" Charmaine"
Ilang araw ko ng iniiwasan si Carlo sa school. Alam kong nagtataka na siya kung bakit ko iyon ginagawa sa kanya. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay palagi nalang ako tumatakbo palayo sa kanya.
Pero minsan isang araw nang paglabas sa room sa huling subject ay hindi ko siya nakitang naghihintay sa akin sa labas. Nagtataka ako kung bakit wala na ito sa parati nitong pwesto.
Nasaan kaya siya?
Tumigil na kaya siya sa kakahabol sa akin?
Napabuntong hininga ako at narealize ang mga kamalian nitong huli. Paano kung tuluyan na siyang mawala sa akin dahil sa kahibangan kong ito?
Isipin pa lang na mawawala siya ng tuluyan sa akin ay nakakapagdulot lang iyon ng mas malalim na sakit dito sa aking puso.
Haysst. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit tila ang gulo-gulo na talaga dito sa aking puso at isipan?
Pumunta ako sa field kung saan kami palaging tumatambay. Nakapagdesisyon na akong kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat hindi lang maapektuhan ang friendship namin dahil sa damdamin kong ito sa kanya.
Hinanap ko siya at nagpapasalamat naman akong nakita ko kaagad siya. Lalapitan ko sana siya nang makita na hindi pala siya nag-iisa. May kasama siyang babae!
Napadilat ako nang mapagsino iyon. Bumagsak yata ang puso ko nang makita na kasama niya ang crush niya.
Bakit sila magkasama? Close na pala sila?
Sa hindi mawari ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang nandilim ang lahat sa akin. Humigpit iyong hawak ko sa aking pamaypay.
Masaya silang nagdudrawing sa isang malaking sketchpad. Mukha silang napakasweet na couple kung titingnan.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Shit naman oh.
Inis akong tumalikod sa kanila. Mabilis ang mga paang umalis ako sa field na iyon.
Bakit ba kasi ang hirap ng sitwasyon kong ito? Bakit ba kasi nagkagusto pa ako sa kanya? Bakit ba ang sakit-sakit ng nararamdaman kong ito?!
Inis akong napapahid sa aking luha.
Shit. Napaluha na pala ako.
" Cindy! Sandali lang!"
Natigilan ako sa tumawag sa akin. Mabilis kong pinahid lahat ng luha sa mata nang maramdamang papalapit na siya sa akin.
Nakita niya pala ako. Sinundan niya ako.
" Hoy! Kumusta na?!"
Nawala bigla ang ngiti niya sa labi nang makitang inis akong hindi makatingin sa kanya.
" May problema ba Cindy?"
Hindi ko siya sinagot.
" Anong nangyari diyan sa mata mo? Umiyak ka ba?"
Napalunok ako at tiningnan siya agad.
" Hindi ah! Bakit naman ako iiyak?"
" Eh napano iyang mata mo? Nag-away ba kayo ni Mike?"
Gosh. Kahit kailan iyang si Mike grrr. Hindi ko alam na nakakagalit na talaga ng sobra itong maling akala niya sa amin ng pinsan niya.
" Napuling lang ako! At pwede ba huwag ka ng makialam sa buhay ko!"
Mabilis akong tumalikod sa kanya at umalis na. Pero pinigilan niya ako.
" Ano ba!? Nang-iinis ka ba? Bakit ganyan ka na sa akin ngayon?"
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
