Sinamahan ako ni Bea bumalik sa dorm ni Ryder. Blanko ang aking isipan at mabigat ang aking damdamin. Hindi ko alam saan mag uumpisa.
Matahimik na binuksan ni Bea ang dorm ni Ryder. Sa hindi ko mawaring kadahilanan, nakaramdam ako nang matinding lungkot habang pinagmamasdan ang paligid nang dorm.
"Dean, hindi na ako papasok sa loob. Hihintayin na lang kita dito sa labas" wika ni Bea at nagpatuloy na akong pumasok sa loob.
Nag umpisang mangilid ang aking mga luha pero pilit ko itong pinipigilang umagos. Bakit ganoon, akala ko ayos na ako kanina? Bakit nararamdaman ko na naman ang labis na sakit?
Sa bawat sulok nang dorm tila may naiwang masasayang alaala na mananatili na lamang na alaala. Para akong nanunuod nang trailer nang isang palabas kada napapatingin ako sa isang sulok.
Napatingin ako sa hapag kainan at naalala ang masasaya at malalambing naming agahan ni Ryder. Pinagluluto ko siya nang almusal at siya naman panay ang halik at yakap sa akin. Bahagya akong napangiti na mabilis din namang binawi sa akin nang maalala ko ang mga naganap kanina, yung dismaya at lungkot nang mukha ni Ryder nang makita niya kami ni Krystal; sobrang sakit na tila pinipitpit nang martilyo ang aking puso.
Pagpasok ko nang kwarto, naalala ko ang pangungulit nito bago kami matulog, ang mga pang aasar nito at pagyakap nang mahigpit. Tapos maaalala ko na lang na dapat may unan sa may pagitan namin, pag gising ko na kinabukasan at makikita ang unan na dapat pang harang na nasa lapag.
Parang binuksang dam ang mga mata ko nang umpisahan ko nang mag impake. Hindi ko mapigilan ang pag agos nito habang sinasalansan ang aking mga gamit.
Nagkusa ding matapos ang aking pagluha nang matapos ko isalansan ang aking mga gamit, naisipan ko na magsulat nang note para kay Ryder. Para sana kahit papaano makapagpasalamat at makahingi man lang ako nang tawad bago ako umalis sa puder niya.
Binuhos ko ang buong puso ko sa pagsusulat sa liham na ito. Hindi ko akalain na gagawin ko ito, sa tala nang buhay ko. Simula nang pumasok ako sa unibersidad na ito, naging mala teleserye na ang mga ganap sa buhay ko. Sarap tuloy umpisahan ang liham ko nang 'dear ate charo'.
Nang matapos ko sulatin ang aking munting liham kay ate charo, este kay Ryder, pinaskil ko ito sa pinto nang fridge.
Tinitigan ko ang buong paligid at inabsorb ang lahat nang mga natitirang masasayang alaala dito sa dorm ni Ryder, huminga ako nang malalim at nagpatuloy nang lumabas nang dorm.
Paglabas ko nang dorm nakita ko si Bea na kanina pa sa akin nag aantay, ngumiti ito nang mapait at nagpatuloy na kaming pumunta sa aking dorm.
Nang makarating kami ni Bea sa aking dorm, binuksan ko kaagad ang aking pinto at mapang-uyam na sinambit ang 'home sweet home'. Kasalukuyan pa ring magulo ang dorm ko tulad nang iniwan namin ito ni Ryder nang pansamantala ako lumipat sa dorm niya.
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Bea sa nadatnan niya sa dorm ko "WTF! Ito yung sinasabi mo sakin na ginawa ni Krystal kanina?! I never thought na ganito kalala, I almost thought na you were exaggerating because you were upset." Sambit ni Bea nang may inis.
Dahan dahan kaming pumasok sa loob at nag hanap nang puwedeng paglapagan nang gamit. "Bea, hindi mo na ko kailangan tulungan mag ayos dito sa dorm besides baka gabihin ka pa, kaya ko naman na ang sarili ko."
Nilapag din ni Bea ang kanyang gamit at hindi kaagad sumagot. Halatang tinatansya nito kung maari na niya talaga akong iwanan. "No, I'll help you for a bit then tsaka ako aalis, deal?"
Napakaswerte ko na lang talaga at nakasundo ko si Bea. Sa ganda at bait nang babaeng ito magtataka ka kung bakit walang boyfriend. "May choice ba ako?"
Nagkatinginan kami ni Bea at natawa, sa mga ganitong pagkakataon nakakalimutan ko nang bahagya ang bigat nang nararamdaman ko.
Unti unti naming inayos ni Bea ang dorm ko, inumpisahan namin sa pagtapon sa mga hindi na magagamit na mga kasangkapan.
Natutuwa ako kay Bea halatang hindi sanay mag linis pero pinipilit niya kong tinutulungan. Hindi ko maiwasang mapangiti sa effort ni Bea.
"Medyo late na, Bea. I think you should go na para hindi ka masyadong late makauwi" suhestyon ko kay Bea na pinipilit magwalis.
Tinignan nito ang relo niya at sumangayon sa aking sinasabi, "gusto ko pa sana mag stay at samahan ka pero medyo late na nga."
"Oo, baka kung ano pa sabihin..." napahinto ako at napaisip kung ano ba ang itatawag ko kay Ryder, "nang ka-kambal mo."
Nagpaalam na ito at nag ayos na nang kanyang gamit. Inihatid ko ito hanggang sa labas lang nang pinto dahil marami pa akong aayusin.
Pagkaalis ni Bea bigla akong nakaramdam nang pagkalumbay, mas lalo ko ngayon nararamdamang may kulang. Nangungulila na ako kay Ryder.
Nilunod ko na lang ang sarili ko sa pag aayos at linis nang dorm. Pagkatapos ko mag walis, nagwalis ulit ako. Yung napunasan ko na, pinunasan ko pang muli.
Mga tatlong beses ko din sigurong inulit ulit yung paglilinis at ayos ko dito sa dorm para lang maiwaglit kahit panandalian lang sa isipan ko ang mga naganap kanina.
Minsan kasi nakakainis ang isip ko, kung ano pa yung ayoko na isipin iyon pa ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko na parang naka repeat ang mga sinaryo.
Naisip ko din kasi na mas okay kung sobrang mapapagod ako para derecho tulog na ako pag humiga ko sa kama. Yung tipong para akong nakainom nang sleeping pills.
Nang matapos ako maglinis naligo na ako at dumeretso na nang higa sa kama. Pagod na pagod na ang katawan ko, pero parang wala itong plano matulog. Gising na gising pa rin ang aking diwa.
Pakiramdam ko kanina pa ko nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Nakakabaliw talaga ang pagiisa. Kundi ako napapangiti sa mga alaala namin ni Ryder, napapaluha naman ako kapag naaalala ko ang dismayadong mukha ni Ryder kanina.
Halos galugarin ko na ang buong kama kaka ikot para lang makahanap nang magandang puwesto pero hindi ako nagtatagumpay.
Bumangon ako nang bahagya at umupo sa kama. Ngayon ko lang naisip simula pa kaninang nag walkout si Ryder, wala pa akong ginawa para magpaliwanag sa kanya.
Tapos umalis pa ko sa dorm niya at nag iwan lang nang sulat, enough na ba iyon? Hindi ba mas nakaka insulto at asar iyon sa part niya?
Bakit mas inisip ko pa yung nararamdaman ko at magiging reaksyon niya kesa kumilos at mag effort para magpaliwanag sa kanya?
Bumangon na ko nang tuluyan at nagmamadaling nagpalit nang damit. Kailangan ko siyang makausap ngayon, eh ano naman kung ayaw niya akong kausapin ang importante sinubukan ko, may ginawa ako. I will have no regret.
Kahit na wala itong kasiguraduhan nagdala ito nang ngiti sa aking mukha. Nakaramdam ako nang excitement, kaba, halu-halo na.
Lumapit na ako sa aking pinto nang at tinignan kung mayroon ba akong naiwan, kung may kailangan ba akong dalhin. Nang masigurado kong wala, hinawakan ko na ang doorknob upang buksan ang pinto.
Nagulat ako at napa talon nang bahagya nang pipihitin ko na sana ang doorknob pero biglaang may kumakatok sa pinto.
Tila naglaro nang jump rope ang puso ko sa loob nang aking dibdib. Napaka lakas nang kalabog nito, sino naman kaya ang pupunta dito sa dorm nang ganitong oras?
Dahan dahan kong binuksan ang aking pinto at natulala sa aking nakita, tila nakalimutan ko kung paano magsalita at kumilos.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...