Nagising ako nang napakasakit ng aking ulo. Pumipintig-pintig ito na para bang isang puso. Bumangon ako habang nagkakamot ng ulo.
Anong oras na kaya, bakit parang ang liwanag na?
"Gising ka na pala," tinignan ko ang direksyon kung saan nagmula ang tinig. Nagising ako sa aking ulirat ng makita si Raven na may dala dalang baso ng tubig. Inabot niya ito sa akin at pinainom.
Anong ginagawa niya sa rito?
Ngumiti ito sa akin at umupo sa aking tabi. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pagkailang. Nais niya akong sapakin nung naming pagkikita. Anong nangyari, nananaginip ata ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Simpleng tanong ko kay Raven.
Natatawa naman itong sumagot, "eh kasi po nasa kwarto kita. Nakita kita kagabi nung nahimatay ka, sakto na napadaan ako ng mga oras na iyon."
Nagulat ako sa kanyang tinuran. Tinignan ko ang buong paligid, totoo nga. Narito ako ngayon sa kwarto niya. Ano kayang pinaplano nito? Nagkakamali siya kung gagamitin niya ko laban sa ugok na si Ryder.
"Kung sa tingin mo magagamit mo ako laban kay Ryder, pwes nagkakamali ka."
"Mahirap ba sayong magpasalamat sa taong tumulong sayo?" dismayadong wika ni Raven.
Bigla akong nakaradam ng hiya, tama siya. "Sorry... medyo awkward lang kasi. Remember last time, muntik mo na akong sapakin."
"Kung ikaw ba nasa kalagayan ko, matutuwa ka ba sa ginawa mo sa akin?" tanong nito sa akin pabalik. "Kasama ko ang pangkat ko, lider nila ako. Pinahiya mo ako sa harapan nila, hindi ko pwede basta ipagwalang bahala iyon."
Napakahusay palang magsalita nito ni Raven, katangian ng isang tunay na lider. Kapag binuka na niya ang bibig niya parang gusto mo na lang umoo sa lahat ng sasabihin niya.
Makalipas ang ilang minuto na kausap ko si Raven, napagtanto ko na pangit lang siguro ang naging simula ng pagkakakilala namin sa isa't isa. Mapapansin mong mabait siya sa tono ng kanyang pakikipag-usap bukod pa rito wala din akong nararamdaman na may masama itong plano sa akin.
Siguro nga, tama si Raven. Kasalanan ko naman talaga. Natapunan ko siya ng smoothie sa harap ng maraming tao, normal lang siguro na mapikon siya.
"Salamat pala sa pagtulong sa akin kagabi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako na tiyempuhan."
"Wala iyon, pasensya ka na din sa naging asal ko nung una nating pagkikita. Kalimutan na natin iyon," pagsagot ni Raven
"Oo ba," mabilis na tugon ko.
"Bakit ka ba kasi naglasing ng sobra kagabi?" pag-usisa ni Raven sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero napasagot ako sa tanong nito, "pakiramdam ko kasi niloko ako."
"Parehas pala tayo. Niloko din ako kaya siguro puno ng galit ang puso ko," sambit ni Raven ng seryoso.
Nais ko sumagot ng alam ko. May nagkwento na sa akin ng istorya mo pero ayoko namang isipin ni Raven na pinag-uusapan namin siya.
Kung iisipin mo biktima nga dito si Raven. Nagmahal lang siya at walang mali doon. Tulad ng tanong ni Cameron sa akin kagabi.
Napansin kong medyo napapasarap na kami ng kwentuhan. Kailangan ko pa makabalik sa dorm para maligo. Ayoko namang pumasok sa unibersidad ng amoy alak at walang ligo.
"Anong oras na pala, Raven?" pagtatanong ko.
"Huwag ka ng pumasok dumito ka na lang muna at magpahinga," pag-aalalang sambit nito.
Sabagay tama naman siya, hindi pa maayos ang pakiramdam ko baka mapano pa ko kung magpumilit pa akong pumasok. Tiyak nagaalala na sa akin sina Cameron, Marco at Jaxon.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Cameron.
ME: Cam, can't attend classes today. Suffering from hangover.
CAMERON: Okay, Bro! We'll bring you something to eat later. See yah!
Ano raw?! Wait, paano yan? Magpapaalam na ba ko kay Raven na kailangan ko bumalik sa dorm ko dahil pupuntahan ako ng mga kaibigan ko? Siguradong hindi ito papayag. Magpahatid na lang kaya ako kay Raven?
Bahala na.
"Raven, pasensya ka na pero nagtext ang kaibigan ko napupuntahan nila ako sa dorm ko..." hindi pa ko tapos magsalita ng sumingit si Raven.
"Hindi, hindi pa sapat ang pahinga mo. Dumito ka muna."
Galit ba siya?
"Pwede mo naman ako ihatid na lang?" suhestyon ko.
Medyo nakaramdam ako ng takot ng nagbago ang awra ng mukha ni Raven, "magpahinga ka muna dito. Sabihin mo diyan sa kaibigan mo narito ka ngayon, kung gusto niya dito siya pumunta para dalawin ka," seryosong sambit nito.
Napansin ni Raven ang naging reaksyon niya sa mga sinabi ko kaya naman agad itong humingi ng tawad. Nag-aalala lang naman daw siya para sa akin. Baka daw mapano pa ko kung walang magbabantay sa akin.
Napilitan tuloy akong sabihin na lang kay Cameron ang lahat. Kulang na lang eh lumabas ito sa screen ng cellphone ko para lang kaladkarin ako pauwi sa dorm ko. Pinaliwanag ko naman sa kanya na mabait sa akin si Raven at nag-aalala lang ito para sa akin.
Minsan ang OA (Overacting) din nitong si Cameron. Akala mo naman nadakip ako kung mag-alala.
Nagsabi sakin si Cameron na hindi nila ako madadalaw kung narito ako sa puder ni Raven. Sabagay naiintindihan ko naman na natatakot sila, hindi lang siguro nila lubos na kilala si Raven. Kung hindi lang siguro nila kaibigan ang ugok na si Ryder baka nakilala pa nilang maigi itong si Raven.
CAMERON: Mag-iingat ka diyan, bro. Stay alert.
Grabe naman itong si Cameron, akala mo naman may kasama akong mabangis na hayop. Hindi kaya sila ang dapat mag-ingat kay Ryder? Nagpapaloko sila sa amo ng mukha ng ugok na iyon.
Kaya siguro biglaan ang pagiging magkaibigan namin ni Raven kasi parehas kami ng taong kinaiinisan. Si Ryder. Siya ang common denominator namin ni Raven.
"Hindi na daw ako pupuntahan ng mga kaibigan ko dito, narito ka naman na daw. Ikaw naman na daw ang bahala sa akin."
"Hindi na nila kailangan pang-ihabilin iyon sa akin," ika nito ng seryoso at tinitigan ako sa mata, "anong gusto mong kainin?"
Sa totoo lang wala din akong maisip na gusto kong kainin, mas-trip ko atang mahiga at magpahinga na lang kaysa kumain.
"Kahit ano na lang siguro," tugon ko.
"Masarap ba iyon? Wala akong ganoon sa fridge, saan ba tayo pwede magpa-deliver niyan," pang-aasar nito sa akin.
May ganito din palang side si Raven? Hindi ko akalain na may natatagong kulit din pala itong loko na ito.
Napahinto kami sa pagtawa ng marinig namin ang malalakas na katok mula sa pinto ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Raven. Halatang wala din siyang inaasahang dalaw.
Natatawang tumayo si Raven, "hindi pa nga tayo nakakapag-order ng 'kahit ano' may dumating na agad na delivery," pang-aasar nito.
Nagtungo na ito sa may pintuan at habang papalapit nakarinig na naman kami ng sunod sunod na katok mula sa pinto.
Sino naman kaya ito at mukhang galit na galit na siya.
Binuksan ni Raven ang pinto ng nakangiti.
Walang umiimik.
Mula dito sa pwesto ko hindi ko matanaw kung sino ang kumakatok sa pinto ni Raven. Nahaharangan kasi ito ng ulo ni Raven.
Nakita kong hinawakan bigla ng kumakatok sa labas ang kwelyo ng damit ni Raven.
Nag-alala ako at dali-daling bumangon sa kama. Napakabilis ng pangyayari, nakarinig na lamang ako bigla ng isang malakas na lagapak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomansaIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...