15: Cindy Asuncion Tuazon

221 8 0
                                        

" At his sanctuary"

Ang sana na magandang lunch date ay nauwi sa pagvovolunteer sa loob ng library. This is the school's sanction for us because of what we did last retreat.

Pasalampak kong nilagay ang mga libro sa kanilang shelves. Nandito kami ngayon sa pinakasulok ng malaking library ng school. Pinalinis sa amin ang mga maalikabok na libro.

Like? Arrgg. This is draining me already.

" Oh, busangot na naman yang mukha mo. Kasalanan mo naman kaya magtiis nalang muna tayo."

Hopeless ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung bakit panay ngiti na ito sa akin ngayon. Kanina ko pa napapansin na kung kausapin na niya ako ay parang magkaibigan talaga kami at hindi nanggaling sa isang malaking away.

Gusto ko man kilabutan kung bakit iba na ang pakikitungo nito sa akin ngayon pero ewan ko ba. Hindi nalang din ako nag-react pa.

" Gusto ko tuloy isipin na kaya bad trip ka kasi hindi natuloy yung lunch date natin."

Nakangisi siyang nakatingin sa akin matapos sabihin iyon.

Napanguso naman ako at inis siyang inirapan.

" Ang feeling mo! Sino bang hindi maiinis dito kung bakit ang dumi-dumi ng pinapagawa nila sa atin. Tingnan mo. Puro alikabok na ang damit ko!"

" A-at s-sino naman maysabi sa iyong..date talaga yun?!" Nautal pa talaga ako. Shit.

Tumalikod na ako sa kanya at namumulang ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Ano ba. Halata na ba na aburido na ako dahil naudlot nga iyong panlilibre niya sa akin?

" Asus. Defensive naman nito. Don't worry. Pagkatapos nito. Kakain pa rin tayo."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa rin ng kilig itong puso ko. Ano ba. Rurupok na naman ba ulit ito?

Ilang sandali pa ay naramdaman kong tumabi siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog bigla ang puso ko sa presensiya niya.

Kagaya ng ginagawa ko ay nagpupunas din siya ng libro at binabalik ito sa kanilang shelves.

" Ano ba. Doon ka nga sa kaliwang banda. Malapit na akong matapos dito eh."

Sinasabi ko iyon habang hindi siya tinitignan.

" Ano ka ba. Baka matapos tayo agad sa sanction na ito kapag inumpisahan ko na dun."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya bigla.

" So balak mong magtagal pa talaga ito? Gusto mong hikain ako dahil sa mga alikabok dito?!"

Hindi ko alam kung bakit kaylapad ng ngisi niya sa akin. Ano? Nang-iinis na naman ba siya?

Nakita kong lumapit pa siya lalo sa akin. Ako naman ay hindi alam anong gagawin sa ginawa niya. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko.

Kaya naman dahan-dahan akong napaatras hanggang sa nacorner na niya ako sa sulok. Itinaas niya ang isang kamay at itinukod ito sa gilid ng aking ulo.

He's really cornering me.

Napalunok ako at hindi alam kung matatagalan ko ba ang mga titig niya.

Shit naman. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

" Gusto pa kitang makasama ng matagal. Masama ba iyon?"

Nawindang yata ang buo kong sistema dahil sa sinabi niya.

" Nang-aasar ka ba?"

Natawa naman siya sa reaksyon ko.

" You're really enjoying this, huh? Gustong-gusto mo talagang iniinis ako!"

" Bakit naman hindi, eh mas lalo kang gumaganda kapag naiinis ka."

Again, that was another blow into my heart. Ano ba. Tama na. Nanginginig na iyong tuhod ko.

" Nilalandi mo ba ako?"

Narinig kong mas natawa pa siya sa tanong ko.

" Why? Mukhang malandi ba sa tingin mo?"

Napanganga naman ako sa tanong niya. Pinaglalaruan ba niya ako?

" Gusto mong patulan kita? I mean iyang pang-aasar mo sa akin?"

I tried to appear calm and stare him in the eyes. The kind of gaze that is playful. Kung gusto niya ng laro pwes ibibigay ko iyon sa kanya.

" Sure. Patulan mo ako.,ah..I mean.."

" Anong ginagawa niyong dalawa?!"

Para kaming sinabuyan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Napadilat ako at siya naman ay mabilis na lumayo sa akin.

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang dumating ang librarian namin. Tssh. Kainis naman!

Mabilis kaming tumalimang dalawa kasi nakakairita ang mapanuring tingin niya sa amin.

" Bilisan niyo diyan ha! Marami pa sa kabila!"

Nakakainis siyang tingnan habang naglalakad palayo na sa amin.

Kaya kahit aburido ay seryoso nalang namin tinapos ang kanina na ginagawa. I mean iyong paglilinis ng libro.

Pagkatapos namin sa library ay tinotoo nga niya ang kanina na sinabi. Pumunta kami sa isang café restaurant.

Hindi ko akalain na may ganito pala na restaurant sa lugar na ito.

" Mahilig ka ba sa cakes?"

Napatango lang ako habang tinitingnan ang kabuuan ng restaurant. Hindi siya masyadong malaki. Wala din masyadong tao kaya naman napaka peaceful ng ambiance.

" Halika..dito tayo."

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang isang kong kamay papasok sa isang kwarto. May nakita pa akong 'VIP' na sulat sa may pintuan.

Bigla naman akong kinabahan.

Pero nang makapasok kami ay gumulat lang sa akin ang iba't ibang art pieces. May mga painting, sculpture at iyong iba hindi ko na ma gets kung ano ang mga iyon.

Sa di kalayuan ay may isang maliit na dining table at two big chairs.

Lumapit kami doon at umupo. Ilang sandali pa ay sinerve na iyong orders namin. Isang macha latte sa akin at plain black coffee sa kanya at dalawang slice of red velvet cake.

" Welcome to my safe haven. My sanctuary. My comfort zone." At isang gwapong ngiti ang binigay niya sa akin matapos sabihin iyon. Lumutang ang dalawang malalim niya na dimples.

Hindi ko alam kung bakit bigla ako napasinghap sa uri ng tingin niya sa akin.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

Bakit?

Bakit kami andito? Bakit dinala niya ako rito?

Mukhang napaka-private ng lugar na ito. Sila ba may-ari nito?

" Kung gusto mo ng heavy meal ay wag kang mag-alala may mga main course rin naman silang sineserve. Heto palang menu."

Pero napailing lang ako sa kanya.

" Busog na ako. Nakapag-lunch na ako kanina bago tayo pumunta ng lib."

Tumango lang siya sa akin at nagsimula nang kumain.

Tinitigan ko siya. Nagtataka na talaga ako kung bakit iba na itong ipinapakita niya sa akin ngayon.

Naninibago man pero aminado akong nagbibigay din iyon ng kakaibang saya dito sa aking puso.

Hindi ko alam pero parang may biglang babala akong nakita sa kakaibang nararamdaman kong ito. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng takot.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon