5: Cindy Asuncion Tuazon

273 7 0
                                        

" Crush, pa-crushback naman, please."

" Go Mikeeee!!!!!"

Cindy Asuncion Tuazon is for the first time do this kind of stuff. Isang sikat pala na baskebolista ang lalaking nakabangga sa akin kahapon. Varsity player siya at heto ako ngayon nakikisabay sa mga bakla at babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Pag nakakashoot siya ay bigla siyang kumakaway sa amin. Hindi ko alam pero kinikilig talaga ako. Feeling ko ako talaga yung kinakawayan niya.

" Oh mygosshhhh! Oh mygosshhh Bubbles! Hawakan niyo ako! Ehhhhh! Kinawayan niya ako."

Nagpanting yata yung tenga ko sa narinig. Napalingon ako kung sinong mahaderang bakla ang nagsabi nun. Napakagat ako sa labi at inis na tiningnan ang tatlong estudyante kahapon na humahabol sa crush ko.

Oo na, for the first time nagkakacrush na ako sa wakas. Grabe, ang swerte ng crush ko kasi crush ko siya. Inis kong pinaypayan ang sarili baka kasi hindi ako makapagpigil at hampasin ko sila nito!

" Oo nga, Juna babe! Kyaaahhhhh!"

Sabay pa talaga ang dalawang baklang ito na kumaway kay Mike na noon ay nakatingin na sa gawi namin.

Oh mygosssh. Mukhang nakatingin talaga siya sa akin eh. Ngayon na talaga ako hindi nagsisi na ipinatapon ako sa lugar na ito. Dahil sa kanya nagkaraoon ako ng rason para maging masigla araw-araw sa pagpasok.

" Tumahimik nga kayong dalawa. Asa pa kayo. Dito sa chicks na ito siya nakatingin uyy!"

Napalingon naman yung dalawang bakla sa akin. Napalunok naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mukhang itong babae lang na kasama nila ang hindi interesado kay Mike kasi mukhang naiirita itong nakatingin sa dalawang bakla na kasama. By the way, magkatabi pala kami ng babaeng ito.

Nakita ko yung Juna babe na ang sama ng tingin sa akin. Aba, kung makatingin ito parang minamaliit ako. Hmp! Akala niya siguro magpapatalo ako. Tiningnan ko rin siya ng pinakamataray kong mukha.

" Hoy, babae! Akin lang si Mike! Wag kang makiepal kasi ako ang nakatadhana para sa kanya!"

Imbes na mainis ako sa baklang ito ay parang gusto ko naman humagalpak ng tawa. Ano raw? Ang feeling naman nito!

" Una ko siyang nakilala. Mas matagal kaming nagsama. Ako ang mahal niya. Ako lang—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang biglang kuyumusin ng babaeng kasama nila ang bibig ng bakla. Tumingin siya sa akin na tila nagpapasensya pa.

" Hali na nga kayong dalawa! Pagagalitan talaga tayo nito ng teacher natin! Ayoko ng magcutting dahil sa unggoy na yan!" Sabay turo kay Mike.

Napataas naman bigla yung kilay ko. Aba..anong karapatan niyang insultuhin si Mike?

" Jasmine naman eh! Ako naman may-ari ng school na ito. Papasa rin tayo!"

Mas lalo naman akong nagulat sa sinabi ng bakla. So sa kanila pala ang baduy na skwelahan na ito? Like ..hindi na nakapagtataka.Tsk. Kaya pala ang lakas ng loob niya na maghabol kasi sa kanila pala itong school.

Natapos na sa wakas iyong game at pumunta na ang mga players sa bleachers malapit sa coach nila. Mas lalo ko lang napagmasdan siya sa malapitan. Ang gwapo niya lalo kapag pinagpapawisan. Nakita kong maraming mga kababaihan ang lumapit sa kanila. Iyong iba may iniaabot na mga towel para punasan ang pawis ni Mike.

Nakita ko rin ang dalawang bakla na napasugod habang naiiling lang sa aking tabi itong Jasmine.

" Mga bakla talaga. Ang lalandi." Narinig ko pang bulong niya.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon