" Too bad for him "
" Ilan ang score mo?"
" 85 lang eh."
" Hmm.. Sa akin 95 lang eh. Alam niyo na. Hindi kasi ako masyadong nag-aral kagabi kaya hindi ko nasagot yung last essay. Ikaw Jennifer? Ilan ang score mo?"
I flip my very long hair and stare at her intently. Sa amin kasing magkaklase siya iyong pinakamatalino at pinaka weird. Ang nerd kasi nito tingnan. Ang kapal ng glasses at mukhang hindi nagsusuklay.
" 100 yung sa akin."
Napadilat ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili na kunin bigla ang papel niya. Hindi ako makapaniwala na naperfect nga niya ang exam namin.
" Siguro inumaga ka na sa kakaaral nito nu?"
" Hindi naman."
Napaawang yung bibig ko sa sinabi niya. Inis kong binalik sa kanya ang hawak na papel at tumayo na. Recess time na kasi.
Bago lumabas may narinig pa akong bulungan ng ibang kaklase ko.
" Tsk. Ang maldita talaga ng Cindy na iyan. Wala namang ginagawa si Jennifer sa kanya."
" Oo nga. Ang epal. Akala mo siya pinakamatalino rito."
" Nahuli ko nga siya nangongodigo. Hindi ko lang isinumbong kay ma'am baka kasi ako naman pagdiskitahan."
I irritably flip my hair and immediately go out in our room. Simula nang masira ang reputasyon ko ay wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao kung may makita man silang mali sa mga ginagawa ko.
The hell I care! Kasalanan na nila yun kung masyado silang pakialamero at walang ibang gawin kundi tingnan ang mali ko. Likeduh. Iinisin ko pa sila lalo sa mga ginagawa ko.
Patungo ako ngayon sa canteen ng school. Isang linggo ng hindi nagpapakita sa akin si Mike. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang iwasan ako o baka nakahanap na iyon ng iba.
Arrgggh. Kairita talaga.
I am ejoying my cheese cake when I see him. Gustuhin ko man na si Mike itong nakikita ko pero sa kasamaang palad ay hindi. Nakita ko na naman ang asungot niyang pinsan.
Agad akong tumayo at aalis na sana ng canteen nang makita niya ako. Mabilis ang ginawa kong paglabas para naman hindi pa ako lalo malasin sa araw na ito.
Akala ko sinundan niya ako pero napahinga ako ng maluwag nang mapansin na hindi naman pala. Tsk. Buti naman. Mukhang tinotoo na nito ang pakiusap ko sa kanya na ayaw ko na ng gulo.
Kinuha ko yung pamaypay na nasa aking bag at inis na pinaypayan ang sarili. May nakita akong bench dito sa malaking field ng school at naupo malapit sa may puno para hindi masyadong mainit.
Gusto ko sana pumunta ng gym para silipin kung nagpapractice ba si Mike doon pero tinatamad na ako. Parang gusto ko na rin tamarin sa feelings ko sa kanya. Nakakainis na kasi. Likeduh. Gwapo nga siya pero kung ang mag-effort ng todo sa relasyon namin ay hindi niya magawa, tsk sorry nalang siya! Ayoko na rin!
At this point of my life, I am tired chasing love that wasn't meant to be mine. I am tired aspiring for it when in fact those people whom I love never want me to have it.
Bahala sila. Kung ayaw nila, eh di wag!
Napabuntong hininga ako at tumingin sa relo ko. Tsk. Vacant ko nga pala next period. May isang oras pa akong mag lamyerda. Tumayo na ako at pupunta sana sa mall malapit sa school na ito.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
