Kabanata XLIV

57 7 10
                                    

Kaagad namang nagaya maglaro ng beach volleyball si Marco pagkababa mula sa terrace. Sakto naman ang pagdating ni Ronan at kaagad naman itong sumangayon sa suhestiyon ni Marco.

"Sobra na tayo ng isa, hindi na magiging patas ang laro," pagaalala ni Cameron.

"Sus, kahit magsama pa silang apat laban sa ating tatlo ni Jaxon hindi pa rin sila mananalo," pagyayabang ni Marco.

"Sana all strong" pangaasar ni RJ.

"Sounds like minamaliit mo ata kami," nakangiting wika ni Ryder na may halong paghahamon.

"Lalampasuhin namin kayo," hirit ni Ronan at doon na nga nagumpisa ang laban sa pagitan namin at sa grupo ni Marco sa larangan ng volleyball.

Habang inaayos nila Ryder at Jaxon ang net, maririnig ang pagaalala ni Cameron sa binti ni Marco. Nakakagulat ng hawakan ni Marco si Cameron sa ulo na parang sinasabi nito na huwag kang magalala sa akin.

Hindi ko maiwasang mapatitig at ngiti sa aking nasaksihan, napansin naman ito ni Marco at biglang tinulak ang ulo ni Cameron palayo.

"Kaya ko sarili ko, bansot" ika ni Marco at tumalikod habang nangangamatis ang kanyang mukha.

Halata namang naguguluhan si Cameron sa inaasal ni Marco at napahinga na lamang ng malalim na tila tanggap niya na ang pabago-bagong mood na pinapakita sa kanya ni Marco.

Bago magumpisa mapapansin ang ngiti sa kanilang mata pati na rin ang apoy na nagniningas mula sa kanila. Mukhang seryoso sila sa kumpetisyon na ito.

Pagkatapos mag warm up handa na ang lahat at pumwesto na sa kani-kanilang mga posisyon. Makikita ang ngiti ni Marco na halatang confident na sila ang mananalo. Mapapansin naman sa may tabi niya banda si Cameron na mukhang nagaalala, hindi ko nga lang alam kung sa laro ba o sa binti ni Marco.

Lumapit si Jaxon at Ryder sa may gitna malapit sa net. Kumuha ng barya si Jaxon at tinanong si Ryder, "Tsa o Tsob?"

"I'm the head so heads" ika ni Ryder ng may pagyayabang.

Initsa ni Jaxon ang barya at sinalo, parang hindi ako makahinga sa kaba kung ano ang lumabas. Nakatingin ang lahat sa kamay ni Jaxon at inaabangan ang pagalis ng mga palad nito sa barya.

Inalis na ni Jaxon ang palad niya at nakita na nakaharap ang tao. Napatili si RJ sa tuwa habang napasigaw naman si Jaxon sa gulat.

Inisa-isa ko silang tignan wala sakanilang natawa at halatang handa na ibigay ang lahat nila para sa laro na ito. Mas kinakabahan pa ko rito kaysa nung sa sportsfest.

"Bros, can we just relax a bit? We're here to have fun, diba?," pagbasag ni Cameron sa katahimikan.

Tinignan siya ni Marco at ngumiti "oo naman, we will have fun. Papakainin natin ng bola ang mga yan."

"Ingay daming satsat," pagbasag ni Ryder kay Marco ng nakangisi.

Nagumpisa na ang laban at napakainit na agad nito. Mapapansin na halos ayaw na patirahin ni Marco ng bola si Cameron at lagi rito nakikipag-switch.

Habang si Jaxon naman ang panay ang hataw at bira sa bola, na siya namang sinasalo ni RJ na parang nagba-ballet. Si Ronan at si Ryder naman ang panah ang bira sa bola pabalik. Hindi ko aakalain na ganito kahuhusay ang mga ito. Bakit kaya hindi na lang sila bumuo ng volleyball team nung sportsfest?

Patuloy ang balikan ng bola at puntos ng bawat kupunan. At sa huling set ng laro, nagpangabot ang puntos nila Marco at ng grupo namin.

Mapapansin na ang pagod sa kanilang mga mukha pero halatang nageenjoy ang lahat. Sa totoo lang kahit ako labis na nageenjoy ngayon. Sa sobrang competitive ng mga ito nalaman ko tuloy na marunong din ako mag volleyball. Ilang beses din akong sumalo ng bola at sinet kay Ryder na gigil na gigil pinapalo ito pabalik sa kabilang court.

Nang masalo ni RJ ang bola sinet niya ito kay Ronan na siya namang tumalon ng buong pwersa. Agad na umatras papunta sa likod si Marco para abangan ang palo ni Ronan. Ngunit hindi niya ito pinalo kung hindi si Ryder na lumundag rin pala sa may bandang likuran ni Ronan. Napapikit ako dahil halatang mahina ang pagkakapalo ni Ryder sapagkat hindi sapat ang bwelo nito para makamit ang surprise attack nila. Pag mulat ko ng mata nakita ko ang bola na papunta kay Cameron na nasa harapan magisa. Malayo si Marco at Jaxon kaya naman hindi nila masasalo ang tira, pumikit si Cameron at sumigaw ng "mine" at tinira pabalik ang bola.

Nagulat ang lahat at napatingin kay Cameron. Sapagkat natamaan niya ito at pumasok sa court namin ng hindi inaasahan. Nanalo sila Marco dahil sa pagsalong iyon ni Cameron ng bola. Sa sobrang tuwa ni Marco, tumakbo ito papalapit kay Cameron na halatang hindi makapaniwala na siya ang nagpanalo sa laro. Biglang hinalikan ni Marco sa pisngi si Cameron sa sobrang galak at nagsisigaw ng panalo tayo.

Hindi umiimik si Cameron pero halatang kinilig sa ginawa sakanya ni Marco. Napansin ni Marco na nakatitig sakanya ang lahat dahil sa ginawa niya.

"Anong tinitingin tingin niyo? Gusto niyo rin ng kiss?" Maangas na ika ni Marco. Lumingon ito kay Cameron at Jaxon, "tara magse-celebrate tayo!"

Nakakatuwa at mukhang hindi naman nakaapekto ang laro namin kanina sa samahan. Ang saya saya na ulit naming lahat na tila hindi nagkakainitan kanina sa laro.

Nag-aya na si Ronan pumasok sa bahay upang maghapunan at maghanda para sa bonfire inuman trip mamaya. Halatang excited na ang lahat at kung anu ano ng naiisip nilang mga drinking game. Personally napaka-competitive ko rin kaya naman hindi ako papatalo sa mga ito.

Matiwasay na dumaloy ang oras ng hapunan. Walang gumawa samin ng komosyon, marahil dahil ang lahat ay napagod sa mainit na laro kanina at nagbabawi ngayon ng lakas para mamaya sa inuman.

Bumalik na muna kami sa kanya kanya naming mga kwarto upang magpahinga. Nakakatuwa isipin na totoong nakapag outing kami at nag e-enjoy, salamat na rin kay Ronan at sa bahay bakasyunan nila.

Naisipan kong bumaba para tumulong sa pagaayos ng pwesto na pagiinuman namin. Sasamantalahin ko ng pagod ang loko at madaling nakatulog ng mailapat ang ligo niya sa kama.

Nakita ko si Ronan at bago pa man ako magpresinta para tumulong inutusan ako kaagad nito" Dean mag-igib ka naman ng tubig natin sa banyo. Naalala mo nung sinabi kong manual ang bahay na ito, ayon, kailangan natin magigib ng tubig sa poso sa labas." Wala naman saking kaso dahil iyon naman talaga ang dahilan ng pagbaba ko ang makatulong. Kaya naman tumango lamang ako bilang tugon at dumerecho na sa banyo.

Kinuha ko na ang mga timba at napansin ang isang drum sa loob ng banyo, marahil ito ang kailangan ko punuin para may tubig kami. Paglabas ko nakita ko na busy ang lahat ng helper ayusin ang pwesto namin sa bonfire kaya siguro wala ng mautusan si Ronan na iba para mag-igib.

At nang matapos ko punuin ang dram sa banyo ng tubig, kaagad akong nakaramdam ng pagod. Napansin ko si Ronan sa likuran ko na papalapit sa akin.

"Salamat Dean, sabi na eh ikaw ang maaasahan ko mag-igib ng tubig, ikaw lang kasi ang naisip ko na sanay sa mga gawaing pisikal," naka ngiting wika ni Ronan sa akin; bakit ganoon, pakiramdam ko nilait niya ko o baka masyado lang akong sensitive? Wala naman siguro siyang masamang ibig sabihin. Nakita ko si RJ at Jaxon na naghaharutang pababa ng hagdan, "siya nga pala Dean, tinawag ko na silang lahat para maghanda sa inuman session natin. Tara na sa labas?"

"Ah, magpapalit muna ako pawis na pawis na yung damit ko at medyo nabasa din," tugon ko kay Ronan.

"Sige, sunod ka na lang sa labas after mo magpalit."

"Ay, mader may bago kang sis?" banat ni RJ.

"Basta ako unggoy," pag singit ni Jaxon.

"Alam na namin iyon. Wait ka namin sa labas mader, wag na mag quickie," natatawang sambit ni RJ at hinila na si Jaxon papunta sa labas.

Umakyat na ko at nagtungo sa kwarto namin ni Ryder na kasalukuyang nagbibihis; teka, iyan din yung suot niya kaninang damit, hindi ba?

"Saan ka galing, Dean ko?" Nakangiting sambit nito at naglakad palapit sa akin, "ikaw talaga" sabay halik sa aking mga labi; hindi ko naiintindihan ang nangyayari pero kinikilig ako.

"Tumulong lang ako sa baba, Ryder ko. Hindi na kita inistorbo para makabawi ka ng pahinga."

"Talaga lang ah," nakangising tugon ni Ryder. "Oh siya magbihis ka na Dean ko para sabay na tayong bumaba."

Nagpalit na ko ng damit at iwinaksi na sa isip ang mga aksyon at sinasabi ni Ryder na hindi ko mawari.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon