31: Carlo Monteverde

239 6 0
                                        

" Betrayal"

Sabi nila masama raw maglaro sa apoy. Sabi ko naman ay tama sila, masama nga.

Hindi ko akalain na aabot kami ni Cindy sa punto na kung saan hindi na talaga namin maintindihan ang lahat.

Siguro naiintindihan naman kaya lang mahirap tanggapin na ginagawa namin ang hindi dapat gawin ng magkaibigan lamang.

Is it just pure lust that push us to do it over and over again? Or is it more than just a mere desire? If doing sex with someone you call as friend, and there's no such declaration of love, what do you call with that kind of relationship?

I never once asked her if she loves me, nor I ever said that I love her. I don't know. It's too complicated to realize of what is really going on between us.

Hindi naman ako iyong tipo ng lalaki na maraming babae sa buhay. I am not a womanizer nor a playboy, but I guess I'm a traitor.

I know hindi tama na kinakalantari ko palihim ang girlfriend ng pinsan ko. Alam kong mali. Pero sinubukan ko naman umiwas. Tinatry ko ang sarili na pigilan na maulit pang muli ang nangyari. Pero paulit-ulit ko ring nahahanap ang sarili na pinupuntahan siya palagi sa kanila at dinadala sa café restaurant.

Tama nga siguro sila na ang tao ay may dalawang mukha. Akala ng lahat ay tahimik lang ako na tao, mabait at responsable.

Pero sa ginagawa namin ni Cindy ngayon, na realize ko na may nakatago rin pala akong sama sa sarili.

May kakayahan tayong makilala kung ano ang tama at mali. Binigyan rin tayo ng kalayaan na pumili at magdesisyon.

I thought that when someone do good or bad, there's a big reason why it happen. But I know now that people are just people with their stupid excuses.

Lahat ng tao ay may tinatagong kabutihan kahit gaano pa sila kasama sa paningin ng iba. At ang lahat ng tao naman ay may tinatagong sama sa sarili kahit anong bait pa nila sa iba. Lahat ng tao ay may mga maskarang isinusuot depende kung ilan iyon.

Nakatago sa likod ng maskara ang tunay na ugali ng isang tao at hindi iyon iisang mukha lang kundi dalawa. Ang isa ay kabutihan at ang isa naman ay kasamaan.

Bumuntong hininga ako isipin na wala akong karapatan na ma guilty o makonsensya kung ako mismo sa sarili alam na may choice naman ako pero ang pinili ko pa rin ay ang magpatuloy sa maling ginagawa namin ni Cindy.

Mike will surely not forgive me if he knows what I been doing to her girlfriend.

Pero si Cindy kaya, bakit hinahayaan niya ang sarili na mangyari ito sa amin?

Bakit hindi pa rin siya nakikipag-break kay Mike kung ang totoo ay patuloy pa rin naming pinagtataksilan ito?

Minsan kasi naitanong ko si Mike kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Cindy. Nagulat ako nang sabihin nito na masaya sila at gusto pa niya itong pakasalan.

Napangiti ako ng konti isipin kung gaano ka unfair si Cindy sa aming dalawa ng pinsan. Alam kong mali ang ginagawa namin pero anong karapatan kong husgahan si Cindy kung mismo ako ay kasali rin sa krimeng ito.

Tsk. From being enemies to friends to being fuck buddies and now to partners in crime? Hindi ko alam kung ano pa ang susunod pero aminado akong sa bawat sandali na kasama ko siya ay nag-eenjoy ako.

Kaya bakit pa ba ako nag-iisip ng kung anong bagay? Kung isa siyang babae na walang pakialam sa kung ano ang tama at mali. Siguro ganun na rin ang dapat kong gawin.

I never thought I'm rationalizing all my bad deeds. So shameless of me forgetting my morality just to satisfy my lust.

But no matter what happen to us with Cindy, I know I am still into Jasmine. Crush ko pa rin naman siya at yun ang tiniyak ko talaga sa sarili nang minsan magkita kami sa school.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon