Ronan mula sa malayo.
Sabay sabay kaming lumingon sakanya.
"Oo naman, hindi kumpleto ang outing ng walang lasing!" pasigaw na tugon ni RJ.
Aba mukhang malakas maginom itong si RJ, game na game.
"Okay, I'll ask the helpers to buy us drinks for later"
Bumalik na si Ronan sa loob.
"Ano kanya kanya na tayo?" banat ng isang boses mula sa may bandang bahay.
"Aarte pa imbis na pumunta na dito?" sagot ni RJ kay Marco; napaka walang hiya talaga ng mga sagutan nito ni RJ.
"Sorry, someone's sleeping kasi kanina. Nakakahiya baka maistorbo" ika ni Cameron.
Aba, mukhang ayos na ang dalawa.
"Ay, sus kaya pala nagpayapos habang nakahiga" pangaasar ni Marco kay Cameron na kulay kamatis na ang mga pisngi.
"Tara na nga sa baba at baka kung anu ano pang kalokohan ang sabihin mo dito at i-announce pa sa buong baranggay."
Mukhang magiging masaya ang outing na ito ah, hindi pa kami masyadong nagtatagal pero nagkaayos na agad yung dalawang mokong.
Mapapansin mo ang saya sa mga mukha namin ng masaksihan na ayos na ang dalawa kahit pala papano affected kaming lahat na hindi okay sila Marco at Cameron nung nakaraan.
Ang sarap sa pakiramdam para akong nabunutan ng tinik marahil ganoon din ang pakiramdam nila.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...