" Cloud 9"
Naguguluhan na talaga ako sa mga kakaibang kinikilos ni Cindy nitong mga nakaraang araw. Palagi nalang kasi itong tulala. May problema kaya siya?
Ngayon nga lang ay bigla itong tumakbo. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nitong habulin ko siya. Baka madapa na naman siya.
Kung kasalanan ito ni Mike ay malalagot talaga ang lalaking 'yun sa akin.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang mamataan sa di kalayuan si Jasmine. Natigilan ako at ang kanina na planong sundan si Cindy ay nawala na sa aking isipan.
Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kaibigan niyang si Jun na noon ay masayang nakikipag-usap sa isa pang bakla na kasama nila.
Nakilala ko na rin ang dalawang baklang kasama niya nang minsan tanungin ko si Mike tungkol kay Jasmine. Ayon dito kaya hate siya nito ay dahil nagpapapansin daw si Jasmine sa kanya. Patay na patay kasi ang grupo nito sa kanya.
Gusto ko naman matawa sa kwento ng pinsan kasi hindi niya alam na minsan ko ng narinig silang dalawa ni Jasmine doon sa hardin noong nakaraang party. Akala niya siguro hindi ko alam na ito lang ang babaeng may allergic sa kanya.
Kung hindi ko kilala ang pinsan ay alam kong hindi matanggap ng ego nito na may isang babae sa bayang ito ang hindi siya gusto.
Napansin kong palaging nakatingin si Jasmine sa Jun na baklang kaibigan niya. Hindi ko alam pero parang may kutob akong ito iyong tinutukoy niyang mas gwapo kesa kay Mike.
Napansin kong kumpara sa isang baklang kasama nila ay hindi ito nakabihis pambabae. Lalaking lalaki ito kung tingnan. Kung hindi ito magsasalita ay aakalain mo talagang totoong lalaki ito.
May gusto kaya si Jasmine sa baklang kaibigan niya?
Nakita kong pumasok silang tatlo sa loob ng gym kung saan may practice game si Mike. Nakita kong marami na ang mga tao sa loob.
Nasa kabilang bleachers sila nakaupo na malapit sa pinakadulo. Gustuhin ko man na sundan sila ay hindi ko na nagawa kasi nagsimula na ang game.
Lahat ng tao ay naghiyawan nang lumabas si Mike sa first five ng unang laro.
Tsk. Hanggang ngayon matinik pa rin talaga ito sa mga babae maging sa mga bakla.
Pero kahit halos lahat ng tao sa gym na ito ay patay na patay sa kanya pero alam ko may isa rito na hindi siya gusto.
Napangiti akong napatingin sa babaeng tanaw ko mula rito sa malayo. Medyo magulong nakaponytail ang kanyang buhok. Hindi ko alam pero mas lalo naman iyong bumagay sa mukha niya.
Hindi siya nakatingin sa laro o kay Mike. Nasa baklang katabi siya nakatitig.
Napahinga ako ng malalim. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagawang makipag-close sa kanya.
Matagal na kaming magkasama sa Taekwondo club pero heto ako hindi pa rin pormal na nakipagkilala sa kanya. Ni ang ayain siyang kumain minsan ay hindi ko pa nagagawa.
Ewan ko ba. Natatameme nalang kasi ako bigla kapag malapit na ito sa akin. Hindi ako makapagsalita at nahihiya talaga ako.
Shit naman. Bakit ang torpe ko pagdating sa kanya?
Ilang sandali pa ay napansin kong bigla siyang napayuko dahilan para mabangga sa katabi niyang si Jun. Napalingon silang tatlo sa likod at nagtataka naman ako kung sino ang may gawa nun kay Jasmine.
Pero sa hindi maipaliwanag na sitwasyon ay bigla kong nakita si Cindy sa likuran nila.
Ha?
Anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Любовные романы( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...