Kabanata XVII

72 9 16
                                    

Namutla ang aking mukha sa aking binasa. Natataranta kong itinago ang liham nang makarinig ako nang mga yabag nang paglalakad. Nakita ko ang tatlong mokong na papalapit sakin.

"Bro, how was your date with Ryder?" Tanong ni Cameron nang nakangiti.

"Kadiri, parehas lalaki naghaharutan" pangaasar ni Marco.

Napatingin ako sa reaksyon ni Cameron sa sinabi ni Marco. Tila parang nabalutan nang maiitim na ulap ang kaninang maaliwalas na mukha ni Cameron.

"Paano kung ako ang humarot sayo?" Lakas loob na pagtatanong ni Cameron kay Marco.

Halatang hindi kumportable si Marco sa katanungan ni Cameron, kaya naman nanahimik lamang ito na tila walang narinig.

"Naglaplapan kayo, Dean?" Banat ni Jaxon sakin para basagin ang katahimikan na biglang bumalot sa paligid.

"Mga loko tigilan niyo ko, Kumain lang kami ni Ryder" depensa ko sa banat ni Jaxon.

"Nagkainan kayo? Mga baboy!" muling banat ni Jaxon.

"Mag-ingat ka sa pagsabi nang baboy, nasasaktan si Cameron" hirit naman ni Marco.

Sumimangot si Cameron "mag di-diet na ako."

"Para mag mukha kang adik, hindi nga kasi sayo bagay ang payat" galit na sambit ni Marco sa tinuran ni Cameron.

"Mang-aasar nang mataba tapos kapag magpapapayat, ayaw naman" pabulong na pagrereklamo ni Cameron.

Ngayon ko lang napansin na iba ang care ni Cameron at Marco sa isa't isa. Hindi man nila amining dalawa pero nakikita sa pakikitungo nila sa isa't isa.

Napansin ko na dumaan si RJ, malamang nakita ako nito pero nahiya lang ako iapproach dahil sa mga mokong na ito.

"RJ, dyosa nang unibersidad!" Pagtawag ko dito.

Huminto ito at lumingon sa amin nang nakangiti. Lumakad ito papalapit sa amin na tila ba narampa sa stage. Nagpose ito nang tatlong beses bago nag pakilala.

"Nasainyong harapan ang babaeng lumunok nang bato, naging lobo. Angel...Locsin! Angel Locsin na nagsasabing binigyan ako nang mapupungay na mata, matangos na ilong at magandang mga labi. Ngunit nagaway away sila kaya ang resulta, mukhang terorista and I thank yah!" sambit ni RJ nang nakangiti at may pagkaway sa huli.

Nagtawanan kaming apat sa introduction ni RJ, may pakulo pa talaga siya. Kakaiba talaga itong si RJ.

Ipinakilala ko na si RJ sa tatlong mokong at halata ang galak sa mga mukha nito. Hindi ko malaman kung dahil ba nakakatuwa si RJ o baka naman dahil nakahanap sila nang bagong mabu-bully.

Mabuti na lang at napakahusay makisama nitong ni RJ parang ako pa ata ang nao-OP(Out of Placed) sakanila. Tuloy tuloy ang usapan at hiritan nila, nakakatuwa na nagkakasundo ang mga kaibigan ko.

Tumunog na ang school bell at nagmadali na kaming pumasok sa aming mga klase. Mabilis na nagdaan ang oras na tila ba umaagos ito.

Nakikiramdam ako kung may pakulo na naman yung dalawa para sa akin ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong napapansin na kakaiba.

Pagkalabas namin nang klase, ako'y namangha sa aking nakikita. Ang mga alipores ni Raven ay nakalinya na tila may maharlikang daraan sa gitna.

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang biglang umiret si RJ "Girl! Ikaw na talaga, ang haba nang buhok mo. Sana all!"

"Nakakahiya kaya. Ka-lalaki kong tao tapos nililigawan ako nang dalawang kalalakihan" tugon ko sa kumento ni RJ.

"Anong masama doon? Walang masama sa pagmamahal, girl" sambit nito na may paghampas nang mahina sa aking braso "Kung ayaw mo nang panliligaw nila, edi pumili ka na sakanila."

May punto si RJ, wala namang masama sa pagmamahal pero hindi ko lang alam kung ako mismo, tanggap ba ang sarili ko. Inaalala ko kung matatanggap ako nang ibang tao pero mali pala ako dapat pala iniisip ko kung matatanggap ko ba ang sarili ko. Paano ako tatanggapin nang ibang tao kung ako mismo hindi tanggap ang sarili ko.

Tinulak ako ni RJ nang bahagya papunta sa gitna, agad namang may lumapit sa akin na alipores ni Raven para akayin ako sa paglalakad. Lumingon ko sa mga kaibigan ko para humingi nang tulong makaalis sa awkward situation ko, ayokong sumama sakanila. Nahihiya ako.

Nakangiti ang mga itong kumaway sa akin habang inaalalayan ako maglakad nang isang alipores ni Raven. Nararamdaman at nakikita ko sakanila ang kanilang supporta, lalo na ang pangaasar nila na nakaguhit sa kanilang mga mukha.

Mga hayop!

Humarap na ako at tinignan kung saan ako dadalhin nang alipores ni Raven. Sa dulo natanaw ko ang isang kotse na tila naka abang saamin. Napansin ko na nakatayo si Raven sa harapan nang pinto at inaantay kami. Pinagbuksan ako nito nang pinto at pinapasok sa loob nang sasakyan.

Muli akong lumingon sa mga kaibigan ko at kumaway para magpaalam. Habang palayo nang palayo ang sasakyan namin sa mga kaibigan ko unti unti naman silang naglalaho sa paningin ko.

Hindi ko alam pero simula nang nagsimula si Raven na ligawan ako, nakaramdam na ako dito nang pagkailang. Lalo akong naiilang sa mga tingin nito sa akin at ngiti sa huli. Nais ko man basagin ang katahimikan pero wala akong maisip na pwede naming pagusapan.

Nagulat ako nang hawakan nito ang aking kamay, parang may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan. Agad ko namang kinuha ang kamay ko at ngumiti dito. Ayoko namang sumama ang loob sa akin ni Raven.

Nabanaag ko sa binta ang isang hotel like restaurant. Napaka elegante nito at mukhang maghihirap ako kapag dito ako kumain mag-isa. Laking gulat ko na dito kami patungo para kumain. Binaba kami nang driver ni Raven sa drop-off nang restaurant.

May waiter na agad na naka abang sa amin pagkapasok na pagkapasok namin nang pintuan. Inihatid na kami nito sa aming mesa.

Grabe yung vibe dito nakakailang, hindi ako bagay sa mga ganitong lugar. Naaappreciate ko ang effort at gastos nito pero hindi naman kailangang maging magarbo para maparamdam sa akin na mahal nila ako. Sapat na sa akin kahit simpleng lutong bahay.

Naalala ko tuloy si Ryder. Pinagluto niya pa si Bea para sa akin. Nakakahiya tuloy kay Bea. Hindi ko naiwasang mapangiti sa alaalang biglang tumakbo sa akin isipan. Iyong pakiramdam na naiparamdam niya sa akin ay ang isa sa mga the best na feeling.

"Dean, mukhang masaya ka ata?" Pangaasar nito habang nakangiti. Akala siguro ni Raven siya ang dahilan nang pag-ngiti ko.

"Salamat dito, Raven" tanging naitugon ko.

Ngumiti ito at tinawag na ang waiter para kunin ang order namin. Hinayaan ko nang si Raven na lang ang umorder at hindi ko rin naman alam yung mga pagkain sa menu. Mabuti sana kung sa tapsihan kami, ako pa ang mauunang umorder.

Kung si Ryder siguro kasama ko rito hindi iyon papayag na siya ang oorder para sa akin. Lakas topak nun eh, ipipilit nun na ako ang kakain kaya ako ang umorder nang para sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis, bakit naman naiisip ko pa si Ryder eh nandito ako kasama ni Raven. Tama pa ba itong tumatakbo sa isipan ko? Wala na ba akong ibang maisip na tao kung hindi si Ryder?

Napansin ni Raven na ang lalim nang iniisip ko kaya naman tinanong ako nito "ayos ka lang ba, Dean?"

Sa totoo lang hindi ko na din alam Raven, nabubuang na siguro ako. Magkasama lang naman kami ni Ryder kanina kumain nang tanghalian pero pakiramdam ko nangungulila na ako sa kanya.

Shit! Is this love?!

"Ayos lang ako, Raven. Hindi ko lang maiwasan mamangha sa ganda nang restaurant na ito" pagsisinungaling ko.

Ngumiti si Raven at ipinaliwanag na isa sa family business nila ang restaurant na ito. Patuloy pa siya sa kanyang pagkukuwento nang may pumukaw sa aking atensyon.

Anong ginagawa niya rito?!

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon