" Cold Stare. .again"
Inis kong tinapon ang pregnancy test kit sa basurahan dito sa aking banyo. Halos pang sampo ko na itong ulit pero puro negative result talaga ang lumalabas.
Lintek na matres na'to! Bakit hindi pa mabuntis-buntis eh halos ilang ulit ng may nangyari sa amin ni Carlo.
Hindi kami gumagamit ng condom at mas lalong hindi rin ako nagtetake ng pills. Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin?
Natuwa na sana ako nang hindi ako dinatnan sa buwan na'to. Pero kagaya nung huling buwan ay negative pa rin. Shit!
Alam kong napakagaga isipin na sa murang edad kong ito ay gusto ko ng mabuntis. Walang sinuman na nasa tamang pag-iisip ang gustong mabuntis ng maaga.
Ako lang yata ang gagang babae na gustong mabuntis ngayon mismo! Wala akong pakialam kung magalit man ang kung sino basta maanakan lang ako ng taong mahal ko!
Napatukod ako sa lababo at natingnan ang sarili sa salamin.
Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Napapikit ako ng mariin.
Ito lang ang naisip kong paraan para mapigilan ang pagpapakasal kay Mike. Bahala na kung ano ang sabihin ng daddy basta ang alam ko si Carlo ang mahal ko at sa kanya lang ako magpapakasal.
Ang pikutin siya ang huli kong solusyon sa problemang ito. Pero wala.
Naiiyak akong napahilamos sa aking mukha. Desperada na talaga ako. Wala akong pakialam kung mapariwara man ang future ko o madissapoint sila lahat sa akin. I just want one person in this life and that's him.
Ilang sandali na lang ay darating na ang pamilya nila Mike dito sa bahay. Nasa baba ang buong pamilya ko at naghahanda sa kanilang pamamanhikan.
Alam na kaya ni Carlo ang lahat?
Shit. Paano kung pumayag siya? Paano kung wala lang siyang gawin?
Nitong huli dahil sa namamagitan sa amin ay umasa akong mahal din niya ako kahit hindi ko narinig sa kanya iyon. Sapat na sa akin ang mga ginagawa namin para sabihin kong may pagtingin din siya sa akin.
Pero paano kung hindi pala? Paano kung ang lahat ng iyon ay wala lang para sa kanya?
Napahawak ako sa aking ulo at napasigaw!
Shit! Mababaliw yata ako. Hindi ko na talaga alam anong gagawin.
" Cindy! Baby! Halika na! Andyan na ang mga Santillan."
Kinakabahan akong napatingin sa pintuan ng banyo. Ang ate Jennica iyon.
" Cindy! Bilisan mo diyan ha! Teka ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ang tagal mo diyan?"
Huminga ako ng malalim at napatikhim.
" Susunod din ako ate! Saglit lang!"
" Okay! Basta sumunod ka kaagad ha! Magagalit ang daddy kapag pinaghintay mo sila."
Nang makaalis ang ate ay mabilis kong pinahid ang mga luha. Kahit gusto ko na tumakas sa nakaambang mangyayari sa akin ngayon pero misan isang beses ay nagpakatatag pa rin ako.
Tinatagan ko ang loob at pinilit ang sarili na harapin ang katotohanan.
Mabilis akong naligo. Matapos iyon ay nagblower na ako sa aking buhok. Isang simpleng royal blue dress ang sinuot ko. I ponytailed my long black hair using my mother's handkerchief.
Kaunting make-up lang iyong nilagay ko sa mukha at hindi na rin ako masyadong naglipstick ng makapal.
Tinakpan ko lang ng concealer ang mga eyebags ko.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
