"Fall"
" Tama na! Maawa ka! Please!"
Napaungol ako mula sa ingay na naririnig. Unti-unti kong minulat ang mga mata. Sobrang nahihilo ako sa pakiramdam.
Kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan ko pa rin tingnan kung nasaan ako. May naririnig akong pagragasa ng tubig.
Ano bang nangyari sa akin?
Nang luminaw na ang paligid sa akin ay nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa mga tao sa aking paligid.
I saw tito Julio who is tied in the railings of this yatch. Wala siyang malay. Nakita ko si Mike sa tabi niya na nakatali rin ang mga kamay sa likod. Mukhang wala rin siyang malay.
Pero ang mas nagpagulantang sa akin ay ang nakitang sitwasyon ng aking mother in law at ni tita Myrna.
Natutop ko ang hininga nang makita ang hawak na baril ni tita Myrna na nakatutok sa ulo ng mama.
" Mama!"
Nakita ako ni tita Myrna at biglang sumilay ang traydor niyang ngiti para sa akin. Nakita kong duguan ang mukha ng mama.
Tinulak ng tita ang mama at lumapit sa akin.
Hinila niya ang mahaba kong buhok na siyang rason upang mapatayo ako.
Nahihilo pa rin ako at mukhang inaapoy pa ako ng lagnat.
" Myrna! Tama na! Huwag mong idamay dito si Cindy! Maawa ka sa kanya at sa apo ko!"
Naiiyak akong tumingin sa kalunos-lunos na kalagayan ng mama.
Bakit? Bakit ginagawa sa amin 'to ng tita?
Naalala ko na. Dumating ng sabay sina Mike at tito kanina sa bahay. Sumama sila sa amin sa resort tapos. . .
Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na masyadong maalala kung ano talaga ang nangyari kanina. Kung bakit kami napuntang lahat sa yate na ito.
Dumidilim na at mukhang malayo na kami sa dalampasigan.
" Ahhh!"
Napahawak ako sa aking tiyan. Kumirot kasi ng bahagya ang aking puson. Humilab ito.
Hinila pa lalo ni tita Myrna ang buhok ko na nagpa-aray na naman sa akin.
Puno ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero mas nag-aalala ako sa anak ko.
" Tita, please. Stop it."
Hindi niya ako pinansin at hinila lang niya ako lalo patungo sa gilid.
I feel so nauseated the moment I see the sea. Parang umikot ang buong paningin ko sa pag-alog ng yate.
Natatakot akong hindi makabalanse dahil baka madulas ako.
" Myrna!"
Napalingon ako sa tito Julio na ngayon ay gising na.
" Oh, Julio! Gising ka na pala!"
" Tumigil ka! Tigilan mo na ito! Alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag nakawala ako!"
Narinig kong parang baliw na humalakhak lang ang tita mula sa sinabi ng tito. Nakakatakot siyang pakinggan.
" Ano? Sa tingin mo, matatakot pa ako sa'yo? Ha?"
Tumawa na naman siya ulit.
" Palagi mo nalang akong sinasaktan Julio. Akala mo kung sino ka!"
Huminto yata ang paghinga ko nang marinig ang malakas na putok ng baril. Napasigaw ang tito Julio nang matamaan ang kanyang kaliwang binti.
Nakita kong unti-unti nang nagkakamalay si Mike.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
