Kabanata XLII

40 9 7
                                    

Parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib ng makausap ko si Ryder tungkol doon sa nararamdaman ko. Bukod pa rito napakasarap ng assurance na ipinaramdam sa akin ni Ryder ng araw na iyon; lakas maka babae ng mga salita na binigkas niya pati na rin, ang paghingi nito ng tawad kahit na wala naman itong kasalanan.

Pinatunayan lamang nito kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya kaseryoso sa relasyon naming dalawa. Bilib talaga ako sa tindi ng understaning nitong si Ryder; nag uumapaw sa lawak ng pagiisip, nakakaproud.

Dumating ang araw ng outing at hindi ko maiwasang mapansin na extra ang pagka-sweet sa akin ni Ryder, na tila ipinapamukha sa mga kasama namin na mag partner kami kaya stay away.

Syempre kinikilig ako kasi hindi ko naman sinabi na gawin niya ang ganoon pero kung iisipin mo na paraan ito ni Ryder para hindi ako mag amok; walang dudang, epektibo nga ito.

"Nakakadire na masyado, naghaharutan sa public parehas lalaki" banat ni Marco.

"Naku inggitero na naman ang tropa ko, bakit kasi ayaw niyo subukan ni Cameron?" Pangaasar ni Ryder pabalik sa tinuran ni Marco.

Tila may dumaang anghel at nabalot ng katahimikan ang paligid. Nakatingin ang lahat kay Ryder na tila nagulat sa banat nito.

Samantalang si Marco at Cameron naman ay nakatingin sa isa't isa na tila naguusap sa isipan nila. Makikita sa mata ng dalawa ang pangungulila nila sa isa't isa ngunit ayaw nila ito parehas aminin.

Mabuti na lang dumating na ang asungot at nabaling ang atensyon sa kanya.

"Anong meron, bakit ang tahimik niyo?" entrada ni Ronan. Kahit pala papaano may silbi itong asungot na ito dahil sakanya nabasag na ang katahimikan.

"Hinahanap namin kung sino ang umutot" pagbibiro ni Jaxon.

"Huwag ako hindi ka aso, unggoy ka" banat ni Ronan kay Jaxon.

Napakunot ang noo ko. Bakit hindi ko nakuha ang banat ni Ronan, anong kinalaman ng aso sa unggoy?

Napansin ko na natatawa si Ryder ngunit pinipigilan lang nitong matawa.

"Ay, ganda ka Ghorl?" hirit ni RJ kay Ronan.

"Gusto mo matulog sa dog house?" tugon ni Ronan dito.

"Charot lang, friend ako lang toh oh" pagbawi ni RJ.

Minsan talaga nagugulat na lang ako sa sobrang bilis nakablend-in ni Ronan sa barkadahan namin, kung sabagay hindi rin naman nahirapan noon si RJ. I guess, magaling lang talaga siguro makisama tong tatlong mokong kaya nabuo ang tropahan namin.

Bigla ko tuloy naalala yung nakaraan. Akalain mo yun ang dami na palang nangyari simula nung unang beses ako kinausap ng tatlong mokong. Kung hindi dahil sa mga ito hindi siguro magiging makulay ang mga araw ko dito sa unibersidad.

At mabuti na lang din kamo, malakas ang magnet ko dito sa ugok na si Ryder. Na mas pinakulay pa ang buhay estudyante ko dito sa unibersidad. Napaka blessed ko at nakilala ko ang taong ito dahil naranasan ko magmahal at mahalin nang walang hinihintay na kapalit.

"Biro lang, shall we?" ika ni Ronan.

"Let's go, bros!" pasigaw na pagsangayon ni Cameron.

"Wait!" pagsinget ni RJ sa tinuran ni Cameron "with dyosa, baka nakakalimutan niyo ko."

Kahit kailan talaga hindi nauubusan ng mga banat itong mga kaibigan ko. Minsan talaga natatakot na lang ako at baka magpang abot sa biruan at bigla na lang magsapakan.

Hindi na napigilan ni Ryder at humagalpak na sa pagtawa kaya naman natawa na rin ang lahat. Kakaumpisa pa lang ng bakasyon namin at napakasaya na agad. Sana magtuloy-tuloy pa ito hanggang sa dulo.

Dumating na ang van na sasakyan namin patungo sa private resort nila Ronan. Si RJ naupo sa tabi ng driver sa unahan, sa likuran naman ay si Cameron, Jaxon at Marco AKA ang tatlong mokong. Sa may likuran naman nila ay ako, si Ryder at ang asungot, na si Ronan.

Nakakairita lang bakit hindi si Ronan ang tumabi sa driver, bakit si RJ pa?

Sa sobrang sweet naman kasi nito ni Ryder, pinauna ako sumakay sa van para daw sa tabi ng bintana ako makaupo bago siya sumunod sa tabi ko.

Pagkatapos kong makaupo nakita kong sumunod na si Ryder para tumabi sa akin, pero nangyari ang hindi ko inaasahan. Imbes na si RJ ang kasunod ni Ryder aba't inunahan ito ng asungot na si Ronan kaya naman no choice si RJ kung hindi umupo sa tabi ng Ryder; minsan talaga gusto ko ng sabunutan si Ronan palayo kay Ryder.

Nararamdaman siguro ni Ryder na malapit na ko magwala at kalbuhin ang asungot sa tabi niya kaya siguro panay ang hawak nito sa aking kamay at paghalik dito para pakalmahin ako.

Ni hindi nga nito inaalis ang paningin sa akin, na tila ako lang ang nag iisang nakikita niya sa kanyang mundo; kahit kailan talaga hindi nawawalan ng pa-kilig itong si Ryder parating may baon.

Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko napansin na nakatulog na ako sa balikat ni Ryder habang nasa byahe. Nagising na lang ako ng pisilin ni Ryder ng bahagya ang aking kamay.

Nakangiti itong nakatingin sa akin "Dean ko, malapit na daw tayo sa private resort nila Ronan."

Gumising na ako ng tuluyan at umupo ng maayos. Sa bintana matatanaw mo ang karagatan at ang magandang dalampasigan.

Ang sarap sa pakiramdam tila unti unti nitong hinihigop ang lahat ng pagod simula ng mag kolehiyo ako. Pagkatapos may kakaiba pang dulo't na ginhawa ang paghampas at agos ng tubig sa may pampang; nakaka excite tuloy dumampi ang balat ko sa tubig alat.

Sa hindi kalayuan matatanaw ang isang bahay na may dalawang palapag, pinaghalong modern at kubo ang istilo nito kaya naman ang ganda nito sa mata. Mukhang mahusay ang pagkakadisenyo ng bahay.

"Pagpasensyahan niyo na ang bahay bakasyonan namin ah, hindi ito gaano kalakihan at tsaka gusto talaga ng mga magulang ko na medyo manual para daw ramdam na ramdam ang probinsya vibe" pagpapaliwanag ni Ronan.

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya sa manual at probinsya vibe niya pero one thing's for sure malaki ito. Sa totoo lang malaki pa ito sa bahay namin.

Pagkarating namin sa bahay bakasyonan agad namang nagtakbuhan ang tatlong mokong at si RJ papasok sa loob ng bahay bakasyonan; anong meron?

"Nasa 2nd floor ang mga kwarto!" pagsigaw ni Ronan sa mga batang kasama namin.

Ngayon naintindihan ko na, naguunahan sila sa kwarto sa taas pero bakit? Sigurado naman ako na maraming room at hindi kami magsisiksikan.

May matandang lalaki na lumapit kay Ronan at inabot ang susi, "enjoy your stay, sir. Naayos ko na po lahat ng inyong kakailanganin. Mauna na po ako."

Teka teka, ang sosyal naman may care taker pa sila sa bahay bakasyunan nila.

"Salamat tay, magingat po kayo" tugon nito Ronan at nauna ng pumasok sa loob.

Tumingin ako kay Ryder at hinalikan ako nito sa aking noo.

Tumuloy na kami sa loob at namangha sa aking nakita; yung totoo, mansion ba ito? Ngayon lang ako nakakita ng loft type na bahay bakasyonan!

Umakyat na kami ni Ryder, doon naabutan namin si Cameron sa hallway. Kumakatok sa isang kwarto.

"Nauna ako, doon ka na sa tabi ni Marco!" pangaasar ni Jaxon mula sa kabila ng pinto.

"Kay RJ na lang ako makikipagpalit!"

"Sorry, Cameron baka magahasa ako kung may kasama ang isang dyosang tulad ko na lalaki sa isang kwarto" sigaw naman ni RJ mula sa kabilang kwarto.

Makikita ang pagkatalo sa mga mata ni Cameron kaya naman hindi ko na napigilang mangusisa "Wala na bang ibang kwarto?"

"May lima lang kasing kwarto, tatlong solo at dalawang duo rooms. Syempre yung isang duo sa inyo ni Ryder, yung isang solo sa may ari ng bahay. Kaya naman ayun, pinaguunahan namin yung natirang dalawang solo na rooms kaso naunahan ako ng dalawa" pagpapaliwanag ni Cameron.

So ang issue pala magkakasama sila ni Marco sa isang room. Sa totoo lang I think panahon na para ayusin nilang dalawa yang issue nila. Gayon din siguro ang nasa isip nung dalawa.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon