1: Cindy Asuncion Tuazon

503 9 0
                                        

" Miss Popular"

" Cinderella Asuncion Tuazon for Student Council President!"

I smile at them as I finished my speech. Katatapos ko lang sabihin ang mga plataporma ko. Kasalukuyan kami ngayon nangangampanya sampo ng mga ka party ko.

Ilang araw na lang ay sisimulan na ang eleksyon. Hindi naman ako nag-aalalang baka hindi ako manalo.

I am confident that I will make it.

Nasa ikatatlong taon na ako ngayon sa high school. Grade 9 kumbaga. I am an achiever in all terms in this high school life.

" Congratulations advance Cindy!" Si Luna na dala-dala ang mga gamit ko katulong si Clara.

" But of course, walang panama yang Indigo Suarez na yan sayo, nu." I smile at Clara and get my water from her.

" Cindy! Cindy! Pwede bang pa autograph!"

I saw Kevin the payatot guy na barkada ng kuya Jefferson. I want to roll my eyes but I try not to. Baka kasi may makakita at gamitin pa ng kalaban para mapabagsak ako.

Napipilitan akong inabot ang ballpen at notebook niya at penermahan yun.

Ano ba yan! Ang jologs ha. May pa autograph-authograph pang nalalaman. Arrgh. Kairita talaga.

Mabilis ang ginawa kong pagkaway sa kanila at agad na pumasok sa susunod kong klase. Kailangan hindi ako mag skip dito. Kahit na excuse kami na mga kandidato pero mas pinili kong pumasok pa rin sa mga klase ko. Ayokong mapabayaan ang academics ko nang dahil lang sa mga extra curricular activities ko.

As I walk towards the front seat, I am so aware sa mga paghangang titig ng mga kaklase ko sa akin. I smile at them at alam kong nagulo ko lalo ang puso nila sa ginawa ko.

" Cindy Asuncion Tuazon lang malakas! Whooh!"

Narinig kong sumigaw ang kaklase kong si Brent. Varsity player siya sa school na ito at popular na rin. May reputation din itong playboy.

But I still give them my so beautiful smile. Nagsigawan na rin halos lahat ng mga kaklase ko. Isinisigaw nila ang pangalan ko.

They're cheering for me. I feel like the winner already.

" Quiet class!"

Mabilis ang ginawa naming pagtalima nang mapansin na dumating na pala ang teacher namin na si Mrs. Guanzon. Matanda na siya at ang bagal na ng kilos nito. Siguro nasa early 50's na ito.

Tahimik kaming tumingin sa kanya at napansin kong ang ibang kaklase ko ay pinagtatawanan ang guro namin. Kumunot naman ang noo ko kung bakit.

Nakita kong ang daming gamit na nagkalat sa sahig mula sa may pintuan ng room. Yun pala. Butas pala ang bag ng guro namin. Mukhang may nagtrip na butasan ito. Hindi iyon napansin ng aming teacher.

Napangiti naman nako.

Kung sineswerte ka nga naman.

' It's your time to shine, Cindy!'

Mabilis ang ginawa kong pagtayo. Pinulot ko isa-isa ang mga gamit ni ma'am. Para akong isang anghel na bumaba sa langit para lang pulutin ang mga gamit ng teacher ko. Isa-isa ko itong isinauli sa kanya.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa ko.

Grabe, I feel like the superhero who save this planet.

" Thank you Ms. Tuazon."

Umupo akong nakangiti sa kanilang lahat. Kumindat pa ako dahilan para sabay sila mapa- "Haaay".

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon