Manunood daw nang badminton match ko si Ryder. Wala naman sanang problema rito kaso, hindi pa nga ako nakakapag try-out. Sabi ko lang naman, gusto ko sumali. Hindi kasali ako.
"Hindi pa nga ako nakakapag try-out," pagpapaliwanag ko.
"Hindi na kailangan" mariin na tugon ni Ryder.
"Bakit? Gagamitan mo nang koneksyon mo?"
"Hindi na kailangan kasi pasok ka na dito sa puso ko" banat ni Ryder nang sobrang proud at may pag turo pa sa puso nito.
Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maaasar sa ka-kornihan nito ni Ryder. Wala sa aming kumibo sa biro ni Ryder, bumalik na ito sa pagluluto at kinalimutan na ang mga nangyari kanina.
Nagulat ako nang mapansin kong nagluluha si Bea at biglang humagalpak nang tawa. Ngayon ko lang nakita si Bea nang ganito kasaya.
"Sorry, I was trying to hold it in pero sobrang korni bro" natatawang turan ni Bea kay Ryder.
"Korni ba? Nagpraktis naman ako sa isip ko. I think, It sounded great naman" tugon ni Ryder habang nakatingin sakin at nag pout na parang bata na nagpapa kampi.
"Alam niyo ang kyut niyong dalawa, lalanggamin na nga ako dito oh. Pero baka puwede mag almusal na muna tayo?" mapanuyang hirit ni Bea at nagpatuloy na kami sa aming pagkain nang almusal.
Habang nakain, walang tigil si Bea sa pagmumungkahi nang mga puwede namin gawin ngayong araw. Kaya naman binara ito ni Ryder at tinanong kung wala ba itong pasok ngayong araw.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Bea at ngumuso sa pag tanggi sa kanya nang kanyang kambal. Natapos ang aming pagkain nang almusal at ako na ang nag presintang mag hugas nang mga napagkainan.
Nagpaalam na si Bea sa amin para maghanda sa pag pasok. Naiwan na muli kaming dalawa ni Ryder sa dorm niya. Pagkalabas ni Bea nang dorm, nagmamadaling sinara ni Ryder ang pinto.
Bago pa man ako makalingon dito, naramdaman ko na lang ang mga bisig nito na naka pulupot sa aking katawan. Nararamdaman ko sa aking likuran ang init nang katawan ni Ryder. Nararamdaman ko rin sa aking batok ang bawat hininga nito.
Sobrang sarap nang mga yakap ni Ryder. Nagdudulot ito sa akin nang kakaibang saya at kilig.
Muntik ko nang mabitawan ang aking mga hinuhugasan nang bumulong ito sa aking tenga "mahal na mahal kita, Dean ko."
Tila may kuryenteng dumaloy mula sa aking tenga papunta sa aking buong katawan. Sobrang lakas na nang kabog nang aking dibdib, parang sasabog na ang aking puso.
Binitawan ko ang hinuhugasan ko at humarap kay Ryder. Agresibo kong siyang hinalikan, ramdam ko sa aking buong kalamnan ang pagkasabik ko maramdaman ang mga haplos ni Ryder.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit parang gusto nang umalis ni Ryder si Bea kanina pa. Kaya siguro hindi ito masyadong nagsasalita at nag bubukas nang mga paguusapan. Ito pala ang gusto niyang mangyari, ang makasama namin ang isa't isa nang kami lang.
"Mahal na mahal din po kita Ryder ko," pagtugon ko.
Naramdaman ko ang matinding kilig nang niyakap ako nito nang mas mahigpit kaysa kanina at hinalikan ako sa aking noo.
Sinyales ito nang pag galang nito at sinserong pagmamahal sa akin. na labis ikinatuwa nang puso ko. Hindi ko aakalain na mahuhulog ang puso ko sa taong ito. Ni-hindi ko naisip na posible kaming maging magkaibigan nung unang beses ko siyang nakilala.
Bumitaw na ito at nagpaalam na maliligo para pumasok. Kaya naman tinapos ko na din ang aking paghuhugas para makaligo na din at makapasok.
Pagkadating namin sa gate nang unibersidad, hindi ko alam kung paano ba dapat magpaalam kay Ryder. Hindi pa ako kailanman nagka jowa kaya naman wala akong ideya. Bukod pa doon, hindi tipikal na relasyon ang meron kami ni Ryder sapagkat parehas kaming lalaki.
Tinaas ko ang kamay ko at kumaway na paalam kay Ryder. Nakatingin lang ito sakin na tila may iniisip. Lumapit ito sa akin at humalik sa aking pisngi.
"See you later, Dean ko" sambit nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Mga hayop ang aga aga naghaharutan" banat nang isang pamilyar na boses sa aking likuran.
Nilingon ko ito at nakita si Marco, si Cameron at, si Jaxon. "At anong ginagawa niyo diyan?"
"Obviously, inaantay namin yung kaibigan namin na maligaya ang puso" banat ni Jaxon.
"Bro, gusto ka lang sana namin kamustahin" pagsinget ni Cameron sa banat ni Jaxon, "mukhang hiyang mo si Ryder."
Naramdaman ko ang pag akyat nang dugo sa aking pisngi sa banat ni Cameron. Hindi ko inasahan na kay Cameron manggagaling ang ganoong klaseng banat.
"Loko, tara na nga pumasok na tayo. Hindi ko alam na may lahing chismosong kapitbahay kayo" pabiro kong turan sa tatlo.
Nagtawanan kami sa banat ko at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aming unang klase.
"GHORL!" sigaw ni RJ sa hindi kalayuan. Minsan gusto ko busalan bunganga nito. Tama bang isigaw iyong tawag niya sa akin.
Nagmamadali itong lumapit sa amin. Tinignan nito ang tatlong mokong at kumindat nang nakanganga habang kumakaway.
"Hello, boys" bati nito sa tatlo at humarap na sa akin "girl, nabalitaan ko ang nangyari kagabi. Patingen nga, kung nabugbog ang iyong puwet. Paamoy na lang nang bibig. Charot."
"Baliw ka talaga, RJ" tugon ko "walang ganoon."
Nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap. Sobra ko ata siyang napag alala sa mga nangyari kagabi.
Naramdaman kong may humatak sa aking likuran palayo kay RJ. Nilingon ko ito at nakitang hinihila ako ni Marco.
"Ops, ops. Distansya" wika namin ni Jaxon na ngayon ay nasa gitna na namin ni RJ at hinawi kami palayo. "Physical distancing, kapag may jowa na."
"My ghad kayo, duh! Hindi kami talo ni, girl. Eew, lasunan ang peg?" hirit ni RJ na tila nandidiri sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto sa reaksyon ni RJ.
"Grabe, mukha ba kong nakakalasong palaka?" paguusisa ko.
"Shunga ka girl? Lason kasi, cannot be carry one. Wala akong balak maging tomboy" pagpapaliwanag ni RJ.
Sa totoo lang hindi ko pa rin naintindihan yung logic nang tinuturan ni RJ. Ano bang pinagkaiba nun sa kaming dalawa ni Ryder? Tsaka, si RJ magiging tomboy kapag pumatol sakin, meaning babae ako? Shit! Kaya pala girl ang tawag niya sakin. Tarantado din itong si RJ.
"Mga bro" pagsinget ni Cameron.
"Yes, sis?" tugon ni RJ. Pinigilan kong matawa. Ito na ba yung tinatawag nilang gaydar?
"Gagu sa sis, anyway. Malapit na kasi ang sportsfest and wondering kung maglalaro din kayo Dean at RJ."
"Kami lang, pano sila Marco at Jaxon?" tanong ko.
"Volleyball players kami ni Jaxon" tugon sakin ni Marco. "Yan si Cameron, walang sports yan. Pagpapalaki lang nang itlog ang alam niyan."
"Ay, patingin ako. To see is to believe" pabirong banat ni RJ, "char, mag cheerleader na lang ako para magka dyosa na sila sa squad."
"Ako, iniisip kong mag try-out sa badminton" pagsinget ko.
"Magaling ka pala humabol nang cock, este nang shuttlecock" hirit ni Jaxon.
At tumunog na ang schoolbell hudyat na malapit na magumpisa ang unang klase. Nagpaalam at humiwalay na sa amin si RJ. Nagmamadali naman kaming apat pumasok sa aming klase.
Pagpasok namin nang classroom nakatingin lahat nang mga kaklase namin samin. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa desk ko.
Nang makaupo na sa kani-kanilang silya sina Marco, Jaxon at Cameron, tsaka ko napagtanto na hindi pala nakatingin samin ang mga kaklase namin, kung hindi sa akin lang.

BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...