Kabanata LI

27 7 14
                                    

Grabe ang tibok ng puso ko, palakas ito ng palakas habang papalapit ang oras ng lihim na pagkikita namin ni Krystal. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nasasabi sa barkada na lumapit ako kay Krystal para kumuha ng impormasyon. Alam ko kasing hindi sila papayag dahil sa nakaraan

Pagdating ng uwian, dumeretso na ako kaagad sa lugar kung saan kami magkikita ni Krystal. Wala pa ito kaya naman hindi ko maiwasan ma-imagine ang mga maaring sabihin nito na lalong nagpakaba sa akin.

Sa hindi kalayuan nakita ko si Krystal na papalapit sa akin ng nakangisi; nakalimutan ko kung gaano nakakagigil ang pagmumukha nitong si Krystal, ang sarap hambalusin kahit isang beses lang.

"Aga mo ah, kanina ka pa nag-aantay?" Pagtatanong ni Krystal na may halong pangunguyam.

"Hindi naman, ayoko lang pag-antayin ka ng matagal" pagpapalusot ko habang sinusubukang pigilan ang sarili ko na patulan ang pang-aasar nito.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumeretso na sa tunay na dahilan kung bakit ako nakipagkita kay Krystal, "huwag na natin patagalin ito, anong alam mo sa nangyayari?"

Kitang-kita sa mukha at reaksyon ni Krystal na nag-eenjoy siya sa mga nagaganap ngayon. Hindi mapagkaila ang ngiti sa mga labi ng bruha, "akala mo siguro nagwagi ka noh?!"

Tumawa ito na para bang pabor na pabor sa kanya ang mga nangyayari; kakainis talaga, konti na lang talaga hindi ko na mapipigilang sakalin ang babaeng ito.

"Akala mo ba mahal ka ni Ryder? Pare-parehas lang tayong ginamit niya dahil bored siya. Pampalipas oras ka lang niya at mukhang nagsawa na rin siya sa iyo"

Parang patalim na humiwa sa akin ang mga salitang binitawan ni Krystal. Gusto ko magalit at ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko magawa.

"Alam mo ba kung bakit narito ang lola ni Ryder?" mapang-asar na tanong ni Krystal. Tinitigan ko lang siya at naghintay na ipagpatuloy nito ang kanyang sinasabi, "kasi nalalapit na ang kasal ni Ryder sa long term girlfriend niya kaya sinundo siya ng lola niya para makapamanhikan na sila."

Tila may dumagang malaking bato sa aking puso. Hindi ko alam paano mag rereact sa mga tinuran ni Krystal. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya pero ano pa bang choice ko? Ayaw nga magpakita sa akin ni Ryder kahit nga paramdam hindi rin magawa. Kahit ang matatalik na kaibigan niya hindi alam ang mga nangyayari.

Unti-unting nilamon ng kalungkutan ang puso ko. Kusang namuo ang mga luha sa aking mga mata pero kahit ganoon gusto ko pa rin makumpirma mismo kay Ryder ang mga tinuran ni Krystal kaya naman ginawa ko ang isang bagay na never kong naisip na gagawin ko sa tala ng buhay ko.

"Krystal, nagmamakaawa ako sayo. Please, tulungan mo ko, kailangan kong makausap si Ryder kahit saglit lang." Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko sa aking mata. Dahan-dahan din akong lumuhod sa sahig habang tinitingala si Krystal.

Makikita sa mukha nito na hindi ito kumportable sa ginagawa ko kaya naman pumayag ito at pinatayo ako kaagad.

"Tutulungan kita basta tigilan mo yang ginagawa mo. May naiisip na akong plano. Sa araw ng pag-alis ni Ryder gagawa ako ng paraan para magkausap kayo."

Nakaramdam ako ng konting saya sa mga huling sinabi ni Krystal hindi ako makapaniwala na tutulungan ako ni Krystal.

Umirap ito at nag-ayos ng sarili. Ipinaliwanag na nito ang detalye ng kanyang plano sa akin at mukhang pwede nga ito pero mukhang mahihirapan kami sa pinaka-importanteng bagay sa plano ito, ang malaman ang araw at oras ng alis ni Ryder.

Doon na nagtapos ang tagpo namin ni Krystal. Pagkauwi ko sa bahay hindi ko maiwasan maisip yung mga sinabi sa akin ni Krystal. Deep inside kasi nararamdaman kong may katotohanan sa mga sinasabi nito.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon