Natapos na ang klase. Aligaga na ko kung paano ako makaka-hindi sa lakad ng mga bago kong kaibigan. Hindi naman sa ayoko talagang sumama, ang totoo niyan gusto ko sumama. Pero kapag naiisip ko yung pagsusumikap ko para makapasok sa unibersidad na ito, nagdadalawang-isip ako. Hindi naman kasi ako pumasok sa unibersidad na ito para lang gumimik at magliwaliw.
Syempre ako, kailangan ko mag-aral at mag-review ng mga lessons na hindi ko masyado naintindihan. Ayoko namang bumagsak at mawalan ng scholarship. Hindi naman kasi ako katulad nila na anak mayaman.
Tama naman ako hindi ba? Masama ba iyon? Maiintindihan naman siguro ako ng mga bago kong kaibigan sa sitwasyon na meron ako.
Inayos ko na kaagad ang aking mga gamit at ipinasok sa aking bag. Hinanap ko ng aking mga mata sina Jaxon, Cameron at Marco. Hindi ko sila makita. Umalis na ba sila? Bakit hindi man lang nila ako sinabihan? Ganoon ba sila ka-excited makasama ang kaibigan nilang si Ryder?
May plano naman na talaga akong hindi sumama pero nakakasama rin pala ng loob na umalis na sila ng hindi man lang sa akin nagpapaalam.
Palabas na ko ng classroom nang nakasimangot ng biglang 'Hoy, Dean!" sigaw ni Jaxon mula sa labas sa may bandang tapat ng pintuan.
"Anong sinisimangot mo diyan, Unggoy ka. Akala mo siguro iniwan ka na namin noh?" pang-aasar ni Marco.
"Dito ka namin inabangan sa may pinto bro para wala kang takas," ika ni Cameron.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti, kahit pala mga baliw tong mga ito eh may kaunting ka-sweetan din naman palang taglay.
Hindi ko in-expect na hihintayin nila ako pero heto sila sa harapan ko ngayon. Nakakatawang isipin na mula pa kanina, iniisip ko na i-decline ang lakad na ito tapos nung akala kong iniwan na nila ako, nalungkot agad ako. Paano ko na magagawa i-decline ito ngayon?
Minsan lang naman, kontrol na lang siguro para hindi mapasobra.
Umakbay na sa akin si Cameron at Jaxon para daw hindi ako makatakbo. Sinabi ko naman sa kanila nang natatawa na hindi ako tatakbo dahil gusto ko rin naman talaga sumama sa kanila.
Napakasarap talaga ng may barkada. Lalo na't mukhang mababait at matitino naman ang mga ito. Hindi lang siguro halata kasi panay kalokohan pero panatag ang loob ko kapag kasama ko sila.
Bukod sa isa.
Medyo kinakabahan ako sa isa pa nilang kaibigan, si Ryder. Kung maari nga lang sana na hindi na lang siya kasama pero hindi naman pwede iyon.
Hindi ko din alam pero naiilang na talaga ako sa taong iyon. Buti na lang kanina nung nagtanong si Marco kung magkakilala ba kami eh biglang tumunog ang school-bell, hudyat na mag-uumpisa na ang sunod na klase kaya naman dali-dali na akong nagpaalam at tumungo na sa aming silid aralan.
Sumakay kami ng taxi papunta dun sa KTV Bar. Dudukot na sana ako ng share ko sa pambayad ng pamasahe ng sabihin ni Marco na nabayaran na niya ang lahat.
"Ano ka ba, Marco. Nakakahiya naman, may pambayad naman ako," ika ko.
"Wala naman akong sinabing wala kang pambayad unggoy ka, itabi mo na lang yan pandagdag mamaya sa bill natin sa loob," sagot ni Marco.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Marco. Napangiti ako ng ma-realize ko na unti-unti ko na silang nakikilala. Si Marco mabait pero matalas ang dila, si Jaxon naman ang kenkoy at, si Cameron ang bukod tanging mukhang matino sa kanila. Ano kaya ang magiging role ko sa barkadahan na ito?
Nakapasok na kami sa loob. Nangunguna ang Jaxon makaupo at maghanap ng makakain. Si Marco naman ang umupo na sunod. Sa likod nito ni Marco nakasunod si Cameron na hawak na ang songbook.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
Любовные романыIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...