Kabanata XXI

43 8 9
                                    

Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig nang makita si Raven sa pintuan nang classroom. Nalungkot ako dahil nangako sakin si Ryder kanina nasusunduin niya ako at siya ang maghahatid sa akin pauwi sa dorm ko.

Nakakainis talaga iyong lalaki na iyon, pinagtritripan lang siguro talaga ako ni Ryder. Mukha akong tanga na umaasa sa pangako niyang binitawan. Napaka uto-uto ko talaga.

Hindi ko na alam kung kay Ryder pa ba ako naiinis o sa sarili ko na. Hindi ako makapaniwala na muntik na kong mahulog nang tuluyan sa Ryder na iyon.

Pinulot ko na ang mga nalaglag na gamit ko at naglakad palapit kay Raven. Nawalan ako nang lakas nang loob harapin ang mga kaibigan ko ngayon, pakiramdam ko napahiya ako. Kaya naman hindi ko na sila nilingon at nagpaalam lang na mauuna na akong umuwi sakanila.

Niyaya ko na si Raven umalis. Hindi ko alam kung gaano ko katagalan makakayanan magpanggap na okay lang sa harap nang mga kaibigan ko. Ayoko naman silang mag alala pa para sa akin.

Nang makalayo na kami ni Raven nang bahagya narinig kong nagtanong si RJ sa tatlong mokong kung anong nangyari. Siguradong naguguluhan siya sa naging reaksyon ko sapagkat hindi naman siya sumabay nang lunchbreak samin kanina.

Baka may pinagkakaabalahan si RJ.

Nagpatuloy na kaming maglakad ni Raven, hindi ko alam pero napaka uncomfortable ko ngayon kasama si Raven. Ibang iba yung dating niya ngayon.

Hindi kaya ako lang nagiisip noon dahil sa kuwento na narinig ko mula kay Cameron kaninang lunchbreak?

Kung iisipin mo si Raven at Cameron pala magkaibigan na noon pa, tapos umeksena si Ryder kaya biglang umiwas na si Raven sa kanila.

"Bakit kaya?" sambit ko nang hindi ko namamalayan.

"Anong bakit kaya?" pagtatanong ni Raven sa tinuran ko.

Hindi ko tuloy alam paano lulusutan ito. Ayoko namang magalit si Raven at isipin na pinagchichismisan namin siya. Ayokong dagdagan yung gap na nabuo nilang tatlo nila Ryder at Cameron.

"Hmmm... wala iyon" turan ko. Halata naman sa mukha ni Raven na hindi kumbinsido sa sagot ko kaya naman naisipan ko na magtanong na lang dito. Gusto ko marinig ang version niya nang nakaraan nila nila Cameron at Ryder. "Mangako kang sasagutin ako nang tapat at hindi magagalit."

"Mukhang seryoso ata iyang itatanong mo sa akin" natatawang sagot ni Raven na halatang pinapagaang lang ang mood."Sige Dean, I promise to answer you with all honesty. Hindi ko lang sigurado yung sa part na hindi magagalit."

"Edi huwag na lang" pagtatampong sagot ko.

"Biro lang kasi. Hindi ako magagalit kahit anong itanong mo, okay?" ngumiti si Raven sa akin at tinagilid ang ulo para makinig sa mga sasabihin at itatanong ko.

Kaya naman naglakas loob na ko na magtanong. Huminga muna ako nang malalim at kumuha nang buwelo. "Raven, I want to know more about you. Hindi ko lang kasi maintindihan. Nakikita ko ang good side mo at mukhang magkakasundo naman kayo ni Ryder if gugustuhin niyo but for some reason may kung anong force na pinipigilan mangyari iyon."

Napahinto ito sa paglalakad. Hindi niya rin siguro alam kung paano sasagutin ang tanong ko pero masyado na akong nahihiwagaan. Gusto ko silang maintindihan at makilala pa nang lubos.

Napansin kong napalunok ito bago tumingin sa akin. Ang dami sigurong natakbo sa isipan niya ngayon. Halata rin sa mukha nito na hindi siya kumportable sa mga katanungan ko pero nangako siya kaya alam kong tutuparin niya iyon.

Nagumpisa na itong magpatuloy sa paglalakad at magkwento. Inumpisahan nito sa part noong bata pa sila ni Cameron. Magkababata nga daw silang dalawa. Madalas daw nila nakikita si Ryder na nakatingin sa kanila pero never nga daw itong nakipaglaro sa kanila.

Nagbakasyon nang matagal ang pamilya ni Ryder. Nagulat na lang daw si Raven nang makitang magkalaro si Ryder at Cameron pagdating niya sa secret base nila. Pakiramdam niya inagaw sa kanya ni Ryder ang matalik niyang kaibigan. Napansin niyang napapadalas ang paglalaro nang dalawa kaya nagkusa na siyang umiwas sa mga ito. Ayaw naman daw niya maka istorbo sa paglalaro nang dalawa.

Mukhang iba ata ang dating kay Raven nang mga nangyari sa kanila noong bata pa sila. Mas naisip nitong inagawan siya nang kaibigan kaysa sa nadagdagan siya nang kaibigan.

Mapapansin ang magkahalong lungkot at inis sa mukha ni Raven habang nagkukuwento ito. Nakakalungkot lang na dahil sa maliit na hindi pagkakaunawaan lumaki ito nang ganito.

Nagpatuloy na sa pagkukuwento si Raven. Kinuwento nito ang pakikipag kumpetensya daw ni Ryder sa kanya, na lahat nang mga bagay ay gusto ni Ryder inuungusan siya. Hindi daw niya matanggap ka na yung dating nananahimik sa klase na si Ryder ay biglang nagbago at naging papular sa eskwela.

Nakuha daw ni Ryder lahat nang atensyon at papuri nang mga kaklase at guro nila, kahit ang matalik nitong kaibigan noon na si Cameron dahil daw dito nagdesisyon siya na bumuo nang sarili niyang grupo.

Madalas din daw siya ikumpara nang papa niya kay Ryder, bakit daw lagi lang siyang pumapangala kay Ryder. Napaka incompetent naman daw niya, halata daw na hindi siya nag eeffort para higitan si Ryder.

Ang sakit namang marinig iyon sa magulang mo, hindi man lang ba nila na a-appreciate yung effort ni Raven. No wonder kaya kinain ito nang pressure at kinamuhian si Ryder.

Ganoon din daw ang nangyari noong may nagustuhan siyang babae, nagulat na lang daw siya at pati si Krystal inagaw sa kanya ni Ryder. Kaya naman daw hindi siya makakapayag na pati ako ay maagaw sa kanya ni Ryder.

Sa hindi maintindihang rason, nakaramdam ako nang takot at inis sa mga huli niyang sinabi. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan.

Bigla kong napagtanto kung ang lahat para kay Raven ay kumpetisyon, hindi kaya nililigawan niya lang ako dahil may gusto sa akin si Ryder?

"Isang kumpetisyon pala ang tingin mo sa akin, Raven" dismayado kong turan "nakakalungkot lang isipin na nilamon ka na nang inggit mo kay Ryder."

Hindi ko rin alam kung saan ako humugot nang lakas nang loob sabihin ito sa harap ni Raven. Mapapansing nagbago ang mga tingin nito sa akin, tila napalitan ito nang galit. Napa atras ako nang bahagya sa takot ko sa mga tingin ni Raven.

"Hindi ako ang maiinggit, Dean. Kung hindi si Ryder, lalo na kapag nalaman niyang may mangyayari ngayon sa ating dalawa. Halata namang mas gusto mo siya kaysa sa akin, kaya naman kukunin ko sa kanya ang bagay na hindi niyo na maibabalik pa."

Hinawakan ni Raven ang dalawa kong kamay. Gusto kong sumigaw at humingi nang saklolo kaso parang ang pathetic lang. Hindi naman ako babae para sumigaw nang rape at tsaka may maniniwala ba?

Binuhos ko ang buo kong lakas para makapiglas sa pagkakahawak sa akin ni Raven pero walang talab. Napakalakas nito at wala akong nagawa nang itulak ako nito. Naramdaman ko ang pagbalabag nang likod ko sa pader.

Wala na akong maaatrasan pa, ni walang tao sa part na ito nang kalsada. Hindi ko napansin na dinaan niya ako sa mga eskinita habang nagkukuwento siya. Simula pa lang pala noong una, ito na talaga ang plano niya.

Ang tanga tanga ko at naniwala ako sa mga paandar ni Raven "was everything a lie, Raven?" ika ko habang pinipilit ikubli ang takot ko.

"Everything was true but like everyone, you chose to betray me. You chose Ryder over me and it hurts me so much" sagot nito nang may lungkot sa kanyang mga mata pero biglang nagbago muli ito at naging mapusok "kaya I'll have you even if I have to force myself into you."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na lang na dumampi ang mga labi nito sa aking leeg.

"This is the part where I'm going to beat you up" turan nang isang pamilyar na boses.

Inimulat ko kaagad ang mga mata ko at laking tuwa at gulat ko nang makita sa may hindi kalayuan si Ryder.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon