45: Cindy Asuncion Tuazon

214 9 0
                                        

"Happy Ever After"

"This is my mother sweetheart, Yasmin Santillan." Carlo smiled fully as he introduced his mother to me.

" Ma, this is my beautiful fiancée, Cindy."

Ngumiti ang mama sa akin ni Carlo. Lumapit ako sa kanya at nakigbeso.

I can say that Carlo get his mestizo features from his mother. Both of them are screaming Spanish blood.

" Oh my, di ba ikaw si Cinderella Asuncion?"

Napawi bigla ang ngiti ko nang sabihin niya 'yun. Hindi ko akalain na ngayon ko lang talaga pinagsisihan ang nagawang pagsuko sa korona.

Hindi ko alam na nakakahiya pala para sa mama niya ang nagawa kong kasalanan noon. Napayuko ako ng di oras dahil sa kahihiyan.

" Ah, ma! Isn't she beautiful? Akalain mo dating miss universe ang mapapangasawa ko?"

I know he's just trying to save me from the awkward situation. And I'm glad na sinabi niya 'yun kaya medyo gumaan dito sa aking pakiramdam.

" Oh right! I'm sorry Cindy if that upsets you."

Mukhang mabait naman 'yung mama ni Carlo. Bumalik 'yung ngiti ko sa kanya.

" It's okay iha. All of us commit mistakes in the past." Hilaw na lang ako ngumiti sa kanya.

Sa totoo lang, hindi pa rin ako komportable kapag pinag-uusapan ang mga nakaraan kong pagkakamali. Pero may feeling ako na dapat 'people should mind their own business'. Making comments to someone's fault is unnecessary if you don't know at all the main reason why it happen.

Pero dahil mama siya ng taong mahal ko, sege magpapasensya nalang ako. Even if I'm not that kind of person who let things pass especially if my pride is at stake.

Nasa California kami ngayon ni Carlo dito sa Los Angeles. Na meet ko 'yung step father niyang Americano at half brother niya na si Rheno. Isang linggo kaming nananatili sa Vancouver at dumaan muna kami rito bago tumulak pabalik ng Pilipinas.

"I'm sorry, iho. I can't go back to the Philippines yet."

"Ma, it's my wedding. Ito lang ang hinihingi ko sa'yo."

Hindi ko sinasadyang marinig sila ng mama niya na nag-uusap dito sa sala ng bahay. Gabi na at tulog na ang lahat. Nakatulog na nga ako pero nagising akong hindi katabi si Carlo kaya bumaba ako baka sakaling makita siya. Kukuha na rin sana ako ng gatas.

" Anak, marami akong inaasikaso rito. I can't leave my husband and Rheno."

Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba sila o babalik nalang sa kwarto namin. Tingin ko kasi mukhang napaka-seryoso ng kanilang pinag-uusapan.

" Iyon ba talaga ang dahilan? O may mabigat kang rason kung bakit hindi ka na bumalik ng Pilipinas?"

" What do you mean Carlo?"

Nakita ko si Carlo na galit na tiningnan ang kanyang mama.

" May kinalaman ka ba sa nangyari sa papa noon?"

Nakita kong napasinghap sa gulat ang mama ni Carlo. Mas lalo lang yata gumulo rito sa isip ko ang lahat. Ano ba ang pinag-uusapan nila?

" How dare you ask me that question! Anong gusto mong palabasin na may kinalaman ako sa pagkamatay niya?! And why you're even asking me that question?! Akala ko ba wala kang naaalala sa lahat!"

Ha? Napatutop ako sa narinig mula sa kanyang mama.

" All the evidences pointed to you ma. I re-opened the investigation. One of the suspect testified that it was you. Ikaw ang nag-utos sa lahat. .."

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon