Akala ko madali lang mag-isip ng plano para makabawi kina-Raven pero hindi pala. Ilang araw na rin akong nag-iisip ng maitim na plano pero wala talagang pumapasok sa isipan ko na kahit ano.
Siguro hindi lang talaga ganun kaitim ang budhi ko kaya wala akong maisip. Kaya naman heto, kailangan ko magpakatatag at magpanggap na wala akong nalalaman.
Natatandaan ko sa mga napapanood kong drama serye, ang kailangan kong unang gawin ay alamin ang weakness ng aking kalaban. Eh ano bang weakness nila Raven?
Biglang napaisip tuloy ako.
Eh si Ryder kaya? Ibig-sabihin ba nito iniisip ni Raven na ako ang kryptonite ni Ryder? Aba, doon siya nagkamali, may Bea ang ugok na iyon. Mag-sama silang dalawa, mga malalande!
Mabalik tayo kay Raven, hindi kaya si Krystal? Ano naman pwede ko gawin kay Krystal para makabawi ako kay Raven? Hindi ko naman pwede harutin kasi si Ryder lang ang gusto ng babaeng iyon.
Hindi ko rin naman kayang manakit ng isang babae. Lalo na sa gaya ni Krystal na wala namang masamang ginawa laban sa akin.
Mabubuang na ata ako kakaisip. Magpatulong kaya ako sa tatlong mokong?
Baka makipagrambulan lang din ang maisip gawin ng mga iyon, ang kaso nga matatalo lang kami sa suntukan. Hindi namin matatalo ang mga alipores ni Raven, lamang sila masyado sa bilang.
"Matatapos na ang lunch break nakatulala ka pa dyan. Ayos ka lang ba parang ang lalim kasi ng iniisip mo," pag-aalala ni Raven sa akin.
Maniwala akong totoo iyang concern mo. Mabuti na lang talaga at alam ko na pakitang tao lang yang pagka-concern mo.
Hindi na sa akin tatalab yan.
"Ahh, ganoon ba? Pasensya na ah, medyo napuyat lang ako kagabi kaya inaantok ngayon," pagsisinungaling ko.
"Ah, ganoon ba?" tugon ni Raven at lumapit sa tabi ko.
Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Gusto ko sanang mag-react pero baka mabulilyaso ang mga plano ko kaya naman hinayaan ko na lang siya.
"Umidlip ka na muna sa balikat ko," sambit ni Raven ng may kasamang lambing.
Napansin ko sa hindi kalayuan si Ryder na tinitignan kami ni Raven, bakas sa mga mukha nito ang lungkot. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Bakit ako nasasaktan makita na nahihirapan at nasasaktan si Ryder? Magkaaway siguro sila ni Bea. Pumikit na ako at kunwari nagpapahinga para hindi ako mawala sa mission ko.
Makalipas ang ilang minuto bumalik na ako sa klase pursigido na akong sabihin sa tatlong mokong ang nalaman ko. Alam ko naman sa sarili ko na mapagkakatiwalaan ko ang mga ito.
Nilapitan ko sila at nagsabi na may importante akong sasabihin sa kanila. Walang patumpik-tumpik at nagkumpolan kaming apat, nakatingin sila sa akin na parang nag-aabang ng pabuya.
Tignan mo itong mga toh, napakatsismoso.
"Bilisan mo na magkwento at baka tumunog na ang school bell," ika ni Marco. Natawa naman ako dito kasi totoo na lagi akong nakakaligtas magkwento dahil sa schoolbell na iyan.
"Wag niyo i-pressure si Dean, he said naman na he's going to tell us," pagtatanggol sa akin ni Cameron.
"Daming sabi," pang-aasar ni Marco kay Cameron.
"Laging nagtatalo, nagmamahalan naman," pa-simpleng hirit ni Jaxon.
"Ahem..." pagsinget ko sa kanila bago pa tuluyang mapasma ang bibig ni Marco at kung ano pa ang sabihin.
Sa totoo lang hindi ko alam paano uumpisahan ang kwento sa kanila. Sasabihin ko pa ba yung tungkol kay Bea at Ryder?
Napagpasyahan ko na hind naman importanteng malaman nila ngayon yung tungkol kay Bea at Ryder. Bukod doon mali na sa akin manggaling iyon o baka naman matagal na nilang alam, hindi lang nila alam na si Bea yung mystery girl ko.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...