Kabanata XLI

44 7 8
                                    

Lumipas ang ilang araw at tuluyan na ngang naging parte ng tropa si Ronan. Palagi na itong nasama sa amin sa lunch break at sa mga mini get together namin.

Sa totoo lang okay naman siya, masayang kasama si Ronan. Napaka bilis nitong magisip nang mga banat at kalokohan. Madalas pa nga niyang barahin si Jaxon.

"Mag outing naman tayo" ika ni RJ na bumasag sa katahimikan.

Nagtinginan naman kaming lahat na tila pare-parehas kami ng naiisip pero may saing problema na bumabagabag sa aking isipan.

"Eh saan naman kaya?" tanong ko.

"Gusto ko sa dagat para mag be-bathing suit ako" tugon ni RJ habang pumo-posing posing.

"Huwag doon, lalabas kaliskis mo. Shoke ka pa naman RJ" banat ni Marco.

"Ayaw mo lang kamo maarawan. Arte-arte daig pa babae" pabulong na singhal ni Cameron. Napatingin at natahimik kaming lahat sa banat nito.

Mabuti na lang nandito si Jaxon to the rescue "LQ na naman po sila. Palaging nagtatalo kala mo mag jowa."

"Sakto di pa kami nakakapag out of town ng Dean ko" pagsinget ni Ryder para agapan ang namumuong init ng dalawang kampo.

"May bahay bakasyonan kami malapit sa tabing dagat. Kung gusto niyo pwede naman tayo doon mag outing" ika ng boses mula sa likuran.

Isa isa kong tinignan ang mga kasama ko sa mesa namin. Kumpleto naman kami kaya agad kong nilingon ang nagsalita; alam niyo yung parang gusto mo sabihin na huwag na diyan sainyo at kung pwede yung hindi ka kasama.

"Talaga?" pagkumpirma ni Ryder kay Ronan.

"Oo naman, malakas ka~yo sa akin eh" sagot nito kay Ryder ng abot tenga ang ngiti; kalbuhin kaya kita, maka ngiti ka pa kaya ng ganyan?

Ewan ko ba, hanggang ngayon ayoko pa rin sakanya. Bukod sa halata na patay na patay siya sa boyfriend ko eh napaka show-off pa. Kung pwede lang mamblock ng tao sa personal, ginawa ko na.

Napatingin ako kay Cameron at Marco na hindi na umiimik at halatang maiinit ang ulo. Para talaga silang mga bata na hindi magkasundo. Nung nakaraan lang ang sweet sweet nila parang mga timang.

"Kailan naman tayo gogora?" tanong ni RJ na halata ang sabik sa kanyang mukha.

"As soon as we are ready, I'll talk to the care taker and to mom that we'll be using that particular beach house" tugon ni Ronan.

Hindi ko alam pero bakit parang ako lang ang nagaalala paano kami makakarating roon. Tinignan ko sila isa't isa at halatang hindi nila naiisip ang nasa isip ko.

"Dean ko, may problema po ba?" pabulong na tanong sa akin ni Ryder; kahit kailan talaga ang lakas nang pakiramdam nang taong ito.

"Wala naman Ryder ko, napapaisip lang ako kung paano tayo pupunta sa bahay bakasyonan nila Ronan para kasing hindi kayo nag aalala dito" pagpapaliwanag ko kay Ryder na halatang ninanamnam ang lahat ng mga sinabi ko.

"Dean ko, hayaan mo na na ako ang mag isip niyan, gusto ko kasi ma-solo kita eh" bulong nitong muli sakin at humalik nang bahagya na nagdulot nang kuryenta sa aking katawan.

Napansin kong napansin ito ni Marco, hinihintay ko mag react siya pero hindi nito ginawa. Malamang dahil babanatan na naman siya ni Cameron kapag nakigulo siya.

"Ay! mga hayop dito pa sa harap namin naglalampungan! Kadiri, parehas lalaki naghaharutan" pang aasar ni Jaxon samin.

Nagtawanan kaming lahat sa banat ni Jaxon at napahinto nang humirit si Ronan laban kay Jaxon "ayiiee, naiingget. May dala akong saging gusto mo?"

Walang umimik samin at tila huminto ang oras. Napaka awkward nang mga oras na ito. Nang biglang tumawa nang malakas si Ryder.

"Sorry sorry, noon kasi inaasar na namin na 'Jak son goku' yan eh" natatawang paliwanag ni Ryder.

"Si son goku, yung monkey king?" pagsabat ni Cameron.

"Yeah, right Kintoun cloud" mabilis na balik ni Jaxon.

Tawang tawa talaga si Ryder bihira ko siya makita tumawa nang ganito. Yung sa sobrang tawa niya eh tila hindi na ito makahinga.

"Ryder, hinga" pang aasar ni RJ.

"Ako na bahala mag CPR kay Ryder, magaling ako" pagpriprisinta ni Ronan.

Gusto ko sumabat kaso ayoko namang maging party pooper mukhang nagkakatuwaan na sila masyado. Pakiramdam ko tuloy out of place na ko sa barkada.

"Dean ko, nausok na ilong mo" banat sakin ni Ryder.

"Hindi ah. Go lang kung gusto niyo with tongue pa" tugon ko.

"Aysus, nagseselos ang Dean Ko. Wala yun biruan lang yun, barkada tayo dito oh" pagpapaliwanag ni Ryder sa akin.

Which is techinically alam ko naman. Naiintindihan ko kaya nga iniiwasan ko magsalita o mag comment pero hindi ibig sabihin nun ay ayos lang at hindi ako magseselos.

Kung kaya ko lang ito pigilan, sana mas okay ang samahan namin ni Ronan. Sana hindi ko siya pinag seselosan nang ganito.

Doon na natapos ang mini bonding ng barkada at kanya kanya na kaming umuwi sa aming mga dorm. Syempre today sa dorm ako ni Ryder mag o-overnight.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at hindi naiwasang itanong kay Ryder kung ayos lang ba si Cameron at Marco kasi mukhang napaka init nila sa isa't isa.

Ipinaliwanag sakin ni Ryder na to be expected naman na daw iyon doon sa dalawang iyon, kaya hindi na siya nagtataka. Bukod pa raw dito hayaan daw namin yung dalawa kasi may sairli silang phase tulad namin.

Sabagay kung iisipin mo may tama nga naman si Ryder, hindi rin naman naging madali samin ang lahat. Baka nga nasa transition pa sila.

"Dean ko naisip ko humiwalay nang byahe sakanila para tayong dalawa lang at mas makapag bonding tayo" suhestiyon ni Ryder ng nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko parang gusto gumawa nang rason ni Ryder para pag dating sa beach house kay Ronan naman siya makikipag bonding.

Naramdaman ko ang paginit nang aking mukha pero pinipigilan ko mag burst out.

"Dean ko, may problema ba?" tanong sakin ni Ryder nang seryoso.

Huminga ako nang malalim at nagipon nang lakas para umamin kay Ryder na nagseselos ako kay Ronan. Alam ko din na wala akong dapat ipangamba pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam nang selos.

Sakto na nakarating na kami nang dorm ni Ryder. Binuksan nito ang pinto at sumunod ako sa loob. Nababalot nang dilim at katahimikan ang loob ng dorm bago buksan ni Ryder ang ilaw.

Saktong pagbukas nang ilaw, nakatingin si Ryder sa akin at gayon din ako sakanya. Alam kong nais nitong marinig ang saloobin ko pero hindi ko alam paano uumpisahan.

Hindi ko alam kung normal ba itong nararamdaman ko. Lahat ng ito ay bago sa akin kaya nahihirapan ako lumugar o mag react; wala bang manual ito ng Do's and Dont's?

Naisip kong umpisahan sa kung kailan ko unang beses naramdaman ito. Hindi umiimik si Ryder at nakikinig lang sa lahat ng salitang binibitawan ko.

Tumatango lang ito bilang tugon at hinahayaan akong magpatuloy mag salita. Nang matapos ako hindi ko maiwasan tumingin sa sahig dahil nahihiya ako.

Naramdaman ko namang lumapit at yumakap si Ryder sakin at ibinulong sa aking tenga ang katagang "I Love You, Dean Ko."

Hindi ko maiwasan ngumiti at kiligin sa ginawa ni Ryder. Kahit kailan talaga ang galing ni Ryder, alam na alam kung ano ang kiliti ko.

Bumitaw ito sa pagkayakap sa akin at itinaas ang aking ulo at tinitigan ako sa aking mga mata "Mahal na mahal kita, Dean ko" sambit nito at biglang hinalikan ako sa aking mga labi.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon