Kabanata III

117 13 1
                                    

Halos isang linggo na ang nakalipas simula ng dumating ako sa paaralang ito. Napakarami na agad ng nangyari. Mabuti na lang mabait yung direktor at pumayag na mailipat ako sa mas maliit na kwarto.

Kasama ng paglipat ko ng kwarto, ang palipat ko ng building. Naging magandang dahilan ito upang maiwasan ko ng tuluyan si Ryder.

Medyo nakapag-adjust na rin ako ngayon. Hindi na ko masyado naliligaw sa loob ng unibersidad pero may mga pagkakataon pa rin na hindi ko alam kung nasaan ako.

Nag-uumpisa na rin manghikayat sumali ang mga organisasyon dito sa school. Merong mga clubs na ang focus ay academics, meron naman sa sports. Hindi ko pa nga maisip kung gusto ko ba sumali sa mga club dito sa school, medyo wala pa kasing nakakapisil ng atensyon ko.

"Dean!" narinig kong tawag sa akin ng isang propesor. Pinabasa sa akin nito ang ilang pahina sa lesson namin.

At oo nga pala, si ate na late sa flight ang naging homeroom adviser ko. What are the odds, hindi ba?

Bago ako magbasa napansin kong napatingen sa akin ang mga kaklase ko. Bigla ko tuloy napagtanto naka-isang linggo na kaming pumapasok sa klase ngunit wala pa ko ni-isang naging kaibigan sa kanila.

Naalala ko tuloy bigla si Ryder.

Bigla akong nakaramdam nanghiya at lungkot. Pagkatapos ng insidenteng iyon sa opisina ng direktor hindi na kami muli nagkausap pa. Ewan ko ba, iniiwasan ko siya sa tuwing nakikita ko siya sa malayo. Kaya naman ang ending naliligaw ako kakaiwas sa kolokoy na iyon.

Hindi ko nga maintindihan wala naman siyang masamang ginawa pero pakiramdam ko kasi niloko niya ko. Umasa din kasi ako na baka nga hindi siya katulad ng karamihan sa paaralang ito, na mayroon akong kaparehas ng sitwasyon.

Napakasaya ko ng akala ko may nahanap na ako na pwede kong maging matalik na kaibigan dito kaso sa huli, akala ko lang pala ang lahat. Anak pala siya ng direktor ng unibersidad na ito.

Siguro nung sinabi niya sakin na scholar siya ang tunay na ibig sabihin niya ay scholar ng tatay niya ta hindi ng unibersidad. Nakakailang na tuloy makita siya. Hindi ko alam paano aarte o ano sasabihin sa kanya.

Napahinto ako sa mga iniisip ko ng tumunog ang school-bell. Natapos ang klase ng ganoon. Lunch na pala.

Nagtungo na ako sa cafeteria para kumain at kahit naka-isang linggo na ako dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa laki ng school cafeteria para akong nasa foodcourt ng mall.

Doon pa rin ako sa usual kong kinakainan bumili ng pagkain, mabuti na lang at masagana sila magbigay ng allowance. at dahil sa agreement na idadagdag sa pokcet money ko yung excess may savings pa ko.

Pagkatapos ko bumili naghanap ako ng pwede ko mapuwestuhan na bakanteng mesa. Maraming kumakain ngayon kaya naman halos wala akong makitang pwesto.

Nagulat ako ng makakita ako ng bata sa isang mesa. Mag-isa lang itong kumakain sa mesa habang nakaupo.

Lumapit ako sa bata at tumingin naman ito sa akin.

"May nakaupo ba dito?" tanong ko. Umiling lang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Napaka-kyut niya parang gusto ko siyang iuwi sa bahay.

Nilapag ko na ang pagkain ko sa mesa at tumabi sa kanya at sinubukang kausapin ang bata habang kumakain.

"Mag-isa ka lang ba dito?"

"Mmmm... sabi po ni mommy, huwag daw po ako makikipagusap sa hindi ko kilala," sagot ng bata.

"Ako si Kuya Dean, mag-aaral ako dito. Ayan kilala mo na ko ah. Oh ito ID ko tignan mo," sagot ko. Tumingin ito sakin tapos sa ID ko na tila ba tinatansya niya kung puwede niya na ba akong kausapin.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon