Kabanata XXXV

50 9 6
                                    

Naisipan namin ni Ryder daanan muna si Marco bago kami pumunta sa school at mag cheer kay Jaxon, hindi kasi conflict yung 1st game ni Jaxon sa game ko.

Pagdating namin nang ospital, dumeretso agad kami sa kwarto ni Marco. Naabutan naming mahimbing ang tulog nang dalawa. Mapapansin ang sarap nang tulog ni Cameron, humihilik pa ito habang nakapulupot kay Marco.

Kagabi lang naikuwento sakin ni Ryder, naabutan niya ang dalawa na magkatabi na nanunuod nang palabas tapos, ngayon naman naabutan namin sila na magkatabi at nakayapos pa na natutulog.

"Hoy!" Natatawang sigaw ni Ryder sa dalawang natutulog pag pasok namin sa loob nang kwarto, "mga mahaharot!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o magaalala sa magiging reaksyon nang dalawa. Nagising si Marco na gulat na gulat, dali dali nitong itinulak palayo si Cameron.

"Hayop itong biik na ito, napaka mapagsamantala" wika ni Marco na kunwari ay naiirita kay Cameron.

Nagising nang bahagya si Cameron, habang tinutulak siya ni Marco. Nakasimangot ito at masama ang tingin kay Marco.

Lumingon ito sa amin ni Ryder, nginitian naman namin siya at bumalik na ang tingin nito kay Marco. Pagkatapos nang ilang segundo, lumingon ito ulit sa amin. Ngumiti at kumaway naman kami ngayon ni Ryder.

Nanlaki ang mga mata nito na tila bumalik na ito sakanyang ulirat. Dali dali itong bumangon at nag ayos.

"No need for that, Cameron. Nakita na namin nang Dean ko ang lahat" pang aasar ni Ryder.

Namula si Cameron na tila nagkulay kamatis sa hiya, "siraulo ka, Ryder" tanging tugon nito.

"Salamat sa pagdalaw sakin kahit na makakalabas na rin naman ako mamaya," ika ni Marco ,na hindi ko inexpect na gagawin niya. Nakangiti ito habang halatang pinipigilan ang sarili na ipakita na naantig ang puso niya sa pagdalaw namin.

"Mukhang nabagok ulo mo Marco ah" pang aasar ni Ryder, " Pinilit lang naman ako nang Dean ko dalawin ka at si Cameron."

"Ryder ko, grabe naman sa pinilit. nagsabi lang ako" depensa ko.

Napansin kong nagbago ang mukha ni Marco pero hindi ko mawari kung anong natakbo sa isip nito ngayon. Bahagya akong nakaramdam nang kaba nang ngumiti ito; putek, may naisip na itong pambawi samin ni Ryder.

"Lumapit nga kayong dalawa dito," sambit nito habang sumesenyas samin ni Ryder na lumapit "mga hayop kayo, may AGS kayo."

AGS? Ano yun?

Natatawang huminde si Marco pero ayaw nitong pumayag at maniwala. Ipinagpipilitan nito na meron at kitang kita ito.

Napansin kong naguguluhan din si Cameron sa pinaguusapan nang dalawa. Mukhang silang dalawa lang nakakaalam nang sinasabi nilang AGS.

Nagkatinginan kami ni Cameron, halatang sa isip niya tinatanong niya ako kung alam ko yung tinutukoy nang dalawa na AGS. Parehas kaming nabigo malaman ang kasagutan sa tanong namin.

"Ayan mga laking bundok, hindi alam ang AGS" pangungutya ni Marco samin ni Cameron.

Napansin kong pigil na pigil na sa tawa niya si Ryder. Namumula na ito at maluha-luha pa; napaka hayop parang sayang saya pa na pinagtatawanan kami ni Marco.

Sumimangot ako at tinignan nang masama si Ryder; ewan ko na lang kung hindi makuha sa tingin ang loko na ito.

Pansin sa mga tingin sakin ni Ryder na tinatansya niya kung gaano na ako kapikon kaya naman naisipan kong magwalkout kunwari.

Tumalikod ako at humarap sa pinto at humakbang palabas nang kwarto. Agad ko namang naramdaman ang paghawak ni Ryder sa aking mga kamay.

Napangiti ako pero hindi ko ito ipinahalata. Dahan dahan kong binura ang ngiti sa mukha ko bago ako muling lumingon sakanila.

"After Glow Sex, Dean ko" sambit ni Ryder na nakatingin sa aking mga mata, ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi nito.

Biglang pumasok sa kokote ko ang ibig sabihin nang AGS, bigla kong naalala ang nangyari kanina. Naramdaman ko ang paginit nang aking mga pisngi.

"Hayop, ang lalaswa niyo!" patuloy na pangaasar ni Marco.

Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa pangaasar sa akin ni Marco. Parang gusto ko takpan ang mukha ko o kaya kainin na lang nang lupa sa sobrang hiya.

"Loko Marco, alam mo namang wala sa isip namin yan nang Dean ko. Masarap at mahusay lang talaga yan magalaga kaya ang fresh namin today" depensa ni Ryder.

"Kilala kita, Ryder" tanging tugon ni Marco, sabay tumawa.

Kinamusta na namin ang lagay ni Marco at kung kakayanin na nito maglaro para sa finals ngunit, sumingit kaagad si Cameron at pinagbawalan si Marco na pwersahin ang paa niya.

Hindi daw porket makakalabas na si Marco ay puwede na agad itong maglaro, mas delikado daw kung mapwersa at lumala ang lagay nito.

Sakto naman ang pagdating nang nurse sa kwarto. Lumapit agad dito si Cameron at hiningi ang panig nito; kakaiba talaga ang pagaalala ni Cameron kay Marco.

Inihayag na rin nang nurse ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Marco habang pinapagaling ang paa nito. Mapapansin na sobrang ninanamnam ni Cameron ang bawat salita na sinasabi nang nurse; tiyak ako mala-monitoring officer ang labas nito ni Cameron.

Nagpaalam na din kami ni Ryder kay Marco at Cameron para pumunta sa unibersidad at may paparating pa ako na laro sa badminton.

Nais ko din kasing makapag ensayo para manalo. Bigla ko tuloy naalala, nakita ko si Ryder at si Krystal na magkasama nung huling laro ko kaya naman nawala ako sa pokus na siyang naging dahilan nang pagkatalo ko.

Habang naglalakad kami sa hallway nang ospital ni Ryder, hindi ko napigilan itanong dito kung ano at saan sila nag punta ni Krystal habang nasa kumpetisyon ako.

Humarap ito sa akin at ngumiti, "curious ka? Sabi nila may mga bagay na hindi na dapat malaman kasi kapag nalaman mo masasaktan ka lang."

Nakaramdam ako nang konting kirot sa aking puso tila kasi may nililihim sa akin si Ryder, base sa mga sinambit niyang mga salita.

Napansin ata ito ni Ryder kaya naman hinawakan nito ang ulo ko at tsaka ginulo ang buhok ko, "dami mong iniisip, nakalukot yang mukha mo. Pinanood kita sa malayo sa lahat nang laro mo kaya, pasensya na Dean ko kung natalo ka kasi nakita mo kami ni Krystal nun. Sakto kasi na nahanap ako ni Krystal sa pinagtataguan ko habang nanunood sayo, kaya naman minabuti ko na lang lumisan, sumunod naman kaagad sa akin si Krystal at sakto namang napansin kong napatingin ka samin habang naglalakad kami palayo."

Mapapansin ang lungkot sa mga mata ni Ryder habang nagkukuwento at nagpapaliwanag sa mga nangyari. Hindi naman maipagkakailang nakaramdam ako nang ginhawa sa ikinuwento sa akin ni Ryder.

Ngumiti ako para ibsan ang lungkot sa mukha ni Ryder at nagpasalamat sa suporta niya sa akin kahit hindi ko ito alam. Pansin namang umaliwalas ang mukha nito sa mga sinambit ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang aking noon. Parang sandaling huminto ang paligid sa ginawa ni Ryder. Sa simpleng mga aksyon na iyon naramdaman ko ang labis na pagmamahal nito; paano kaya nagagawa iyon?

Naramdaman kong hinatak na ako ni Ryder ni bahagya upang magpatuloy na sa paglalakad. Makikita na sa mga mata nito at labi ang kasiyahan, hindi ko naman maiwasang mapangiti din at nagpatuloy na sa paglalakad.

Wala na akong pakialam sa mga makakakita at makakaalam kung ano ang meron sa amin ni Ryder ang sakin lang gusto ko na sulitin ang bawat minuto at sandali na kasama ko si Ryder. Sa bawat araw na lumilipas lalo ko siyang minamahal.

"I love you, Ryder ko."

"I love you too, Dean ko" tugon nito sabay ngiti nang napaka tamis. 

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon