Kabanata XXVIII

45 8 4
                                    

Ilang araw din ang nakalipas simula nang may nagsulat nang mensahe niya sakin sa whiteboard gamit ang permanent marker.

Nakakatawang isipin na kung hindi dahil doon, hindi kami magiging close ni Ma'am Niks, tila nagkaroon tuloy ako nang ate dito.

Tinulungan din ako nito makapag schedule nang try-out sa badminton, ma-swerte namang nakapasok ako. Kaya naman gaya nila Jaxon at Marco mag lalaro rin ako sa parating na sportsfest.

Medyo nakakalungkot lang nitong nakaraan dahil tila napaka-busy naming lahat. May badminton practice ako, may volleyball practice naman sila Jaxon at Marco, si RJ naman sineryoso ang pagsali sa cheering squad, si Cameron naman as usual sinundan si Marco at naging waterboy nang team, at syempre si Ryder laging napunta sa badminton practice ko.

Doon pa rin kasi ako nauwi sa dorm niya, hindi pa rin kasi nahuhuli kung sino yung nanggugulo sa akin. Bukod pa dun, sweet talaga siya at gusto daw niya akong sinusundo para sabay kaming umuwi. Minsan nakakahiya na parang babae ang turing sakin ni Ryder pero, isa din iyon sa dahilan kung bakit ako lalong nahuhulog sa ugok na ito.

Si Bea casually pa ring nadalaw sa dorm nang kambal niya tuwing umaga, nung una akala ko dahil concern ito sa kambal niya. Pero nitong nakaraan napagtanto ko na, may katamarang taglay si Bea at ginagamit niya si Ryder para hindi siya magluto at maghugas nang almusal niya.

Ganoon yata talaga kapag kambal. May kakaibang closeness. Hindi mapagkakailang mapagkakamalan silang magjowa dahil sa ka-sweetan nilang magkakambal.

"Dean ko, kinakabahan ka ba?" pagaalala ni Ryder sa pagtunganga ko bago lumabas nang pinto nang dorm ni Ryder.

"Sorry, iniisip ko lang kung paano ko sila lalampasuhin mamaya sa laro" pagyayabang kong tugon kay Ryder.

Natawa naman ito at niyaya na ko lumabas sa dorm "Wala ka na ba tayong ibang nakalimutan?" pagtatanong ni Ryder.

"Ay, shit! Wait, nasa kwarto pa pala yung raketa ko sa badminton" dali-dali akong pumasok upang kunin ang raketa ko sa paglalaro.

Muli, tinignan ko kung may nakalimutan pa ako bago lumabas nang dorm. Mapapansin na nangangalumata si Ryder dahil sa pagpupuyat. Ilang araw na kasi itong nagpupumilit manood sa badminton praktis ko o kaya naman ay sinusundo ako pauwi. Tapos pagkauwi nang bahay tiyaka pa lang ito makakapagaral. Nakaka-guilty pero matigas ang ulo, ayaw naman pumayag na ako lang magisang umuwi.

Pumayag na rin ako na sa kama kami parehas matulog, basta may harang na mga unan sa gitna namin. Nakakahiya naman na puyat na nga siya dahil sa pagaaral, tapos sa lapag ko pa siya papatulugin. Minsan nakakainis na din ang kakulitan nito ni Ryder pero ito din ang isa pa sa maraming dahilan kung bakit ako nahuhulog sa tao na ito.

Pagkalabas ko nang dorm, kaagad namang humalik sa noo ko si Ryder at naglakad na palayo. Sa mga simpleng paandar na ganyan ni Ryder, napapatalon ang puso ko. Napangiti ako at sumunod na kay Ryder na huminto sa may hindi kalayuan para hintayin ako.

Pagdating namin sa school na tanaw namin kaagad si Cameron na nakasimangot. Malamang naiinis ito kasi ngayon lang kami dumating ni Ryder.

"Bakit napakatagal ninyo?" pagtatanong ni Cameron, paglapit namin sa kanya.

Agad namang sumagot si Ryder para magpaliwanag. Sinabi nito na napuyat siya kaka-aral kagabi kaya late na nagising. Gusto ko sana suminget at magpaliwanag na kasalanan ko dahil naiwan ko yung raketa ko kanina, inabutan na tuloy kami nang bugso nang tao kaya kakarating lang namin.

Niyaya na kami ni Cameron pumunta sa may field kung saan nag eensayo sila Marco at Jaxon para sa volleyball game nila mamaya. Nakakainis lang dahil nagkasabay ang game ko at game nila mamaya, kaya hindi ko sila mapapanood maglaro nang aktuwal.

Umupo kaming tatlo ni Cameron at Ryder sa may bleachers. Makikita ang excitement sa mga mata ni Cameron makitang maglaro ang dalawa, mas lamang nga lang na si Marco.

Kasalukuyang nagwa warm-up ang mga manlalaro sa field. Mapapansin na nagtutulungan si Marco at Jaxon mag warm-up. Hindi ko aakalain na ang sexy nilang dalawa suot ang mga uniporme nila sa volleyball.

Mukhang may maglalaway kakatitig kay Marco habang naglalaro mamaya. Hindi maalis ang mga mata ni Cameron sa nagwa-warm up na si Marco. Nakakatawang nangamatis ang mukha nito nang mapansin kami nila Marco at Jaxon, at kumaway samin.

Huminto ang mga tingin ni Marco kay Cameron, mga ilang segundo rin ang nakalipas bago ito ngumiti at kumindat. Mukhang may susunod sa yapak namin ni Ryder. Inakbayan at inuga nang bahagya ni Ryder si Cameron na tila sinasabing 'brace yourself'.

Mukhang matalik na magkaibigan nga talaga si Cameron at Ryder. Noon naman kasi hindi ko ito masyado napapansin sapagkat bihira naman samin sumama si Ryder, pero sa pagkakataong ito, mukhang may alam si Ryder sa tunay na nararamdaman ni Cameron tungo kay Marco.

Bumitaw na si Ryder kay Cameron at naramdaman ko ang paghawak nang kamay ni Ryder sa kamay ko, nakipag holding hands ako sa kanya at sinilip ang mukha nito.

Seryoso itong nanunuod kay Marco at Jaxon, na ngayon naman ay tumatakbo sa field at hinahampas ang iniitsang bola papunta sa kabila nang net.

Dito ko napapatunayan sa sarili ko na, walang paki si Ryder sa makakakita sa aming dalawa. Na hindi mahalaga dito ang sasabihin nang iba tungkol sa aming dalawa.

Sa gitna nang parami nang parami na nanunuod sa mga nag eensayo sa field, naramdaman kong may tumama sa aking ulo. Tumingin ako sa paligid para hanapin kung sino ang nambato, ngunit hindi ko ito makita.

"May problema ba, Dean ko?" pagtatanong ni Ryder, malamang napansin nito na wala ang pokus ko sa mga nag eensayo.

"Wala," depensa ko "namamangha lang ako sa husay nila Marco at Jaxon, hindi ko inakala na mga manlalaro pala sila."

"Bakit akala mo ba puro pang ga-gago lang alam nang dalawang yan?" natatawang sagot ni Ryder sa akin.

Pero hindi naman talaga sumagi sa isip ko na mahusay palang maglaro nang volleyball itong si Jaxon at Marco. Kung iisipin kasi parang puro kalokohan lang ang alam nitong dalawa. Nakakatawang isipin na si Cameron pa pala ang talentless sa barkada.

"Ganoon na nga," nanatawang tugon ko. "Ay, mauna na ako sa inyo ah. Kailangan ko na rin mag ensayo."

Agad naman na akong tumayo at gayon din si Ryder. Nagpaalam na din ito kay Cameron at nag bilin na si Cameron na bahala sa dalawa at susuportahan naman daw ni Ryder, ako.

Naglakad na kami ni Ryder papunta sa area nang mga manlalaro nang badminton, nang mapalingon akong muli kila Jaxon at Marco. Kumaway silang dalawa sa akin nang nakangiti at sumesenyas nang 'galingan mo'.

Malapit na kami sa area nang mga manlalaro nang mapansin ko ang isang bagay. "Ryder ko, nasa iyo ba yung raketa ko panlaro?"

Bakas sa mga mukha nito na wala sa kanya ang raketa ko pero nasaan iyon?

"Dean ko, naiwan mo ata sa bleachers doon sa pinag eensayuhan nila Marco at Jaxon. Balikan ko na lang" tugon ni Ryder.

Nagprisinta na ako na ako na lang ang bumalik para wam-up na rin sa akin. Bukod pa rito nakakahiya naman kay Ryder at siya pa ang magpapagod bumalik para lang kunin ang raketa ko.

Nais sana ni Ryder sumama pa sa akin pabalik, pero pinilit ko na ako na lang para mabilis lang at hindi na kami matagalan pa. Sumangayon naman ito at naupo na sa may tabi.

Pagkabalik ko sa kinauupuan namin ni Ryder, napansin ko sa lapag ang bag nang raketa ko. Agad ko itong kinuha at nagmadali nang bumalik sa area namin.

Hinihingal akong nakabalik, agad naman akong nilapitan ni Ryder at pinunasan nang face towel ang aking pawis.

Ito habang pinupunasan ako "kawawa naman ang Dean ko, pawisan na."

Pinagtitinginan na kami nang ibang tao pero wala itong pakielam. Napansin ata ni Ryder na nahihiya at conscious ako dahil bigla itong huminto at tumingin sa paligid.

"Ano bang paki nila? Wala lang silang pogi at maalagang boyfriend tulad ko" sambit ni Ryder sabay halik sa aking mga labi.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon