29: Carlo Monteverde

134 4 0
                                    

" Not your typical kind of friendship"

Tanaw ko mula sa kinatatayuang veranda ang malawak na hardin ng tita Myrna. Nasa study room ako ng mansion ng mga Santillan at kasalukuyang ipinatawag ng tito Julio.

Ano kaya ang kailangan niya?

" You want to drink something?"

Nilingon ko siya at iniabot sa akin ang isang basong brandy. Sa totoo lang hindi naman ako sanay uminom ng malalakas na alak kaya lang simula nang lumipat ako sa poder nila ay nakasanayan ko na ang uminom lalo pa't andyan si Mike.

" Ilang buwan na lang gagraduate ka na. May plano ka na ba kung saan mo gustong mag-aral?"

Natahimik ako at bumalik sa kanina na pwesto. Nilagok ang inumin at napatitig sa mga nagagandahang bulaklak.

" Hindi pa ako sigurado, tito."

Narinig ko siyang napatikhim. Sa totoo lang si tito Julio ang tipo ng taong hindi mo gugustuhing kalabanin. Kahit pamilya niya ay kinatatakutan siya.

Pero tiningnan ko siya. All my life this man has become my father. Mula ng mamatay ang papa ay siya na ang tumayo bilang ama para sa akin.

" Do you still want to go back in Negros?"

Malungkot akong napatukod sa barindilya ng veranda at napatingin sa alak sa aking kamay.

" Wala akong ibang gusto kundi ang makabalik."

Kailangan kong makuha muli ang hacienda mula sa kanya. Ito na lang ang nag-iisang alaala na naiwan sa akin ng papa. I can't give up that place easily.

At isa pa sa gusto kong mangyari kapag nagawa ko ng bumalik ay ang halungkatin ang kaso ng papa. Gusto kong buhayin muli ang kasong iyon. Wala na akong ibang nais kundi makamit ang hustisya sa pagkamatay niya.

Pinalabas na aksidente ang nangyari. Pero alam ko hindi yun isang aksidente lang.

Napahigpit ang hawak ko sa baso.

" Hanggang ngayon ba wala ka pa rin naaalala tungkol sa nangyari noong aksidente ng papa mo?"

Iyon kasi ang sinabi ko sa lahat na hindi ko maalala ang nangyari.

" Kung maari ayaw ko na po pag-usapan ang nakaraan."

Natahimik siya at nakita kong seryoso din siyang nakatingin sa kanyang baso. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair.

" Ibabalik ko sa iyo ang hachienda ng nasira mong papa."

Napamulagat ako at tumuwid ng tayo.

Tama ba itong naririnig ko sa kanya?

" Ano po iyon?"

" In one condition. Just stay here until you gradute in college. Bantayan mo ang bastardo kong anak. Siguraduhin mong hindi siya makakabuntis ng ibang babae hanggang sa dumating ang panahon na makasal siya."

Ha? Makasal? Si Mike ikakasal?

" He's already engage to the daughter of my partner in corporation. Alam kong napakaplayboy ng batang yan at kung sino-sino ang mga dinadalang babae sa condo niya sa Manila. Ayokong magkaroon na naman ulit ng bastardo ang pamilyang ito."

Hindi ako makapagsalita mula sa nalaman sa kanya.

Paano na ngayon si Cindy kung engage na pala sa iba si Mike?

Hindi ko napigilan ang sarili na maawa sa kaibigan. Mukhang head over heels si Cindy sa pinsan ko. Alam na kaya niya na ikakasal sa iba si Mike?

" What do you think, Carlo? Tatanggapin mo ba ang offer ko?"

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon