Kabanata XXII

42 8 12
                                    

Magkahalong saya at pag aalala ang naramdaman ko nang makita si Ryder sa hindi kalayuan. Punung-puno ito nang pasa sa kanyang mga braso at mukha. Nag durugo din ang mga labi nito. Labis kong kinabahala nang maglakad ito palapit samin at nakitang iika-ika ito.

Makikita ang galit sa mga mata ni Ryder, hindi napapatid ang tingin nito kay Raven na tila wala itong ibang nakikita. Natatakot ako sa kung anong puwedeng magawa ni Ryder nang dahil kanyang galit.

Mapapansin namang kampante lamang si Raven. Ngumiti ito at bumitaw na sa pagkakahawak sa aking mga kamay. Tinulak ako nito na tila isang lumang laruan na wala nang pakinabang.

Sumubsob ako sa malamig na sahig nang kalsada at nagalusan ang aking tuhod. Bumalikwas ako kaagad upang makita ang nangyayari sa dalawa.

Laking gulat ko nang pumulot si Raven nang bote sa tabi at pinukpok sa pader. Nabasag ang kalahati nang bote at nag iwan nang matatalim na bubog sa kalahati na hawak hawak ni Raven.

Nananaig na ang takot sa puso ko para sa taong mahal ko. Oo, hindi na ako tatanggi pa. Mahal ko na rin si Ryder. Importante na siya sa akin at natatakot ako sa balak ni Raven sa kanya.

Nais kong tumayo at pumagitna sa kanila pero ayaw gumalaw nang mga binti ko. Sinubukan ko rin sumigaw pero tila hindi ko mahanap kung nasaan ang boses ko.

Unti-unti kong nakakalimutan huminga sa bawat hakbang na ginagawa ni Raven patungo kay Ryder. Mabuti na lamang bago pa magpangabot ang dalawa dumating sila Marco, Cameron at Jaxon na puno din nang galos.

Tumayo ang tatlo sa tabi ni Ryder at nag titinginan na tila nagkakamustahan sa kanilang isipan. Sabay sabay silang lumingon sa gawin ni Raven na huminto na sa kanyang paglalakad. Mapapansin ang pagkadismaya ni Raven sa mga nangyayari.

Tumingin si Ryder kay Cameron at tinuro ako gamit ang kanyang ulo na tila sinasabi kay Cameron na ayon si Dean tulungan mo. Nakakainis lang na napaka pathetic ko sa mga oras na ito.

Nagmamadaling lumapit sakin si Cameron nang makita ako nito, sakto naman ang pagdating nang mga pulis. Binitawan kaagad ni Raven ang hawak hawak niyang basag na bote at nilapitan na ito nang mga pulis.

Makikita sa mga mata ni Raven na hindi pa dito matatapos ang lahat, na babalik siyang muli para maghiganti. Dinala na si Raven nang mga pulis sa loob nang sasakyan nila.

May mga lumapit sa aming pulis para tanungin sa mga nangyari. Mabilis namang lumipas ang mga oras at bumalik na lang ako sa aking ulirat nang maramdaman ko ang isang mainit na yakap.

Naramdaman ko ang pamumuo nang aking mga luha sa aking mga mata. Gumanti ako nang yakap dito at nagumpisa nang mag blurred ang aking paningin. Naramdaman ko ang paghaplos nang isang kamay nito sa aking ulo at ang isa naman sa aking likod.

Sobrang takot ko kanina hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Nagaalala ako sa lahat, natatakot ako na baka mawala sakin ang mga taong mahalaga sa akin.

Tumahan ako at bumitaw sa pagkakayakap kay Ryder, gayon din naman siya. Inilayo ko nang kaunti ang sarili ko at tinignan sa mata si Ryder.

"I Love You, Ryder" sambit ko sabay halik sa mga labi ni Ryder. Gumanti naman ito nang halik at tumigil.

"I Love You too, Dean Ko" nakangiti nitong turan habang tinititigan ako sa aking mga mata. Mapapansin ang saya sa mukha ni Ryder.

"Hala magha-honeymoon na sila dito" pang aasar ni Jaxon.

"Mga hayop, dito pa kayo magse-sex sa kalsada" hirit ni Marco.

"Masaya ako para sa inyo. Sakin ang batik ah" natatawang banat ni Cameron.

Huminto na kami ni Ryder sa paghahalikan at tumingin sa tatlo. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Nag simulang magbago ang buhay ko nang nakilala ko ang tatlong mokong at ito ang pinaka masayang nangyari sakin dito sa unibersidad na ito.

Napakadrama tuloy namin ngayon. Kakainis.

Dahandahang umakbay sa akin si Ryder at dahil boyfriend ko na siya kinuha ko ang kamay nito at inayos ang pagkakaakbay sa akin. Halata sa mukha ni Ryder ang pagkagulat at hindi mapatid na mga ngiti sa kanyang mga labi.

Pagkatapos nang ilang saglit na pakikipagusap sa mga pulis, pinayagan na kami nitong lumisan.

Nag umpisa nang magkuwentuhan si Cameron at Jaxon tungkol sa mga nangyari kanina. Pagkaalis pa lang daw namin ni Raven kanina ay nakakutob na silang tatlo, hindi daw kasi gawain ni Ryder ang sumira sa pangako kaya hinanap nila ito.

Hindi nga daw sila nagkamali nang hinala. Natagpuan nila si Ryder na nakikipagsuntukan sa mga alipores ni Raven. Pinagtutulungan siya nang mga kalalakihan.

Nagulat na lang daw sila nang makita nila si Marco na nakikisuntok na sa mga alipores ni Raven kaya naman nakigulo na rin daw si Jaxon at Cameron.

Napaka cool daw ni Jaxon nang mga oras na iyon bagama't mas marami ang mga alipores ni Raven, mas pinili nitong paalisin si Ryder para hanapin ako.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa mga kwento nila. Nakakatuwa talaga ang kanilang samahan. Napakaswerte ko na lang talaga at napasama ako sa tropahan nila.

Naramdaman kong hinalikan ni Ryder ang uluhan ko. Napaka sweet talaga nito at hindi naiilang kahit sa harapan pa nang maraming tao. Ang sarap sa pakiramdam pero nakakahiya din nang bahagya dahil hindi pa ako sanay.

"Ginalugad ko ang buong isla mahanap ka lang, Dean ko" pagtutuloy ni Ryder nang kuwento." Hindi ko inakala na hindi lang pala ikaw Dean ko ang makikita ko, kung hindi pati na rin ang aking puso."

"RESPETO!" natatawang hirit ni Cameron.

Nagtawanan kaming lahat sa banat ni Cameron.

"Pero salamat sa inyo ah" wika ko sabay ngiti.

Nagpaalam na ang tatlong mokong at bibigyan daw kami nang oras ni Ryder na ma-solo ang isa't isa. Pinilit ko sila na samahan muna kami sa pharmacy at coffee shop. Pumayag naman sila. Ang hindi nila alam bumili ako nang mga gamot sa pharmacy at pagdating namin sa coffee shop doon ko sila ginamot isa isa.

Una kong ginamot si Cameron kasi sakanilang tropa mukhang siya ang hindi sanay at mahilig makipag suntukan. Hindi ako nagkamali para itong bata na ginagamot ang sugat.

Sunod kong ginamot ay si Marco dahil parang ginawa nitong panangga ang buong katawan niya sa mga suntok. Halatang guilty si Cameron sa mga galos na natamo ni Marco, mukhang pinoprotektahan siya ni Marco sa gitna nang rambulan.

Sumunod kong ginamot ay si Jaxon na kahit na nasasaktan na ay panay pa rin ang banat. Alam niyo iyong hindi pa nadampi sa balat niya yung gamot eh na aray na kaagad ito.

Nang si Ryder na ang gagamutin ko nag suggest ang tatlong mokong na sa dorm ko na lang ito gamutin dahil late na at kailangan na nilang makauwi at makapagpahinga.

Todo sang ayon naman si Ryder sa mga paandar nang tatlo. Alam ko naman na gusto lang nila magusap kami ni Ryder at ma-solo ang isa't isa kaso natatakot ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Ryder.

Nanalo ang tatlo na iwan na kami ni Ryder. Hindi na ako nakipagtalo pa. Alam ko naman ang balak nila, sasakyan ko na lang. Nagpaalam na ang tatlo at umalis.

Nagdesisyon kami ni Ryder na sa dorm ko na nga lang siya gamutin kaya naman umalis na din kami ni Ryder sa coffee shop.

Tahimik kaming naglakad papunta sa dorm ko. Wala saming dalawa ang nagsasalita, tanging mga kamay lang namin na magkahawak at hinahaplos ang isa't isa.

Laking gulat ko nang mapansin kong bukas ang pinto nang aking dorm. Tinignan ko si Ryder sa kanyang mga mukha, humarap ito sa akin at tumango tila sinasabing nandito lang ako, tara. Kaya naman naglakas loob akong lumapit sa pinto.

Nakalimutan ko bang isara ang pinto ko kanina?

Tila naubusan ako nang hangin sa aking baga nang masilip ko ang loob nang aking dorm.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon