Kabanata VIII

69 7 10
                                    

Tumambad sa aking harapan ang walang malay na si Ryder. Buong gabi ba siyang narito sa may pintuan ko? Mukhang hindi siya bumalik sa dorm niya kasi suot suot niya pa rin ang uniporme niyang may mantsa ng dugo mula sa pagsapak sa kanyang labi.

Agad akong umupo at tinignan kung ano ba ang kalagayan niya. Mukha namang wala siyang ibang natamong sugat, kaya naman nakakasigurado akong hindi siya nahanap nila Raven kagabi.

Pero anong ginagawa niya dito sa labas ng kwarto ko?

Binuhat ko ito at sinubukang dalhin sa aking higaan. Napakabigat naman ng taong ito. Ano ba kinakain nito bato? Halos kinaladkad ko siya patungo sa aking kama.

Napakaamo talaga ng mukha niya habang natutulog. Haist, Dean. Ano bang tumatakbo sa isipan mo. Tigilan mo nakakadiri.

Kumuha ako ng towel at bahagyang binasa tsaka ko ipinunas kay Ryder. Medyo madungis na kasi ang ugok na ito. Buong gabi ata siyang nagtatatakbo at nagtatago.

Bakit kasi hindi na lang siya sumama sa akin kahapon dito sa bahay kung dito din naman pala siya pupunta? Malamang hindi alam ni Raven na dito siya sa akin pupunta kaya naman dito niya naisipan magtago.

Hala, si Bea nga pala! May tutorial session kami ngayong umaga. Hayaan ko na nga lang muna magpahinga dito si Ryder. Mukhang kailangan niya makabawi ng lakas.

Itinigil ko na ang pagpunas sa ugok at tumayo na para itabi ang basahan. Bigla akong nakaramdam ng paghila sa aking damit. Napansin kong nakakapit sa damit ko ang ugok na si Ryder. Siguro nananaginip ito at hindi sinasadyang humawak sa aking damit nung pinupunasan ko siya.

"Pwede bang huwag mo na lang ako iwan?" bulong nito habang nakapikit. Nagtutulog tulugan lang ba ang ugok na ito? "Please," pakiusap nito.

Sinagot ko na lang kahit hindi ako sigurado kung gising ba ito o nananaginip lang. "Kailangan ko umalis, may nag-aantay sa akin. Ikaw, dumito ka muna dahil kailangan mo magpahinga. Delikado kung babalik ka ngayon sa dorm mo. Kaya maparito ka muna."

Tumango naman ito at bumitaw na sa kanyang pagkakapit sa akin. Buti nadaan sa pakiusap. Akalain mo iyon, pwede pala makausap ang ugok na ito ng maayos. Kapag tulog nga lang.

Niyakap nito ang isa pang unan kaya naman nagmadali na ko itabi ang pamunas para makaalis na.

Late na akong dumating sa oras ng usapan namin ni Bea. Pinaliwanag ko naman dito na may nangyari lang na emergency kaya naman inasikaso ko muna saglit.

"Sorry talaga ah, babawi na lang ako sayo. Anong gusto mo ililibre kita," ika ko kay Bea na masugid na nakikinig sa paliwanag ko.

"Mmmm... wala akong maisip. Ikaw na lang mag-isip ng gusto mong ilibre sa akin," tugon nito ng nakangiti.

Napakabait naman talaga nitong si Bea ni hindi ako nakaramdam ng pagkainis mula sa kanya kahit pinaghintay ko siya ng matagal.

"Sige akong bahala," tumayo na ako at lumapit sa cashier para umorder ng inumin namin. Mula dito sa kahera tinitignan ko si Bea para talaga siyang isang angel.

"Girlfriend mo, sir?" pag-uusisa ng kahera.

"Ang ganda noh? Kung papalarin bakit hindi," tugon ko sa kahera ng nakangiti.

Inabot na sa akin ng kahera ang order namin at nag-iwan ng salitang tila bumaon sa aking isipan. "Sa ganda niyang yan sir, hindi malabong maraming nanliligaw dyan. Kung ako sa iyo hindi ko na iyan papakawalan."

Tama yung kahera, hindi naman pwedeng wala akong ginagawa at tila nag-aabang lang ng biyaya. Dapat kumilos na ko habang may pagkakataon pa, mahirap na at baka maunahan pa ko ng iba.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon