Kabanata XV

67 7 17
                                    

Umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga tinuran sa akin ni Raven. Hindi ko magawang maniwala sa sinasabi nito sakin, gusto? Paano ako maniniwala sa mga kataga na iyon pagkatapos niyang umamin na pinlano niya ang lahat?

"Alam ko na ang totoo Raven, bago ka pa umamin sa akin." Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"Sorry, kaya nga heto ako ngayon sinasabi sayo ang totoo. Gusto kong magsimula tayo ulit" tugon nito.

Inalis ko ang kamay ni Raven sa aking mukha "Paano ako sayo magtitiwalang muli, paano ako sayo maniniwala pagkatapos nang lahat nang iyon?!"

Napaatras ako nang bahagya nang bigla nitong nilapit ang kanyang mukha, sa aking mukha. "Ipaparamdam ko sa iyo" ika nito nang halos pabulong.

Tila tumigas ang buong katawan ko at hindi ako makakilos. Napapikit ako nang maramdaman ko sa aking mukha ang bawat paghinga ni Raven.

Nagulat ako nang may humila sa akin palayo. Pagmulat ko nang aking mga mata nakita ko si Ryder, gigil na gigil na sinapak si Raven. Napaharap si Raven sa kanyang likuran dahil sa impact nang sapak ni Ryder.

"Anong ginagawa mo kay Dean, Raven?" Galit na tanong ni Ryder.

Gumanti nang sapak si Raven "Anong bang pake mo, natatakot kang maagawan nang laruan mo? Gusto ko si Dean kaya tigilan mo na siya" pagbabanta ni Raven.

"Tumigil na kayong dalawa!" pagsinget ko sa mainit nilang usapan. Huminto si Ryder at Raven at tumingin sa akin. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat.

Napansin ko din na nakatayo si Bea sa hindi kalayuan. Nakatingin lang ito sa mga nangyayari. Mapapansin sa mukha nito ang pagalala niya kay Ryder.

"Ano bang problema mo, Ryder? Umalis ka dito, hindi kita kailangan" inis kong turan.

Pansin sa mukha ni Ryder na napalitan ang galit sa mukha nito, nang lungkot sa mga tinuran ko. "Umalis ka na dito please, sama mo na yang syota mo" pagpapatuloy ko.

"Edi halika na, Dean" sambit nito na dahilan para lalong magpanting ang mga tenga ko.

"Hindi ka ba nahihiya kay Bea? Ayan lang siya oh nakikita at naririnig niya ang ginagawa mo" galit na ika ko habang itinuturo si Bea.

"Si Bea syota ko?" Gulat na gulat na sambit nito. Napakamot ito sa kanyang ulo at nagpatuloy "Kakambal ko si Bea."

Nanlaki ang aking mga mata at tinignan si Bea. Ngumiti ito sa akin at nagtaas nang kamay na parang nahihiya. Tumingin naman ako ngayon kay Ryder. SHIT! Magkamukha nga sila. Bakit hindi ko napansin iyon agad?

Humarap ako kay Bea "yung kapatid na tinutukoy mo napupuntahan mo nung unang beses tayo magkakilala ay si Ryder?" Paglilinaw ko.

Tumango lang ito bilang tugon. "Eh bakit kayo nagyayapusan sa ilalim nang puno?" Paguusisa kong muli.

"Dean," malambing na sambit ni Ryder nang pangalan ko. "Narinig ko kasi na may natitipuhan kang babae, nasaktan ako kaya naman nagpa-comfort ako sa kakambal ko."

Parang gusto kong kainin nang lupa sa mga naririnig ko. Simula't sapul ako lang pala ang gumawa nang mga senaryo sa isip ko. Masyado akong natakot malaman ang katotohanan. Imbis magtanong ako, nag assume ako.

Ang tanga tanga ko! Pinalaki ko nang sobra ang problemang sa isip ko lang nagsimula.

"Nagselos pala ang Dean ko" pang aasar ni Ryder.

"Tumigil ka nga, anong Dean ko?!" Inis na sagot ko.

"Hindi pa tapos ang laban, Ryder. Hindi pa sa iyo si Dean. May the best man win, liligawan ko na nang totoo si Dean" pagsingit ni Raven sa mainit na usapan namin Ryder.

Lumingon naman si Ryder kay Raven "lalaki sa lalaki."

Nagulat ako nang inabot nila ang kanilang kamay sa isa't isa. Totoo ba itong nakikita ko si Raven at Ryder nagkakasundo, at may pagkakamay pa talaga.

"Lalaban ako nang patas" tugon ni Raven.

"Ang hindi mapipili ni Dean, lalayo na at titigilan na si Dean" dagdag ni Ryder. At para namang nakakasigurado siya, na siya ang pipiliin ko.

Teka, bakit naman ako pipili sa kanila?! Mga walangya, pinangunahan na ko sa gagawin ko.

Alam niyo yung pakiramdam na gusto mo silang dalawa sapakin. Mas babae pa ako doon kay Bea. Pinagaagawan ako nang dalawang kalalakihan. Higit pa doon, naguusap silang dalawa na tila wala kami dito ni Bea. Mga hayop!

"Tapos na ba kayo mag usap? Uuwi na ko" inis na sambit ko at tumalikod sakanilang tatlo.

"Hatid na kita" pag offer ni Ryder.

"Ako ang maghahatid sa kanya" singet ni Raven.

"Uuwi akong magisa, kaya ko ang sarili ko" ika ko at napatuloy nang maglakad palayo.

"Kami na ang bahala kay, Dean" sabi nang boses mula sa likod ko.

Shit! Nakalimutan ko na ang tatlong mokong, plano nga pala namin paaminin si Raven habang nirerecord nila sa video at gamitin pang blackmail dito.

Hindi na ko lumingon sa hiya, malamang nasaksihan nang tatlo, yung mga kaganapan kanina. Panigurado aasarin ako nang mga ito. Kakabuwiset! Sana naman hindi na nila kinuhaan nang video yung mga nangyari.

Nakakahiya talaga!

"Teka, antayin mo ang the three musketeers!" Sigaw ni Jaxon.

"Bagalan mo lakad mo, Dean. Baka matalisod ka sa haba nang buhok mo" pang aasar ni Marco.

Nang maabutan ako nang mga ito, mukhang tanga silang nakatingin sa akin habang nakangiti. Tinignan ko sila nang masama at tinanong kung anu-ano ang nakuhaan nila nang video.

Natatawa silang sumagot na, lahat. At hindi lang iyon, may kanya kanyang kuha pa daw sila sa cellphone nila. Wala daw silang pinalampas na bawat sandali.

Naiinis akong nagreklamo sa tatlong mokong na all along nandoon din sila, bakit nila hindi pinigilan ang mga nangyari.

"Bro, it was too good. We can't do that" depensa ni Cameron.

Good ka diyan?! Itong biik na ito.

"Hinahanap ko nga yung subtitle kanina. Akala ko kasi nanunood ako nang eksena sa drama" pangaasar ni Jaxon.

"Arte arte mo kanina, akala mo naman may boobs ka" dagdag ni Marco.

"Hayop! kaibigan ko ba talaga kayo?" Nagtawanan kaming apat.

Grabe talaga, sobrang lakas mangasar nang mga ito. Patibayan na lang talaga, ang mapikon talo. Sobrang namiss ko ito. Yung magkakasama kaming apat nagtatawanan. Tagal ko din nagtiis kasama yung mga alipores ni Raven.

Sa huli hindi ko mawari kung nagtagumpay ba kami o hindi sa plano namin laban kay Raven. Paano ba naman biglang nagtapat nang nararadaman niya para sa akin.

Tapos si Bea at si Ryder pala kambal kaya ba natitipuhan ko si Bea kasi nakikita ko sa kanya ang ugok na si Ryder?

Nagising ako sa malalim kong pagiisip nang marinig ko ang boses ni Raven mula sa cellphone ni Jaxon.

"I like you, Dean. For reals."

Shit! Pinapanood nila yung video kanina.

"Hoy, mga lapastangan panood din ako!" Sigaw ko sa tatlo na bising-busy na nanunood sa cellphone ni Jaxon.

"Maya ka na manood. Sa dorm mo na lang, ipapasa ko na lang sayo mamaya" pangaasar ni Jaxon.

Tignan mo ang mga ito, tuwang tuwa na naman. Paniguradong sisirain nang mga ito ang buhay ko sa pambubully nila. Kung pwede ko lang plasteran mga bibig nang mga ito para manahimik, ginawa ko na.

Nang makauwi ako sa bahay saktong may nareceive akong message. Agad ko naman itong binuksan at sinilip. Totoo ngang sinendan ako ni Jaxon nang kopya nang video kanina.

Nanlaki ang aking mata at zinoom pa ang isang eksena habang pinapanood ang video. Hindi ako nagkakamali totoo nga ang nakikita ko.

Yari!

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon