Sumakay kami ni Ryder nang Ferris wheel. Hawak niya ang kamay ko habang inaalalayan akong makaupo. Sa hindi ko maintindihang rason, nagwawala ang puso ko na tila gusto nitong makawala sa dibdib ko.
Nagkatitigan kami ni Ryder, napaka talim talaga nang mga tingin nito. Alam niyo yung pakiramdam na tumatagos yung tingin niya sa kaloob-looban ko na para bang nakikita nito ang aking puso.
Gusto kong magsalita para maputol ang katahimikan at pagtitiigan namin ni Ryder pero may kung anong pwersang pumipigil sakin gawin ito.
Binitawan na ni Ryder ang kanang kamay ko at inabot ang kanang pisngi ko. Hinaplos niya ito, nakaramdam ako nang kuryente na dumadaloy sa mga daliri nito.
Unti-unti nang nilapit ni Ryder ang mukha nito sa mukha ko. Naramdaman ko sa aking mukha ang bawat hininga nito. Sa bawat paglapit nang mukha ni Ryder sa mukha ko, nakakaramdam ako nang pagsusumamo nang hininga nito.
Nagdikit ang aming mga labi, nag isa ang aming hininga. Ang bawat halik ay tila pagsusumamo nang hangin.
Bigla kong naramdaman ang pamamasa nang aking mukha. Hindi ko namalayan ang pag-agos nang aking mga luha.
Huminto si Ryder at tinignan ang aking mga mata. Pinunasan niya ang aking mga luha nang kanyang daliri. Sa kanyang mata makikita ang pagkabahala sa aking biglang pagluha.
Bigla akong nakaramdam nang kaba nang maalala ko ang tungkol sa liham na natanggap ko. Tumingin ako sa buong paligid at nagbabakasakaling makita ang taong nag padala sa akin nang liham. Hindi ko malilimutan ang mga katagang nakasulat dito.
I'm watching you.
Nakaramdam ako nang pangingilabot. Ano kayang nais nang tao na ito, ano kayang ibig niyang sabihin dito?
Tila tumalon nang isang palapag ang puso ko nang makaamoy ako nang masangsang na amoy na tila nabubulok. Nagulat ako nang may nakita akong binato na patay na hayop papunta sa akin.
Hindi ko naiwasan sumigaw nang dumampi ang malamig na bangkay nang hayop sa aking balat.
Nagising akong hapong-hapo at hinahabol ang aking hininga. Iyong tila tumakbo ako nang ilang kilometro habang ako ay natutulog.
Grabe naman iyong napanaginipan ko, napaka-intense.
Pagkatapos ko maligo at magbihis. Lumabas na ako nang kwarto ko sa dorm at naalala ang patay na hayop na iniwan sa tapat nang pinto ko.
Sino naman kaya ang gagawa sa akin nun at tsaka bakit?
Ang daming gumugulo sa isipan ko parang gusto ko na lang minsan takasan ang lahat. Nami-miss ko tuloy iyong mga panahon na tahimik pa ang buhay ko dito sa unibersidad.
Naalala ko tuloy, paano kaya nagkasundo si Ryder at Raven kagabi? Ewan, nakakagulat lang na kung hindi lang siguro sila magkaaway parati baka mag bestfriends sila.
Siguro nagusap iyong dalawa after ko mag walkout at napagkasunduan ang truce nila kagabi. Kung pwede lang magkasundo na sila, ngayon at sa mga susunod pa na araw.
Pagkarating ko sa gate nang unibersidad, inihanda ko ang aking sarili sa pagdating nang dalawa. Inikot kan aking mata sa paligid at parehas silang wala.
Napanganga akong nang maalala kong ako lang pala an may pasok samin ngayon nang maaga. Malamang parehas pang nahilik ang dalawang iyon.
Nagulat ako at napaayos nang tayo nang may biglang umakbay sa akin sa magkabilang gilid. Ngiting ngiti na nakatingin sa akin si Jaxon at RJ na naka akbay sa akin.
"Kamusta ang prinsesa na sinundo nang kotse kahapon?" Pang aasar ni Marco na nakatayo sa may bandang likuran at malamang kasama si Cameron.
"Prinsesa ka diyan?!" Pagsinghal ko. "Alam niyo ba na naging disaster ang dinner date ko kasama si Raven dahil dumating si Ryder para sirain iyon."
"Bro, hindi nga, talaga?!" Pagtatanong ni Cameron mula sa likuran, sabi na eh magkasama sila sa likod.
"Parang hindi mo naman kilala iyon si Ryder" sagot ko. "Weird nga eh, pagkatapos nun bigla silang nagkasundo kaya natapos ang gabi namin nang masaya."
Napahinto kami nang lumakad nang mabilis si Cameron para unahan kami at humarang sa harapan namin. Humarang ito sa harapan at hinawakan ang aking dalawang balikat.
Bumitaw na s RJ at Jaxon sa akin. Siguro nakikita rin nila kung gaano kaseryoso ang mukha ni Cameron sa mga oras na ito.
"Bakit, anong meron?" Tanong ko kay Cameron.
"Bro, marahil dapat mo nang malaman kung anong klaseng relasyon ang meron ang dalawa mong manliligaw" tugon ni Cameron.
Ay, so meron pang history bukod sa history na alam ko? Don't tell me katulad ito nung binasa ko na libro na Love is a Four Letter Word and so is Hate na matalik palang magkaibigan noon iyong magkaribal sa puso nang bidang babae.
Nagintay ako na may magbiro pero tahimik ang lahat kahit si Jaxon hindi bumabanat. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat isagot sa sinambit ni Cameron.
Bago pa man makapagkwento si Cameron, biglang tumunog ang school bell.
Hey, wrong timing ka ata ngayon school bell! Pinatapos mo sana muna magkwento si Cameron.
"Bro, I guess mamayang lunch break ko na lang ikukuwento sayo" sambit ni Cameron.
Humiwalay na sa amin si RJ at pumasok na sa klase niya at gayon din kaming apat. Habang nagmamadali kami papunta sa classroom namin, hindi ko maiwasang isipin na baka mag ex din sila gaya ni Krystal?
Sakto naman ang dating namin sa classroom at lumipas ang oras na tila naka autopilot mode ako. Natapos ang aming klase nang ganoon lang.
Naupo kami sa usual naming pwesto. Umupo naman si Cameron sa tabi ko. Mukhang handa na talaga siyang magkwento.
"Napakaikli nang mga biyas pati sa pagkukuwento napakakupad" banat ni Marco kay Cameron na siya namang dahilan para sumimangot ito.
"Hindi na lang ako magkukuwento" pagtatampo ni Cameron.
"Huwag na muna kayo mag LQ, mga hayop. Tandaan ninyo curiosity ang pumatay sa pusa" hirit ni Jaxon.
Huminga nang malalim si Cameron at pinalampas na lang ang banat sakanya ni Marco.
Inumpisahan ni Cameron ang kwento noong mga bata pa sila nila Ryder.
Ganitong ganito talaga yung kuwentong nabasa ko.
Si Raven at si Cameron daw ang unang naging magkaibigan. Magkasama daw sila parating naglalaro. Nakikita na nila noon pa si Ryder pero hindi ito madalas lumabas nang bahay kaya never nila itong nakalaro.
Isang araw nagbakasyon nang matagal sila Ryder. Naiwang walang nakatira sa bahay nila Ryder kaya naman napadalas na doon naglalaro sa bakuran nila Ryder si Raven at Cameron.
Nagulat na lang daw si Cameron nang isang beses na nauna siyang pumunta sa bakuran nila Ryder. Nakabalik na pala ang pamilya nito mula sa bakasyon.
Nilapitan daw siya ni Ryder at nakipagkaibigan. Doon daw nagumpisa magbago ang lahat. Unti-unting nagbago ang pagkatao ni Ryder at gayon din si Raven.
Naging madalang na daw ang pakikipaglaro ni Raven sakanya hanggang sa naging stranger na sila sa isa't isa. Habang nagiging mas close naman sila ni Ryder.
Simula daw nun naging kumpetensya na ang lahat para kay Raven.
Hindi ko maiwasang makaramdam nang kalungkutan sa kuwentong narinig ko. Hindi sumayad sa isip ko na matinding pagkainggit ang naging mitsa nang hindi nila pagkakaunawaan.
Kaya pala nasabi ni Raven iyon sa akin na parati na lang siyang natatalo ni Ryder. Hindi niya ba naisip na siya lang ang gumagawa nang kumpetisyon sa isipan niya?
Natigilan ako nang makaramdam nang malamig na tubig na umaagos mula sa aking uluhan.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...